xix.

26K 1.1K 251
                                    

I can hear the clock ticking. I remained silent. Hindi pa rin bumabalik yung ilaw at ang lakas pa rin ng ulan sa labas. Weird enough, kanina ko pa inaamoy yung cologne sa jacket niya. It helped me calm my nerves, the scent is just too comforting I don't know why. Nilalamig pa rin ako pero medyo kumalma na rin yung panginginig ng katawan ko. I feel like I went back to that time again. And to make things worst, this guy beside me just witnessed me in this state. Even Bakla don't know about this. He's the first and only person who heard me cry. 

Naramdaman ko siyang gumalaw sa tabi ko hanggang sa naramdaman ko yung ulo niya sa balikat ko. 

Huminga ako ng malalim at hindi ko nalang inalis yung ulo niya sa balikat ko. He gave me his jacket so I might as well return the favor to be his pillow for the mean time. At isa pa, lasing na siya. Ang hirap makipag away sa lasing lalo na kapag ginising mo.

We stayed in that position for how many minutes until I felt his arms wrapped around my waist. He practically glued himself to me. Hinila niya ako papalapit sa kanya at mas lalo niya pang isiniksik yung ulo niya sa leeg ko.

He's drunk. He's drunk. He's drunk. HE'S DRUNK.

Kung nasa normal na sitwasyon lang baka kanina ko pa siya sinapak dahil pinaka ayaw ko talaga sa lahat ay yung may humahawak sa akin na iba. Hindi ko talaga maintindihan 'tong tao na 'to. Diring diri siya sa akin kanina pero kung makayapos ngayon akala mo magjowa kami. Nakalimutan ko saglit na walang ilaw at napairap ako. Now I'm slowly returning. Callie is returning. Puta.

"Steph..." I heard him murmured. Hindi ko masyadong narinig kaya hindi ko nalang pinansin. Hindi ko alam kung ilang minuto na ang lumipas pero hanggang ngayon hindi pa rin bumabalik yung ilaw. Wala bang generator dito? 

"Steph...mlkdw..." Steph? Who's that? Fiancee niya? Di ko na naman narinig yung sumunod niyang sinabi.

Medyo lumayo ako sa kanya para tignan sana kung gising siya or tulog na nagsasalita pero hindi ko 'yon nagawa dahil ayaw niya akong pakawalan. Mas lalong humigpit yung hawak niya sa akin kaya nagsalita ako.

"Dylan?"

"Forgive..." 

"Gising ka ba?" 

"Me..."

"Ha?"

Hindi ulit siya nagsalita. Basta ang higpit ng yakap niya. Medyo hindi na nga ako makahinga. Nananaginip ba siya? Tumahimik nalang ako at sa tingin ko, nananaginip nga siya. Bumubulong siya pero hindi ko maintindihan dahil paputol putol tapos hindi ganoon kalinaw. Hindi ko na talaga kaya, ang higpit ng hawak niya sa akin habang patagal nang patagal kaya napahawak ako sa kamay niya na nasa bewang ko.

"Dylan let me go."

"No...please no..." Mas isiniksik niya yung ulo niya sa leeg ko at umiling iling. 

"Dylan hindi na ako makahinga." 

Medyo lumuwag naman yung hawak niya pero hindi pa rin niya ako binibitawan. Anak ng tokneneng! 

"Don't go. I'm begging you please don't go. I'm sorry...can't you...stay...

"Paano ako makakaalis kung ayaw mong tanggalin yung hawak mo sa aki-"

"...Stephanie." 

Charot. Akala ko ako.

He is really dreaming. Pero nakakapagtaka lang dahil kanina pa niya binabanggit yung Steph or Stephanie na yan.

Medyo napatahimik lang ako dahil may naalala lang ulit ako sa pangalan na yan. What a coincidence.

Medyo na-curious lang ako. Wait. Don't tell me napagkakamalan na naman niya ako? Well, given that he's drunk, I think it's possible pero bakit? Bakit siya naglasing ngayong gabi? What happened to this girl Steph? Naghiwalay ba sila at hindi siya maka move on?

It All Started With The Royal's BabyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon