iii.

50.5K 1.7K 304
                                    

I tap my nails against the cold marble as my vision starts to get hazy. I have no idea how many shots I took already but I do not feel drunk yet. Hazy eyesight yes but not drunk. I am awesome just like that.

My dress is riding dangerously high as I adjust my thigh on my other one. It's so amazing how one thigh can attract so many attention. Libog much?

But I like it. I love attention and I would love to give them a show to remember. I put my hair in an updo to give them a view of my back until waist as I slowly grind to the music. I gave them a subtle sultry look but I am really laughing inside.

Ang sama na ng tingin ng ibang babae na mukhang hindi pinapansin ng mga  jowa nila. They tried to gain back their boyfriend's attention but I, the devil, works harder. I am everyone's mood killer.

I turned my back to take my drink. May naririnig pa akong 'malandi' 'ang laswa' 'walang respeto sa sarili' so and so fort. Akala naman nila balot na balot sila sa tela kung magsalita. Yung isa nga nakalabas na dede pero hindi pa rin pinapansin. Itinaas ko nalang yung kamay ko at nag pakyu sign. Bahala na sila kung may mata pa silang makakita at kung may utak na makaintindi. I do not make patol dogs who keeps on barking. Let them, sila lang din naman mapapagod at laway lang din nila masasayang.

Napatingin ako sa gilid ko at napataas ng kilay.

Tinignan ko siya ng mabuti mula ulo hanggang paa kahit na nanlalabo ang paningin ko. Nakasuot siya ng simpleng pantalon, jacket na may hoodie sa loob, naka-sumbrero pa at may suot na nerdy glasses. Naka side view lang siya kaya ang hirap maaninag ang kanyang mukha. Hmm, interesting. Siguro may tinataguan siya kaya siya balot na balot.

"Hi!" I shouted. Pagewang gewang ako lumapit sa tabi niya. Syempre dapat may class pa din, hindi yung gewang na parang nasa kanto lang.

"I said hi! Bingi ka bang nilalang ka?!"

Isang upuan lang ang pagitan namin, sinusubukan ko talaga aninagin yung mukha niya pero biglang may sumulpot sa gitna at dumikit sa akin. Anak ng.

"Hi to you too babe." Inakbayan niya ako at marahang pinisil ang braso ko. Pinakaayaw ko pa naman yung endearment na babe. Walang originality, ang bulok pakinggan. Naiinis ako, katayin ko nalang kaya siya? Kabwisit.

"Isa pang babe sisikmuraan na kita."

"You're cute."

"Excuse me?" I am offended. Kailan pa ako naging tuta?

"Wanna hang out? My condo is available."

"Wanna die? My knife is available."

May narinig akong tumawa at napasilip ako sa lalaking hindi namamansin kanina. Siya ba yun? Kung narinig niya yung sinabi ko eh bakit hindi niya ako pinansin kanina nung sinisigawan ko siya? Oh my god was I snobbed? May saltik ba sa utak 'tong lalaki na 'to?

"I can ease your hot mood right now baby."

"Ano ba! Tumabi ka nga! Kanina ka pa satsat nang satsat hindi naman ikaw yung gusto kong kausapin! Maghanap ka ng ibang sanggol diyan sa tabi! Alis!"

Sa sobrang inis ko, itinulak ko siya sa tabi.

Lalandi na nga parang ulol pa. Ang baho ng hininga niya tapos ang bigat ng kamay niya sa balikat ko. Jusko nangangati na tuloy yung balat ko sa hawak niya.

Hinanap agad ng mata ko yung lalaki na nakaupo lang kanina kaso nawala agad siya. Napalingon-lingon ako sa paligid pero hindi ko na siya makita. Hindi ko alam kung bakit ko siya hinahanap pero kakaiba yung naramdaman ko.

It All Started With The Royal's BabyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon