"May you rest in peace."
This bitch. Hinila ko yung laylayan ng damit niya saka doon ako nagpunas ng bibig ko. Dalawang araw na ako nagsusuka tuwing umaga.
"Ew kadiri ka!"
"Bastos ka e."
"Advance lang kaya ako mag-isip. Ew!"
"Tulungan mo nalang nga ako!"
Kung hindi lang ako nanghihina baka inilublob ko na yung ulo niya sa bowl. Walang kwentang kapatid. Benta ko kaya lamang loob neto.
"Tsk. Magpa check-up ka nalang kaya? Iba na yata yan e. O mas maigi pa bumisita ka ng albularyo."
"Tantanan mo akong hayop ka." Ang sakit na nga ng ulo ko tapos dadagdag pa 'tong halimaw na 'to.
Pinalabas ko muna siya sa banyo bago ano pang magawa ko sa kanya at saka tumingin sa salamin. Nakakahiya mang aminin pero ang dugyot ko na tignan ngayon.
Nangingitim yung gilid ng mata ko at may tumutubo ng pimples sa noo ko. What the freak may isa pa sa gitna ng ilong ko! Omaygad bakit sa gitna pa?! Attention seeker ata 'tong pimple na 'to eh.
Inilabas ko na yung pregnancy test na binili ko kahapon at tumingin sa tiyan ko. Me getting pregnant is so unlikely and the idea of me being a mother is far much worst. I don't even know how to carry a freaking child! At sa pagkakaalala ko, wala naman akong kina-sex?
Inihanda ko na yung pregnancy test, huminga ako ng sobrang lalim at aaminin ko kinakabahan din ako. Paano kung nag positive? Fuck. At pagkatapos ng ilang minuto ay lumabas ang isang linya.
"I knew it." Nakahinga ako ng maluwag habang tinitignan ko yung iisang guhit sa test. Yung kaba ko kanina na baka magdalawa yung linya ay nawala agad.
This is just stupid. I'm not really pregnant. That is just so so so scary. How can be being a mother become so scary?
Naligo na ako at naghanda para sa trabaho ko. I work as a freelance photographer ever since I was 19. Kapag nasa trabaho lang ako matino because I take my job seriously. Kaya kahit papaano naiahon ko din ang pamilya ko kahit paunti-unti. Sa ngayon may client ako na naka schedule for pre debut photoshoot.
Inayos ko lahat ng pwede kong gamitin ngayong araw at rumampa na palabas ng bahay.
Pagkadating ko sa venue, nakaayos na lahat. May kasama din akong isang freelancer para sa photoshoot na 'to. Hindi pa man nagsisimula kaso ramdam ko na agad ang pagod ko.
"Okay try to be candid."
Wala pa ako sa kalahati ng shots ko pero gusto ko nang ibato yung camera sa model. Kanina pa ako candid nang candid dito pero nakatingin lang siya sa camera at naka peace sign pa. Anak ng tupa ano 'to? Selfie sa tabi tabi?
"What I mean by candid, try to look as natural as possible. Huwag mong isipin na may camera dito."
"Okay po."
Most of my shots are just her smiling and being awkward in front of the camera. Hindi naman ganito kaikli pasensya ko pero ngayon gusto ko na siyang sigawan at tampalin sa mukha. Ano ba?
"Laruin mo yung dress mo nang dahan dahan and act is if you are laughing elegantly."
I tried to be polite kasi nasa tabi lang yung nanay at ngiti ngiting nanonood sa anak niya. Hindi niya ba tinuruan kung paano umawra 'tong junakis niya? The moves are stiff. The lines are awkward. Her freaking peace sign is annoying me. Guntingin ko yang mga daliri na yan eh.
BINABASA MO ANG
It All Started With The Royal's Baby
RomanceDisclaimer: This is a Filipino story |COMPLETED| What will happen if the notorious troublemaker find herself getting manipulated in her own game resulting to an unexpected royal offspring? Highest ranking #1 mystery #1 kingdom #1 royal Book cover cr...