Chapter 1

39 5 0
                                    

Han Jeanji

"young master" bungad ng mga taga pag silbi sa akin habang sila ay naka yuko at naka taas at magkadugtong ang mga kamay ng mga ito tanda bilang pag galang sa akin bilang isang young master nila kaya ginaya ko din sila bilang pag pa pakita ng kabutihan sa kanila dahil yan ang turo sa akin ni uncle Han dahil hindi naman kami tulad ng ibang angkan na mataas ang tingin sa sarili "young master napapadalas ata ang pag gising at pag gawa nyo ng mga mababangong kandila at pang kulay sa labi" puna ni wenwen habang naka ngiti sa aking harapan "ahh oo dahil wala naman akong pag kakaabalahan dahil sa susunod na araw pa naman ang aming unang pasokan sa paaralan" sagot ko dito "sige mauna nako" dugtung ko at nag lakad na papaalis sa harap nila.

Ngayon ay tutungo ako sa dulo nitong aming tahanan, ang aming tahanan ay naka tayo sa gilid ng isang lawa kung saan nakatanim dito ang mga bulak na makikita sa tubig tulad ng mga lottos at water lily at kung gabi ay ang aming tahanan ay pinapaligiran ng mga maliliwanag na alitaptap kaya lalo itong gumaganda, dito sa bayan namin ang tawag ng karamihan sa tahan ng mga Han ay Bloom cage dahil narin sa mga magagandang mga bulaklak na makikita dito at dahil narin sa mga sinasabi ng tao na ang aming angkan ay may tagalay na kagandahan bilang lalaki man o babae kaya bloom cage ang tawag nila dito. Ang aming angkan ay isa sa mga tinitingala at ginagalang ng lahat at dahil dito ay marami ang nais kaming mapabagsak at masakop itong bloom cage sa kamay nila pero kahit ganon ay na nanatili parin kaming tahimik at hindi nag papa dala sa takot ng kung sino man dyan sa paligid.

Nang makarating ako dito sa dulo ay agad akong umupo sa harap ng maliit na lamesa at sinimulan na ang pag hahanda para sa pag gawa ng pang kulay para sa labi at sa mabanging kandila at sabon, bago yun ay nag sindi muna ako ng insenso sa isang pot para maging maganda ang atmospera ng paligid.

Ako nga pala si Han Jeanji labinsyam na taong gulang na at galing ako sa angkan ng mga Han ngunit ang aking tunay na angkan ay ming kaya lang naging Han ay dahil sa kinupkup na ako ni uncle at madam Han nung na matay ang aking ina at ama ang aking ina ay kapatid ni uncle Han kaya inako nya ang responsibilidad para sa akin kaya labis akong nag papasalamat para sa kanya at ang aking ama naman ay mula sa angkan ng mga ming makikita lang ang angkan ng ming sa isang malayo at mabundok na bayan dito saamin.

Kaming mga Han sa angkan namin ay hindi kami isang ordinaryong tao dahil may taglay kaming kapangyarihan na wala sa isang ordinaryong tao, karamihan ay gumagamit ng puting salamangka at bibihira nalang ang itim dahil sa masama daw ito at ang ibang mga angkan naman ay may kanya kanya ding taglay mula sa apoy at sa iba pang elemento. Ako ata ang natatangi ang kapangyarihan dahil tuwing gagamitin ko ang kapangyarihan ko ay kung mapapansin ang kulay nito ay mala Rosa at sinasamahan pa ng mga talolot mula sa mga bulaklak, bukod sa kapangyarihan ay parati kaming may dalang espada bilang aming pang depensa sa aming sarili, ang aking espada ay espesyal dahil nag tataglay ito ng isang kaluluwa kaya masasabi ng may sarili itong buhay at tanging sariling amo lang nila ang kanilang sinusunod.

Bukod sa espada ko ay parati ko ding dala ang aking pamaypay, ang hindi alam ng lahat ay may itinatago pa akong kapangyarihan ang kapangyarihan kasi ang aking ama at ina ay nag sama sa aking katawan itim at puti na salamangka at yun ang taglay ko ngunit ang nakikita lang ng iba tuwing gagamit ako ay puti natatakot akong gamitin ang itim na salamangka dahil baka katakotan ako ng ibang tao kaya puti ang lagi kong ginagamit.

"young mater wein handa napo ang umagahan" saad ng isang katulong sa aking likoran "sige susunod nako at ililigpit ko lang ito" sagot ko kahit Na lalaki ako ay hilig ko parin itong pag gawa ko dahil tinatamad akong gumalaw ng malaki tulad ng ibang lalaki kaya napapag kamalang nila akong babae bukod sa kilos Kong malumanay ay dahil narin sa taglay kong ganda bilang lalaki at babae hindi ako nagagalit kong mapag kamalang man ako bilang babae bagkos ay kinatutuwa ko pa ito dahil ginagamit ko ito bilang panlinlang sa mga taong kinatutuwa ko.

Mabilis kong naayos ang aking mga gamit kaya tumayo nako at nag lakad papunta sa kabilang bahay hindi sa kapitbahay namin ahh ang bloom cage kasi ay madaming nakatirik na bahay dito tulad ng unang bahay oag pasok mo palang ng bloom cage duon mo makikita ang bahay o bunagad bahay ni uncle Han sa bungad bahay ay dito minsan nag pupulong ang mga kasama nitong pinuno ng bawat angkan kung may gagawing pag pupulong dito din kami kumakain ng sabay-sabay kaya ito ang tinutukoy kong bahay kanina.

"madam han uncle han" bungad ko sa mga ito tska ako yumuko ng bahagya "umopo kana wein para makapag simula na tayo" sagot ni madam han sa akin mabait naman sila sa akin ehh kaya yun ang pinag pa pasalamat ko sa lahat dahil itinuring nila akong bilang kanilang anak "mamaya penge ako ulit ng kandila mo ahh" bulong ni ate lei sya ang nakakatanda naming kapatid ni cheng magkasing idad lang kami ni cheng at si ate naman ay isang taon alang ang agwat namin "oo naman ate may bago akong gawa kanina dun" bulong kong sagot dito na kinangiti nito at kinatango "nakahanda naba ang mga dadalhin nyong mga gamit?" tanong ni uncle saamin kaya nag katinginan kaming tatlo "ahm... Medyo uncle" alang an kong sagot at tanging pag tungo nalang ang naisagot nito saamin.

Matapos ang pag kain namin ng umagahan kasama ang mga taga pag silbi ay lumabas na kami para maka pag ayos kami ng mga gamit namin pero bago yun ay binalikan ko muna ang mga ginawa kong kandila, sabon, at kolorete sa labi tska ako pumunta sa kwarto ko para makapag ayos na.

Iilang mga damit lamang ang aking dadalhin mga nasa limang piraso ng damit ata yun isinama kona din ang mga ginawa kong kandila kanina at pabango hindi ko ito gawa kundi bili ito mula sa bayan. Isa-isa kong nilagay ng maayos ang mga damit ko sa isang malaking telang kulay lila tska ko ito inayos para mabitbit ko ito ng maayos, tinali ko ang mag kabilang dulo ng mahigpit para ito ang mag silbing harang nila at ang is ah mag kabila naman at tinali ko din ang mag kabilang duto para ito naman ang maging sabitan nito.

Nang matapos akong mag impaki kinuha ko ang tatlong malalaki kong kandila at isang kolorete, agad akong lumabas ng aking solid at tinungo ang kawato ni ate sa kabila pag ka dating ko dun ay kumarok muna ako Ng tatlong beses bago ito binuksan "pasok ka wein" naka ngiti g bungad ni ate sa akin kaya pumasok nako at pumwesto sa maliit nitong lamisa "ito ate ohh mabango ito ibang bulaklak naman ang aking ginamit at pinag sama-sama" saad ko habang inaayos ito sa lamisa nito agad naman syang umupo at inamoy ito "ang bango nito" naka ngiti nitong puna "pag sinindihan mo yan ate ang bango nyan ay talagang kakalat sa buong kwarto mo at ito pang kolorete ate rosas at langis ng nyog ang ginamit ko ulit dahil alam kong maganda yan sa labi mo" sagot ko dito at binuksan ang lalagyan ng kolorete at binigay sa kanya ang maliit na pang kuha dito "ang galing naman pwede ka nang mag negosyo nito wein" saad nito at nag pahid ng maliit sa kamay nito at kinalat ng bahagya kumulay naman ito na kulay pula "salamat talaga dito wein" pag pa pasalamat nito sa akin at isang ngiti lang ang naisagot ko dito.

..............................................................................

Hello☺️😊

Hope you enjoy guys

Lotus candle

Lipstick pot

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Lipstick pot

Lipstick pot

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
THE DESCENDANTS Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon