"She lost a lot of blood but she's okay now."
Napaungol ako dahil ang hapdi ng paa ko tapos medyo kumikirot. Medyo napaisip ako ng ilang minuto bago bumalik sa akin lahat yung nangyari.
That f*cker. Napadilat ako agad at bumugad sa akin ang anim na pares na mga mata. Kung hindi ko lang kilala 'tong anim na 'to, baka isipin ko na nasa langit na ako. Why do they have to be so good-looking? Mukha silang mga anghel habang ako, eto, demonyong maganda.
Mukhang hindi ata nila napansin na gising ako kaya pumikit ulit ako at nagtulug-tulugan.
"We removed all the shattered glass and made sure na walang natira. May mga ibang sugat na malalalim kaya kakailanganin niya munang mag wheel chair for at least 1-2 weeks."
1-2 weeks? Pfft. I'm fine. O.A. naman ng doctor na 'to. Hindi naman ganun kalalim yung sugat ko.
Lumabas silang anim para roon mag-usap. Napamulat na akong ng tuluyan at napatingin sa paligid. This room is not familiar pero alam kong hindi ito yung napasukan kong kwarto kanina kasi nagmumukhang infirmary dito.
Bumangon ako at tumayo pero, "This hurts like a b*tch! F*ck! F*ck! F*ck! F**********ck!" Biglang nagbukas yung pinto, and the next thing I know, may nakaalalay na sa akin na tatlong matatangkad na lalaki.
Para akong tumapak ng napakaraming thumbtacks!
"Why the hell did you stand?!"
"Here! here! Grabe my arm!"
"Are you okay?!"
Ang sakit na ng paa ko pero mukhang mas masakit ata yung tenga ko. Aligaga sila sa pag alalay sa akin hanggang sa maayos nila ulit akong pinahiga. Umupo si Dallas sa kama at ipinatong niya yung paa ko sa lap niya saka hinipan yung paa ko. Si Derick naman, tinawag yung doctor kanina at si Drake, well, pinapagalitan ako.
"Paano kung bumagsak ka? Ano nalang mangyayari sa bata? Bakit ba bigla bigla ka nalang kasi tumatayo? Alam mo naman na may sugat ka diba? Paano kung wala kami? Paano kung tumama ka diyan sa sahig?"
Blah...blah....
Pero natigilan din siya dahil nagbukas ulit yung pinto at unang bumungad sa akin si Golden eyes. Hanggang ngayon hindi ko pa rin talaga alam yung pangalan niya. Kasunod niya yung doctor at si Derick at Devyn.
Lumapit yung doctor at sinuri muli yung paa ko. May nilagay lang siyang antibiotics para malinisan ulit yung sugat ko at pagkatapos 'non, pinalitan niya ulit yung bandages dahil nabigla yung mga sugat ko kanina at dumugo na naman.
Okay fine. I thought I was fine, okay?
"Lady Callisia, I advise you to restrain yourself from any physical activities until your wound is completely healed." I raised my hand.
"Paano kung tatae ako? Iihi? Maliligo?"
Nagkatinginan sila saka siya umubo. "You have your Lady in Consort to help you with that."
Magtatanong pa sana ako kasi naunahan ako.
"Everyone in this room, please leave." Tapos tumingin siya sa akin. "Except you."
I really hate him. His gold eyes are staring at me intently. Napatingin ako sa lima at doon sa Doctor. Bakit ba parang takot na takot sila sa lalaki na 'to? Lalo na 'tong lima? Akala ko ba magkakapatid sila?
"As you wish, Your Highness." Yumuko yung doctor at lumabas na. Tinignan ko yung lima at pinandilatan ko sila ng tingin para huwag silang lumabas pero anak ng tokneneng! Nagsimula na silang umalis! Napahawak ako sa kamay ni Drake kasi siya yung pinakamalapit sa akin kaya saglit siyang natigilan.

BINABASA MO ANG
It All Started With The Royal's Baby
RomanceDisclaimer: This is a Filipino story |COMPLETED| What will happen if the notorious troublemaker find herself getting manipulated in her own game resulting to an unexpected royal offspring? Highest ranking #1 mystery #1 kingdom #1 royal Book cover cr...