Isabelle
"Tara!" Sabi ni Nolan kasabay nang paghatak ng kamay ko patayo.
Kumunot naman ang aking noo dahil sa sinabi niyan. Pagkatapos ng madrama naming pag-uusap bigla na lamang siyang tumahimik at sasabihing 'tara'.
"Saan naman tayo pupunta!?" Sabi ko sa kaniya na ikina-ngiti niya ng todo.
"Ice cream parlor!" Malapad siyang ngumiti dahilan para mapangiti na lang din ako.
"Masakit puso ko!" Kunwaring sabi ko kasabay ng paghawak ko kunwari sa aking dibdib.
"Ice cream is the best medicine!" Kasabay nang pagkasabi niya noon ang malakas niyang tawa, inirapan ko na lamang siya dahil sa kalokohan niya.
Kinuha ko na ang mga gamit ko habang si Nolan naman ay nakatayo lang na parang tangang nakatingin sa akin.
"Tanga mo, oh baka gusto mo akong tulungan magbitbit?" Sarkastikong tanong ko sa kaniya.
"Bahala ka, ano ka prinsesa!?" Sabi niya kaya naman pinandilatan ko siya ng mata dahilan para kuhanin niya ang gitara ko at isakbit sa kaniyang likuran.
"Kukunin din pala nagi-inarte pa." Bulong na sabi ko sa aking sarili.
Nagsimula na kaming maglakad palabas ng gate nang mahagip ng mata ko si Maddox na papalayo sa garden isinawalang bahala ko na lamang iyon. Kahit masakit pa rin sa akin ay tatanggapin ko na lang kaibigan ko yung nililigawan niya eh. I'll respect their status and relationship.
Dahil may klase pa ay hindi kami basta basta maka-kalabas ng gate dahil may guard.
"Rania, dating gawi!" Kinindatan niya ako bago magtungo sa isang mababang bakod ng school.
"Mauna ako umakyat." Sabi niya saka bigay sa akin ng gitara ko na agad ko naman kinuha.
"Sambutin mo tong gitara pagkahagis ko, tangina ka pag hindi mo nasambot to ipupuk-pok ko sayo tong dos por dos dito!" Sigaw ko dahil nakatawid na siya sa kabila.
"Oo na, alalang alala sa gitara tapos sa akin hindi!" Sigaw naman niya sa kabila.
"Malamang mas mahal ko gitara ko no!" Sigaw ko ulit.
"Oh tanga eto na bibilang ako ng tatlo tapos ibabato ko na dyan, sambutin mo ha!?" Sigaw ko.
"Oo game, game!" Balik sigaw niya.
Bumilang ako ng tatlo bago ihagis yung gitara ko. Wala naman akong narinig na kumalabog sa kabila kaya kampante akong umabante at tumakbo paakyat sa bakod saka bumaba sa kabila.
"Ayos ba?" Ngisi ko sa kaniya nang makababa ako ng bakod.
"Ewan ko sayo!" Ismid niya sa akin bago maglakad papapunta sa masukal na daan.
Sa katabing bakod ng school namin ay dadaan muna kami sa masukal na bahagi bago makarating sa daan. Short cut.
Nang matanaw ko na ang daan agad akong pumunta doon at nagpapag ng palda dahil madaming ligaw na halaman na masakit sa balat ang dumikit sa aking palda, ganon din ang ginawa ni Nolan.
"Let's g!" Sabi ko sa kaniya matapos magpagpag.
"Ice cream here we come!" Malakas na sigaw ni Nolan dahilan para napatingin sa amin ang ibang tao.
"Gago!"
Hanggang makarating kami sa ice cream parlor ay tawa pa din kami ng tawa na parang baliw. Nawiwirduhan na siguro yung nga tao, ako din eh hindi ko na alam kung bakit pa kami tumatawa.
"Par hanap muna ako ng mauupuan." Tumango naman siya kaya naghanap na ako.
Medyo marami na rin kasi ang nandito sa ice cream parlor dahil 3:30 na rin naman ng hapon.
YOU ARE READING
Chasing Him
Teen FictionIsabelle the troublemaker used to be chase her longtime crush named Maddox. A heartthrob boy in their school but Maddox seems not affected in Isabelle's beauty. Until a girl came with an angelic face and Isabelle see that Maddox is interested with t...