Isabelle
"Weh? Totoo ba?" Hindi nani-niwalang tanong nila sa akin.
"Ayaw niyo maniwala? Hintayin niyo na lang." Ngumisi ako sa kanila at tumalikod na para kunin ang gamit.
"Tuloy na lang natin practice, madami na masyadong chismosa dito." Palabas na nang pinto kong sabi.
"T-teka Rania hintayin mo ako!" Sigaw ni Zane ngunit hindi ko siya pinakinggan.
Paglabas ko ng pinto nakita kong naka-abang ang tropa at si Maddox sa pinto. Tinaasan ko sila ng kilay para malaman kung ano pang ginagawa nila dito samantalang umalis na ang iba pang estudyante. Nang dumapo ang paningin ko kay Maddox agad na nawala ang taas ng aking kilay. Napakahina ko pagdating kay Maddox.
"Maddox pwede ba tayo mag-usap?" Tanong ko sa kaniya, agad naman kumunot ang noo niya ngunit maya maya pa ay dahan dahang tumango.
"Nolan pakisabi na lang kay Zane nauna na ako, salamat." Agad ko na siyang tinalikuran para makapag-usap kami ni Maddox.
Nakita ko naman na sumusunod sa akin si Maddox kaya walang problema. Dinala ko siya isa sa mga bench sa garden. Humarap ako sa kaniya at tumingala. Tangkad eh.
"H-hindi na ako magpapaligoy-ligoy, may gusto ka ba kay Z-zane?" Agarang tanong ko.
"Do I like her? Well yeah." Parang wala lang sa kaniya yung sagot niya.
Gusto niya si Zane, si Zane na kaka-transfer lang kahapon. Si Zane na maganda, mabait, matalino at mahinhin. Talo ako.
"Hindi ako susuko sayo, alam mo naman kung anong nara-ramdaman ko sayo di ba?"
"I don't like you." Straight forward na sabi niya.
Umiwas ako ng tingin sa kaniya dahil napakasakit niya magsalita.
"Alam ko, pero hindi pa din ako susuko." Determinadong sagot ko sa kaniya.
"Hindi ikaw ang gusto ko, si Hanna ang gusto ko. Do you know? The first time I saw her? I admitted to myself that I like her. Unlike you were classmates since elementary but I don't see you as my girl."
Parang may mga patalim na sinaksak sa puso ko nang marinig ang kaniyang sinabi.
"You're a troublemaker and i will never like you. Remember that." Sabi niya at walang sabi sabi na tinalikuran ako, ngunit napatigil siya sa aking sinabi.
"Hindi ako mahina Soren, hindi ako basta basta sumusuko. Hindi kita susukuan at mamahalin mo din ako."
"Hinding hindi mangyayari yan." Pinanood ko siyang lumayo sa akin hanggang mawala na sa aking paningin.
Nanghihina akong napaupo sa bench na malapit sa akin. He admitted it, he likes Zane.
I felt insicure. But no, I will never give up. Hindi ako sumusuko, matapang ako eh. Liligawan ko na lang siya, alam ko na babae ako pero bakit? Lalaki lang ba nanliligaw?
"Tss Rania matapang ka, huwag kang iiyak lampa lang ang umiiyak." Pagkatapos kong patatagin ulit ang sarili ay napagdesisyonan ko na umuwi na.
Habang naglalakad pauwi may nakita akong mga kalalakihan na nag-iinom saktong madadaanan ko sila dahil wala nang ibang daanan papunta sa subdivision namin.
Malapit na sana akong makalagpas sa kanila nang mapansin nila ako. Trouble again.
"Miss hatid ka na namin." Sabi ni gurang na parang tangang ngingi-ngisi sa akin.
"Thank you but no." Plastik akong numiti at tumalikod na ngunit hindi pa ako naka-katatlong hakbang nang hilahin niya ang braso ko.
Dahil sa alisto ko nahawakan ko kaagad ang kaniyang kamay at pinilipit, napaungot naman siya dahil doon.
"Don't fucking touch me mister." Seryoso kong saad sa kaniya.
"Aba't matapang ka ah!?" Sigaw naman nang isa sa kanila na palapit sa amin.
"Subukan mong lumapit sa akin puputok yang nguso mo!" Malamig kong sabi sa kaniya na ikinaatras niya.
"Sus miss pakipot ka pa eh." Sabi nung isa sa kanila at hinawakan ako sa braso.
Agad ko siyang sinipa sa yaman niya bago suntukin sa panga, kasunod na noon ang pagsugod nila sa akin. Apat laban sa isa, nice.
"Matapang ka ah!?" Sipa nang isa sa akin na agad kong naiwasan mabilis ko siyang binawian ng suntok sa sikmura, namilipit naman siya sa sakit non.
"Sugod pa! Pagkama-manyak niyo!" Sigaw ko sa kanila.
"Oh eto tangina kang babae ka!" Sigaw sa likod ko na saktong pagharap ko ay nasapol ako sa mukha. Tangina.
Sinamaan ko ng tingin ang gumawa non at patakbong pumunta ako sa kaniya at mataas na tumalon para masipa ang mukha niya. Bagsak.
Tumingin ako sa kanilang lahat na nasa lupa na nakahiga, maya maya pa ay may pumipito na sa tingin ko ay mga tanod.
"Hoy ano yan!?" Sigaw ng tanod kaya mabilis akong tumakbo papunta sa subdivision namin.
Wala akong balak magpahuli at madala ang magulang sa baranggay o prisinto. Hingal na hingal akong dumating sa bahay namin. Agad akong pumunta sa kusina para uminom ng tubig.
"Oh ihaa anong nangyayari sayo at hingal na hingal ka!?" Nata-tarantang sabi ni Lola Flor na kasambahay namin dito sa bahay.
"L-lola tubig, tubig." Sabi ko habang hingal na hingal pa din na umupo sa upuan.
"O-oo!" Mabilis na kumuha si Lola Flor nang tubig sa ref at ibinigay sa akin na agad kong ininom.
"Dahan dahan naman Isabelle!" Sita ni Lola Flor nang makita na nagkakatapon yung tubig sa uniform ko pero wala na muna akong paki-alam dahil uhaw na uhaw talaga ako.
"Teka napaaway ka na naman ba!?" Nag-aalalang sabi ni Lola.
"Yung mga tambay kasi dyan sa kanto la harangin ba naman ako edi nasampolan ko sila." Pagyayabang ko na kaniyang ikina-pingot sa aking tenga.
"T-teka La masakittt!" Mangiyak-iyak kong sabi.
"Yan napapala mo! Makakarating ito sa mommy at daddy mo Isabelle! Teka at kukuha ako nang yelo para dyan sa pasa mo!" Sabi niya.
"Lola Flor naman hindi ka pa ba nasanay sa akin? Tsaka La, Rania na lang po ang pangit ng Isabelle eh." Reklamo ko sa kaniya.
"Hay nako Isabelle, magtino tino ka na nga!" Sabi niya sa akin habang nilalagayan na ng yelo yung pasa ko sa pisngi.
"A-aray naman La may galit ka ata sa akin eh!" Naka-simangot kong sabi sa kaniya.
"Kanina sa labanan hindi ka nasaktan tapos ngayong ginagamot nasasaktan ka, timang ka din eh." Sermon ni Lola na ikina-ikot ng mata ko.
"Iba naman po yon eh!"
"Oh ayan tapos na, umakyat ka na sa silid mo at maligo." Utos niya sa akin at inayos ang mga pinag-gamitan ko.
"Sige po La huwag niyo na po sabihin kila mommy Lola ah? Love youu!" Sigaw ko habang patakbong umakyat sa hagdan.
Nang makarating ako sa kwarto ko ay agad akong naligo at nagbihis.
Si Lola Flor ay matagal na naming kasambahay na itinuturing na rin naming pamilya, ang kaniyang mga anak ay nasa abroad para magtrabaho doon dahil wala pang apo si Lola Flor ay ako na lang ang ginawa niyang apo.
Humiga ako sa kama nang matapos na sa lahat nang ginagawa ko. Medyo masakit yung pisngi ko dahil sa tama nang suntok nung ugok na yon.
Naisip ko si Maddox, gusto nga niya kaya talaga si Hanna Zane? Simula bukas liligawan ko na siya. Wala na akong pake kung babae pa ako mahal ko eh.
Nang makaramdam ako ng pagod ay agad ko nang ipinikit ang aking mata para makapag-pahinga.
YOU ARE READING
Chasing Him
Teen FictionIsabelle the troublemaker used to be chase her longtime crush named Maddox. A heartthrob boy in their school but Maddox seems not affected in Isabelle's beauty. Until a girl came with an angelic face and Isabelle see that Maddox is interested with t...