viii.

33K 1.2K 295
                                    

The next day.

There's 19 missed calls from ma and 25 missed calls from my demonic brother, wow, mas concerned pa pala yung demonyo kong kapatid kesa sa mama ko? Anyhow, I called back dahil dalawang araw na rin akong hindi umuuwi at walang paalam sa kanila at paniguradong sasalubungin ako ng-

"CALISSIA ANAK KA NG MAGALING MONG AMA ASAN KA NA NAMAN NAGSUSUSUOT NGAYONG PUTRAGIS KA *RATATATATATATAT BOOOM BOOM KYAWW* UMUWI KA NA DITONG BATA KA!"

Jesus.

"HOY BAKIT SI MAMA UNA MONG TINAWAGAN!? HINDI NAMAN SA NAG-AALALA AKO PERO PARANG GANON NA NGA PERO HINDI TALAGA--ASAN KA BA!?"

Christ.

"ANG AGA AGA MONG UMALIS NOONG NAKARAANG DALAWANG ARAW TAPOS HINDI KA PA UUWI? ANO? SUSUNUGIN NA BA NAMIN DAMIT MO DITO?!"

"Shit."

"ANAK NG! MUMURAHIN MO PA KAMI?! HALA ITAPON MO NA NGA DAMIT NG ATE MO ANAK."

"Uhm ma, tapos na kahapon pa?"

Mga demonyo talaga. Parang ang sarap ipa-ampon 'tong mag-inang 'to. Hinilot ko yung sintido ko dahil ang aga aga ito agad ang sasalubing sa akin tapos nagsisimula na namang bumaliktad yung sikmura ko pero hindi naman kasing lala nung una. 

"Miss niyo lang ako eh. Wag na kayo mag panggap ang bubulok niyo um-acting." 

"Umuwi ka na anak." Mahinahon na sabi ni mama, ngayon ko lang napansin kung gaano siya nag-aalala. Hindi kasi pansin kanina eh. Para siyang mangangain sa kabilang linya. 

"Hindi ko alam kung bakit dalawang araw ka na hindi pa umuuwi pero kung dahil ito sa *cough* pagbubuntis mo.." Tumayo ako at pumunta sa banyo. Nakalimutan ko saglit sa kabilang linya si mama dahil sa gara ng banyo nila. Parang umatras nga ata yung suka ko nung nakita ko yung kumikintab nilang sink. "...alam mo naman na andito lang kami anak diba?"

"Yeah I know that ma." Sumandal ako sa lababo at napahinga ng malalim. This is getting stressful. "Uuwi din ako mamaya, may kailangan lang ako tapusin sa..." Isip ng palusot Callie. "..work."

"Sino ba yang kliyente mo at kailangan mong di umuwi ng dalawang araw?" Mga nanay talaga ang daming pa-follow up daig pa nila si tito Boy.

"Medyo malaki siyang project ma and malaki din paycheck ko kaya kailangan ko muna mag check in sa hotel dahil malayo yung venue na gusto nila." 

"Nagpapalusot yan si ate, ramdam ko." Napaka-kupal talaga 'tong hayop na 'to.

"Tangina mo edi huwag kang maniwala."

"Itigil niyo na yan jusko nagsisimula na naman kayo kahit hindi kaya magkasama!" 

"Yang anak mo kasi."

"Yang sinungaling kasi."

"Gusto mo ikaw na magtrabaho? Palit tayo?"

"Sabi ko nga, Ma kasi! Nagtratrabaho nga daw siya sa malayo! Bakit ba ang kulit mo?"

"Punyeta kayo."

Halata naman siguro na magkakapamilya kami ano?

"Hala sige na, basta umuwi ka mamaya kundi ipapamigay ko na talaga 'tong damit mo sa kapit bahay." Napairap ako, mananakot na nga hindi pa tinodo. Pwede pa naman ako bumili ng bagong damit kung itatapon o ipamimigay niya lahat yan.

Nagpapaalam na ako doon sa dalawa at sakto naman doon lang bumaliktad yung sikmura ko pero keri lang naman na ngayon hindi tulad dati na halos maduwal ako sa kakasuka. May spare toothbrush, face wash- actually kompleto lahat ng gamit dito at mukhang hindi pa nagagamit at malinis lahat. Ginawa ko na ang kailangan kong gawin para magmukha ulit akong dyosa at saka lumabas ng banyo.

It All Started With The Royal's BabyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon