Chapter 5

24 5 0
                                    

Isabelle

It's been a week when I started to court him pero sa isang linggo na iyon wala pa ding nangyayari. I'm tired.

After all this years I chased him but still he ignores me I'm getting tired about this. First year pa lang kami nang malaman ko na ang nararamdaman ko sa kaniya, alam kong bata pa ako o kami pero akala ko yung nararamdaman ko para sa kaniya ay puppy love lang but tumagal nang tumagal hanggang sa lumalim na. Hulog na hulog ngunit walang sumalo sa akin.

Nandito ako ngayon sa music club mag-isa lang dahil wala pa yung iba. Mukhang napaaga ako nang dating.

Umupo ako sa upuan sa mini stage dito at kinuha ang gitara ko sa bag nito. I started to strum the strings of the guitar.

Napapikit na lamang ako sa pag-strum at kumanta.

'And my friend says, I know you love him but it's over mate.'

'It doesn't matter, put the phone away.'

'It's never easy to walk away, let him go.'

'It'll be alright.'

Napamulat ako nang mata kasabay non ang pagtulo ng aking mga luha. Naalala ko yung mga pinag-gagawa kong pagpa-pakatanga sa kaniya noon, maraming taon ang nasayang. Ginawa ko naman lahat para mapansin at magustuhan niya ako pero tangina ang sakit wala pa din talaga.

"Should I give up?" Tanong ko sa sarili ko. Maski yang tanong na yan hindi ko masagot eh.

Last na yung pagpa-pakatanga ko sa kaniya nung nakaraang linggo. Huli na yon at hindi na masusundan. Suko na ako.

Nung sinabi ko sa sarili ko na hindi ako sumusuko paniwalang paniwala ako pero iba na ngayon. Kailangan ko pa lang sumuko para maging masaya, at sa oras na ito alam ko na ang sagot sa tanong ko. I will give up.

Close na sila ni Zane, hihintayin ko na lang yung announcement na liligawan niya si Zane I'm sure hindi naman magtatagal at liligawan na niya.

"Oh, aga mo ata par?"

Napabalik ako sa reyalidad nang may magsalita agad kong tinignan yon at si Ramn pala.

"Ah tinitignan ko kase kung may mga kulang pa tayong instrument." Ngumiti ako sa kaniya at isinilid na uli ang gitara sa bag.

"Teka umiyak ka ba?" Napahawak ako sa pisngi ko nang makita niya ito.

"H-ha hindi ah napuwing lang ako." Sabay punas sa mata at pisngi.

"Sure ka?" Naniniguradong saad niya.

"O-oo naman, kaya niyo naman na siguro mag-practice di ba? May pupuntahan lang ako saka magpra-practice na lang ako sa bahay." Isinakbit ko na ang bag ko at gitara sa likuran ko para makaalis na.

"Osige par kaya na namin isang kanta lang naman ang kakantahin ni Zane kaya ayos lang." Tumango na lamang ako sa kaniya.

"Oh paano ba yan una na ako ah?" Atat na sabi ko.

"Sige sige, kami na bahala dito." Tumango na ako at lumabas nang music club.

Magpapalipas na lang muna ako nang oras sa garden sa likod nang school. Habang papunta doon ay makakasalubong ko sila Maddox at Zane kaya agad akong lumiko sa isang room na walang tao bago pa nila ako makita.

"Zane!" Tawag ni Maddox kay Zane. Huminto sila sa tapat nang room na kinaro-roonan ko pero hindi nila ako makikita dahil nakasarado yung pinto.

"Oh? Bakit?" Sagot naman ni Zane.

Chasing HimWhere stories live. Discover now