After 6 months
Hinawakan ko yung tiyan ko na halatang malaki na ngayon habang naghihintay ng tricycle. Hindi rin naman nagtagal at may napara ako at sinabi ko sa kanya na sa bayan niya ako dalhin. Pagkalipas ng ilang minuto ay huminto kami sa isang flower shop. Inabot ko na yung bayad ko saka pumasok sa shop. Agad namang bumungad sa akin si Aling Nelia na nakangiti habang nagdidilig ng mga halaman. Ngumiti rin ako sa kanya saka ko nilapag yung binaon kong sopas para sa kanya.
"Magandang umaga sa'yo, hija," wika niya sabay abot sa akin ng nung notebook na nasa tabi niya.
"Magandang umaga rin po," sabi ko. Kinuha ko yung notebook at tiningnan ang mga nakasulat dito at halos manlaki ang mga mata ko.
"Isang libong rosas?!" Hindi ko mapigilang mapasigaw. Tangina? Isang libong rosas tapos iisang client palang 'yon?
Mga 20 orders ang natanggap namin ngayong araw na ito pero mas nagulat yung kaluluwa ko nang makita ko yung isang libong rosas. Sinong hinayupak ang oorder ng ganito karami? Pero sabagay mas makakatulong na rin ito sa negosyo ni Aling Nelia.
"Baka nagkakamali lang po yata sila ng order?" tanong ko pero umiling si Aling Nelia.
"Ano pong event?" nalilito kong tanong ulit.
"Ikakasal yung anak ng mayor dito sa atin at magaganap ito sa Huwebes. Request 'yan ng groom dahil mahilig sa rosas yung mapapangasawa niya." Kinuha ni Aling Nelia yung rosas sa tabi at sinimulan niya ng ayusin ang mga ito. "Naalala ko tuloy ang asawa ko. Kahit wala siyang pera noon, nagsumikap siya para mabilhan ako ng isang rosas. Sobra ang tuwa ko noon kahit isang rosas at sulat ang natanggap ko mula sa kanya," sabi niya habang nakangiting nakatingin sa mga rosas.
Ngumiti rin ako at tinabihan siya. Napag-alaman ko na pumanaw ang kanyang asawa nitong nakaraang taon lang at siya lang ngayon ang nagpapatakbo ng negosyon nila dahil wala silang anak at nasa malayong lugar ang kamag-anak nila.
"Tulungan ko na po kayo diyan." Kinuha ko yung ibang mga rosas at sinimulan itong ayusin para mas mabilis itong matapos.
"Hija, 'wag mo masyadong pagurin ang sarili mo. Magpahinga ka kung alam mong nangangalay ka na ha? Masama kasi 'yon sa bata," pagpapaalala ni Aling Nelia.
"Opo, 'wag po kayong magalala," sagot ko habang abala sa pag-aayos.
"Hindi mo ba talaga alam kung sino ang ama ng batang 'yan, Callie? Pasensya na kung personal ang tanong na ito para sa'yo. Hindi mo kailangang sagutin kung naiilang ka pero alam mo naman na handa akong makinig 'di ba?"
Tumigil ako sa ginagawa ko at hinawakan ko yung tiyan ko. Noong una kasi akong nag-apply ng trabaho dito, naitanong na rin sa akin ni Aling Nelia ang tungkol sa ama ng bata kaso sinabi ko lang na hindi ko kilala ang ama. Ngunit sariwa pa rin sa akin kung ano yung nabasa ko noong gabing 'yon.
"Hindi niya po kailangang malaman, Aling Nelia," mahina kong sagot sa kanya at itinuloy ko ulit yung ginagawa ko.
Huminto siya sa ginagawa niya at tumingin sa akin. May lungkot sa kanyang mga mata habang nakatingin sa aking tiyan. Alam kong narinig niya yung sinabi ko. Gusto ko ganyan din kalinaw pandinig ko pag matanda na ako.
Naglakad siya bigla sa akin at niyakap ako. Nagulat ako sa ginawa niya pero hindi ko siya piniglan. Yumakap ako sa kanya pabalik at naramdaman ko yung pagpisil niya nang marahan sa braso ko.
"You're brave, hija," sabi niya at ngumiti sa akin. "Gusto ko lang na malaman mo 'yon." Pinisil niya yung kamay ko na parang sinasabi niya na nadiyan lang siya sa tabi ko kapag kailangan ko ng tulong.
BINABASA MO ANG
It All Started With The Royal's Baby
RomanceDisclaimer: This is a Filipino story |COMPLETED| What will happen if the notorious troublemaker find herself getting manipulated in her own game resulting to an unexpected royal offspring? Highest ranking #1 mystery #1 kingdom #1 royal Book cover cr...