Isabelle
Nandito ako ngayon sa kwarto ko, nakaharap sa salamin. Sa salamin na para ko nang matalik na kaibigan, dahil sa tuwing nasasaktan at umiiyak ako siya lang ang nakakakita, hindi niya ako pinagtatawanan at nilalait.
It's hurt like hell.
Matapos ang madrama na namang usapan sa tabing dagat ay umuwi na kami, ngunit bago iyon ay pinagmasdan muna namin ang araw na lumubog.
I'm so lucky to have Nolan by my side. Sana makahanap na siya ng babaeng para sa kaniya na mamahalin at aalagaan siya. Napaka-swerte nang babaeng yon kay Nolan.
Pinagmasdan ko yung itsura ko sa salamin and fudge, I look like a mess. Sa magulo kong buhok, sa mga matang namamaga kakaiyak, ilong na namumula, labi na may sugat at sa katabi nito ay may pasa, hanggang sa maluwag na damit kong suot.
Hinding hindi ka niya magugustuhan Isabelle Ourania Klein. Asa ka pa.
Patakbo akong nagtungo sa kama at sumubsob sa aking mga unan para mapunasan ang mga luha kong sunod sunod kumakawala.
Ilamg minuto pa bago ako bumangon sa pagkakahiga at maligo. Nagpupunas ako ng buhok nang makarinig ako ng ingay sa baba.
Agad kumunot ang noo ko dahil doon, wala kaming inaasahang bisita. Kung si Nolan man iyon ay dapat sinabi na niya na pupunta ito sa bahay namin. It's saturday so I won't see him.
Hindi na ako nakapag-suklay dahil nagmamadali akong bumaba, ganoon na lamang ang gulat ko sa nakita.
"Tangina! Eros!" Malakas na pagkakasabi ko dahilan para mapatingin ang iba pang tao na nasa paligid namin. Wala akong pake.
Dali dali akong tumakbo dito at mahigpit na yumakap. I miss him, I really do!
"Your bad mouth Rania!" Natatawang sabi niya na ikinatawa ko din.
"Bakit hindi kayo nagsabi na uuwi kayo!?" Inis na sabi ko bago humiwalay sa yakap.
"Hindi mo ba kami namiss Rania!?" Lalong nanlaki yung mata ko sa boses na narinig. Si tita Sarah!
Dahan dahan akong humarap sa kaniya at nagpeace sign. Ayaw na ayaw ni tita na nakakarinig ng mga mura! Pingot na naman.
"And why are you cursing!?" Magkasalubong ang kilay na saad ni tita Sarah.
"T-tita nagulat lang ako, wag naman ganiyan!" Kinakabahan na sabi ko nang magsimula itong maglakad patungo sa akin na ikina-antras ko naman.
Narinig ko naman ang mahinang tawa ni Eros kaya agad akong humarap sa kaniya para samaan ng tingin. Ngunit hindi inaasahan nakalapit na sa akin si tita Sarah kasabay noon ang paghablot sa aking tenga.
"A-aray titaa, hindi na ako magmumura bitawan mo po ako!" Sakit na sakit na sabi ko.
Ano ba yan masakit na nga puso ko masakit pa tenga ko! Haramiyo mahabaging parusa!
"Makarinig lang ako ng mura sa masamang bunganga mo Rania, itatakwil kita!" Galit na sabi nito at binitawan ang namumula kong tenga.
"Tita naman itatakwil agad!?" Tila naasar naman ito dahil akmang aabutin na naman nito ang tenga ko nang awatin siya ng anak.
"Ma stop! Para namang hindi mo kilala si Rania" natatawang sabi ng putanginang si Eros.
Matalim akong tinignan ni tita bago ako yakapin ng mahigpit. As in mahigpit na halos malagutan ako ng hininga!
YOU ARE READING
Chasing Him
Teen FictionIsabelle the troublemaker used to be chase her longtime crush named Maddox. A heartthrob boy in their school but Maddox seems not affected in Isabelle's beauty. Until a girl came with an angelic face and Isabelle see that Maddox is interested with t...