vii.

34.5K 1.1K 211
                                    

"You shmell lhike strawberryshhh." Fucking hell. Ang tapang ng amoy ng alak halos mahilo ako sa sobrang lakas.

Pero may napapansin lang ako na kakaiba. He sounds different. Hindi dahil sa alak pero talagang umiba yung boses niya. It's not only low and deep this time, parang ang lumamig din yung boses niya. I don't know how but that's what I felt.

Itinulak ko siya palayo sa mukha ko at halos matumba siya sa sahig kung hindi lang mabilis na umaksyon yung mga naka men in black na alagad ni tanda.

What's up with this people?

May naaninag akong lumabas mula sa pinto galing sa loob ng bahay na iyon. Lumapit siya dito sa kinaroroonan namin at halos tumigil yung utak ko sa pag function. "You?!"

"Oh it's you again."

It's him! Yung nakausap ko kahapon sa hotel na winisikan ko ng pepper spray! Lumapit siya sa amin habang nakangiti at tumingin sa mga guards na nakayuko.

"Bro you're so wasted." Huh? Nilagpasan niya lang ako at lumapit sa lalaking yumakap sa akin kanina. Wait! I'm confused! Sino naman 'tong isa? Napagkamalan ko kasi na siya si pepper spray boy nung una dahil magkasing tangkad lang sila pero hindi ko masyado naaninag yung mukha niya pero nag assume na agad ako na siya 'yon kasi akala ko mag isa niya lang nakatira dito!

Ang hirap talaga mag-assume pota.

"Hello? Notice me?"

"Hellooooo." Sabi niya pero di pa rin nakatingin sa akin.

The fuck?

Lasing din siya?

Nagbukas na naman yung pinto at iniluwa nito ang isang lalaki na may asul na buhok habang pagewang gewang na lumalapit sa amin sabay tungga sa hawak niyang beer can. Hindi ko maaninag yung mukha niya pero tangina ang tatangkad nila mga hayop. "shAwtY haD thEM aPPle bOtTom JeaNs~ b0oTz wItH thE fUR~" Ginawa niyang mic yung beer can at sumigaw sigaw. He's crazy. "WITH THE FUR!" Lumapit siya sa harapan ko at biglang nag twerk. "ThE wh0lE clUb Was L0Okin' aT heR!"

WHAT THE HELL.

"WhO's ThiS?" Tumingin siya sa akin mula ulo hanggang baba at pumito ng malakas. "OooOooOh, hI theRe hot chicK!"

"Hindi ako manok. But thanks."

What a load of crazy people. Inakay ni pepper spray boy yung lalaking nagsabi na amoy strawberry ako at yung smurf paloob. At talagang hindi talaga ako pinansin ng mokong na 'yon. Sa inis ko, sumunod ako sa kanila kahit na hindi ako invited. Pake ko ba? I formally invite myself wherever the fuck I want.

Hindi pa man din ako nakakaisang hakbang pero may humawak sa magkabilaang kamay ko. Not again, fuckers. Siniko ko sila ng napakalakas at pinakyu sila. "Stop touching me without my permission assholes." Tumingin ako kay tanda na tumango sa mga kasama niya at hindi na nila ako pinigilan.

I stormed in and I kinda expected it but I can't still help to get fascinated with the surroundings. It looks like an abandoned ancient victorian castle. Ang linis ng loob at halos wala kang makita ni isang candy wrapper o di kaya alikabok. Bumungad sa akin ang isang napakalaking staircase sa gitna na mukhang gawa sa mamahaling bato at may malalaking pillars sa tabi nito na naka display.

Parang ang sarap magnakaw dito tapos deretso sa sanglaan.

Sinundan ko yung ingay na mukhang nanggagaling sa tatlo, actually, hindi ko na alam kung nasaan ako. Lakad lang ako nang dito sa isang napakahabang hall na mukhang walang katapusan. Magrereklamo sana ako pero hindi ko naman kasalanan na isa lang akong pulubi na nagpumilit pumasok dito sa bahay na 'to. Kanina pa ako nilalamig dito kaya niyakap ko muna sarili ko at sakto namang napatingin ako sa mga paintings na nakadikit dito sa pader.

It All Started With The Royal's BabyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon