Chapter 11

26 2 0
                                    

Isabelle

Kapansin pansin sa school ang mga booths na itinatayo sa field. Mga estudyanteng pakalat kalat at kita sa mukha nila ang pagkataranta. Wala akong balak tumulong sa room namin kaya nagpapagala gala na lamang ako.

"Oh Rania nandito ka na pala!" Napalingon ako sa nagsalita.

"Obviously!" Inirapan ko siya at nagpatuloy sa paglalakad.

"Aga aga sungit, hindi ka ata naengkwentro sa gulo ah?" Tanong ni Athena.

"Tss." Hindi ko siya pinansin subalit nakasunod pa din sa akin.

"Balita ko sila na ah?" Maya mayang sabi ni Athena na nakaharap sa may gym.

Sumunod ang tingin ko doon na ikina-iwas ko na naman muli. Masakit sa mata ang taong nagyayakapan sa gitna ng gym. Zane and Maddox.

"Sumuko ka na ba?" Tanong ni Athena at umupo rin sa kinauupuan ko.

"Bakit may rason pa ba para lumaban?" Sabi ko na nasa malayo nakatingin, hindi siya sumagot.

"Mahal mo ba?" Tanong niya ulit. Yumuko ako atsaka tumango.

Masasabi kong mabuting tao si Athena dahil bukod kay Zane si Athena lang ang naging kaibigan kong babae dito sa campus. Kahit hindi ko siya tinuturing na kaibigan lagi naman siyang nasa tabi ko kapag may kailangan ako.

"Mga nagmamahal nga naman, ako? Ayaw ko pa maranasan magmahal dahil masasaktan ako. Oo it's part of love pero kapag naglaro ang tadhana talo." Sabi niya bago ako akbayan.

"Cheer up chikababes Rania! Madami pang iba dyan, si Eros di ba boyfriend mo?" Tatawa tawa niyang saad na ikinasama ng tingin ko.

Alam naman niya na pinsan ko si Eros, sertified stalker kaya namin yan. Kaibigan kasi nila mommy yung magulang niya. Madalas din pumupunta sila tita Thea sa bahay kasama siya. Tss.

"Namo!" Inirapan ko siya kasabay ng pagkuha ko ng gitara na nakasabit sa likod ko.

"May performance ka sa Friday?" Tumango na lamang ako at nagsimula na mag-strum. Tumingin ang kay Maddox at Zane na magkayap bago pumikit.

"Porque contigo yo ya escoji? Ahora mi corazon ta sufri"

"Bien simple lang i yo tapidi, era cin ti tu el cosa yo ya cin ti"

"Tapidi milagro, vira'l tiempo el mali hace derecho"

"Na di mio reso, tapidi yo era ol vida yo contigo"

After that, I opened my eyes with full of tears. How sadly it is, I bitterly smiled. Be strong Rania.

"Alam mo?" Napakunot ang noo ko ng magsalita na naman si Athena. Pinahid ko muna ang luha bago humarap sa kaniya.

"Wala akong naintindihan sa kinanta mo." Parang tanga siyang nakakunot ang noo at binibigkas ang kinanta ko.

"Pfft!" Pigil tawa ko. Naiinis naman siyang humarap sa akin.

"Anong ibig-sabihin non? Ano nga ulit yon? Ta ta ta ano?" Tatanga tanga niyang saad.

"Tapidi milagro gago."

"Ano bang kanta yan? Alien nagsulat?" Sabi niya habang nagkakamot ng ulo, nawala yung lungkot ko kay Athena.

"Tanga ka kase." Sabi ng boses sa aming likuran kaya pareho kaming napalingon. Si Erostanga.

"Anong- hoy! Fyi hindi ako tanga ha!" Nakasigaw na saad ni Athena.

"Sus hindi daw, eh hindi mo nga mabigkas yung tapidi milagro." Nakangising saad ni tanga.

Chasing HimWhere stories live. Discover now