Chapter 8

21 5 0
                                    

Isabelle

Nakatulala ako sa laptop nang mabasa ko iyon, kahapon niya inaccept yung friend request kong matagal tagal na nakatambak sa friend request niya.

Its fucking years before he accept my facebook account, what the fuck?

Paano ako magmomo-

"How can i move on when I'm still in love with you." Masamang masama ang tingin ko sa pinto dahil pumasok doon si putanginang Eros na kumakanta pa ng 'The man who can't move on'.

"Oh bakit ganiyan mukha mo Rania tanga?" Inosente niyang saad bago humiga sa kama kong kakapalit ng mga punda at kumot!

Lalong sumama ang tingin ko sa kaniya, dahil sa inis sinipa ko siya na ikinalaglag niya sa kama.

"What the fuck!" Gulat na sabi niya habang nakahiga pa din sa carpet na nasa ibaba ng kama ko.

Hindi ko siya pinansin, tinignan ko na lamang ang laptop ko na naka-open. Hindi talaga ako maka-paniwala na inaccept niya ako after all these years!

"Ah si Soren naman pala, wala kang pag-asa dyan" saad ni Eros palos na nasa tabi ko na pala.

"Tanga mo, lumayas ka nga dito!" Galit na talagang sabi ko at umiwas ng tingin sa laptop.

"Uy bakit namumula mata mo? Naka-drugs ka no!?" Nata-tarantang saad niya ngunit agad na nagbago iyon nang sunod sunod pumatak yung mga luha kong pinipigilan.

"H-hindi niya ako gusto Eros eh, may nililigawan na sya. Talo ako." Para akong batang nagsusumbong sa magulang dahil sa boses ko.

Eto na naman ako, iiyak. Ayaw ko na umiyak pero bakit traydor yung mga luha ko? I can't forget him.

"I chased him but he always ignored me and it hurts. I don't wanna cry anymore but my tears betraying me. I'm so stupid." I cried once more because i can't finally forget him. It's hard to forget him.

Nakikinig lang si Eros sa bawat salitang binibitawan ko. Wala eh, mahina ako pagdating sa kaniya.

"Naging alipin ako Eros eh, alipin ng pagmamahal ko sa kaniya but still wala akong nagawa kundi panoorin siyang tumawa sa ibang babae. Nililigawan niya k-kaibigan ko, Eros. Mas masakit iyon di ba?" Patuloy ko.

"Bakit hindi mo awayin, trinaydor ka ng kaibigan mo Isabelle" seryoso niyang saad na ikinatingin ko sa kaniya.

Kung ganoon kadali Eros ginawa ko na.

"I c-cant, wala siyang alam na may gusto ako kay Soren. Walang nagsasabi sa kaniya kahit pa alam ng buong klase. I don't know" gulong gulong sabi ko na patuloy pa ding umiiyak.

Naramdaman ko ang kaniyang yakap sa likod ko kaya humarap ako sa kaniya at yumakap pabalik.

"Shh, move on. Yan ang una mong gawin kahit mahirap kahit matagal basta sa bandang huli masaya ka. Ikaw pa malakas ka kaya!" Pagpapagaan niya ng loob ko.

Napangiti ako ng mapait. Napaka-swerte ko may mga taong nasa tabi ko kahit napaka-sama ng ugali ko.

"You'll get better soon, Rania tanga" bulong niya.

Itinulak ko siya dahil naiinis na naman ako sa kaniya. Ngumisi lang ang gago at tumayo na.

"Get ready Rania, we will get your revenge!" Pasigaw niyang sabi hanggang makalabas ng pinto.

Kumunot naman ang noo ko dahil sa sinabi niya. Revenge? Kahit kailan hindi yan pumasok sa isipan ko.

Isinawalang-bahala ko na lamang ang sinabi niya dahil sa pag iyak ko agad akong hinila ng antok.

Chasing HimWhere stories live. Discover now