xxxvi.

28.3K 1.5K 314
                                    

Fiancee? 

"Let me go, Dylan," mahinahon kong sabi habang tinitimpi ko ang sarili ko. Nakatingin lang ako sa sahig. Hindi ako makapag-isip nang maayos. Hindi ko alam kung kikiligin ako o matatakot. Kilig dahil alam kong may gusto siya sa akin at takot dahil . . . 

Kinuha ko yung singsing at inalis ito at inilagay sa palad niya. I can't. I don't want to be selfish again. Paano kung maulit ulit yung nangyari sa amin ni Gabe? After I let him know that, nag-iba na agad ang tingin niya sa akin. 

Suddenly, I feel so dirty again.

When Dylan confessed last night, that's when I also fully acknowledge my feelings for him but . . . is it okay? Is it okay for me to follow my heart once again? 

Wake up, Callie.

Kahit na anong gawin ko, once na malaman niya rin 'yung totoo, hinding hindi na niya ulit masasabi yung mga tatlong salita na 'yon. I'm so fucked up. He's a prince while I'm a nobody. Ang layo ng mundo namin sa isa't isa. He's much suited to someone his level, a princess. 

Binitawan niya ako pero hindi pa ako nakakaisang hakbang nang pakiramdam ko nakalutang ako sa ere. What the heck?!

"Dylan, put me down!"

"Six fucking months and you're not going anywhere." 

"Put me down!" 

"Even if you run away, it's no use. I will find you again and again. So, don't bother."

"Isa! Ibaba mo 'ko!"

"I swear, Callie." Huminto siya saglit at tiningnan ako. He looks tired. "If you don't shut that mouth, God forbid me, I might kiss you hard and rough for you to shut up."

Naglakad na ulit siya habang ako naman ay napatahimik sa sinabi niya. Palihim akong napatingin sa mga labi niya. It's been what? 6 months since we kissed at the fountain and I'm tempted to open my mouth again so he can kiss me. Inalis ko agad yung mga mata ko at pakiramdam ko ay napansin niya ito pero hindi siya nagsalita. Bakit ko ba 'yon naisip?

Maingat niya akong nilapag sa sofa saka siya lumuhod sa harapan ko. 

"We really need to talk." Ginulo niya yung buhok niya saka niya ipinatong yung mga kamay niya sa tuhod ko.

Hindi ako nagsalita. 

Huminga siya nang malalim, "Are you always going to run? Masasagot ba lahat ng problema mo kung lagi mo itong tinatakbuhan?" 

Napayuko ako. I'm ashamed because I know he's right. I'm a coward because I'm scared. Pero paano kapag nalaman niya ang pagkatao ko? Paano kapag nalaman niya na siya ang ama ng bata? Paano kung may gawin siyang masama sa bata dahil sa nakaraan ko? Kaya gusto kong lumayo dahil natatakot ako sa mga posibilidad na pwedeng mangyari.

Naramdaman ko yung daliri niya sa baba ko at saka niya ito inangat, "Look at me."

Bumaba yung tingin niya sa labi ko at napatitig siya rito. His gaze is so deep that I can feel it to my core. I felt his fingertip slightly brushed the corner of my lips. Napalunok ako sa ginagawa niya at mukhang napansin niya ito. Mas lumapit siya sa akin at nararamdaman ko yung sarili ko na umaatras hanggang sa tumama yung likod ko sa backrest ng sofa.

Huminto yung mukha niya sa tapat ng mukha ko at ilang pulgada lang ang layo namin sa isa't isa. Inilagay niya yung kamay niya sa backrest ng sofa para suportahan yung sarili niya habang nakatingin pa rin sa mga labi ko.

"What are―"

"You have three seconds to push me away before I kiss you," he whispered against my lips.

It All Started With The Royal's BabyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon