V

65 0 0
                                    

New day, new life! Yan ang motto ko. DATI. Ngayon, new day, new enemies! Baket? Kasi halos araw-araw may bago akong nakikilala na nagiging kaaway ko rin.

"Eurice! Ano nanamang problema mo? May diarrhea ka nanaman ba?" tanong ni Caly. Kahit kailan talaga, di siya nagffail para pasiyahin ako. Mukha kasi siyang bata. Yung buhok niya kasi is straight from the scalp then bigla nalang may curve sa baba na nagaadd ng cute effect sa kanya. "Ah? Wala, medyo nag-iisip lang ako about dun sa kakainin ko mamaya. Nakalimutan ko kasing kumuha ng pagkain kanina. You know me, so takaw! Ahaha!" That was a lie.

Sa totoo lang, pinag-iisipan ko kung gusto ko bang tumira ng mag-isa. Yung ako lang talaga. Parang gusto ko nanaman kasing lumipat ng bahay. This time, though, I want to be alone. Ewan ko ba. Parang gusto ko lang itest yung sarili ko kung makakaya ko ba without Mama and Papa. Kung makakayanan ko bang maging bago sa isang place. Na wala talagang kaibagan? I will surely buy a new sim then. Para wala talagang connections. Except yung number nila Mama. Syempre baka may emergency na mangyari and I do not want to be that selfish to even think about setting a wall para magkahiwalay kami. No matter what happens, responsibilidad nila ako. Thats why I'll let them have the assurance na kumportable ako at the moment. Why I'm thinking about it? Because, the main reason kung bakit ako andito is already pointless. May mga kaaway nanaman ako. People don't trust me or think of me as an innocent person anymore. My plan--parent's plan is already pointless. Wala ring mangyayari but then I thought, is it really pointless?

Or perhaps it's just a test. A test to see if I'm strong enough to stand for myself, for what I think is right and to clearly fight for my thoughts. Ayoko. Ayokong mag back out. For once, I'll try to fight for myself. Naisip ko na yung reputasyon ko pala at nila Mama yung pinaglalaban ko. Hindi yung sarili ko, yung ako. Reputation is just something that involves the opinions of others. Di ako papayag na makarating sila sa akin. Sa ako mismo. Well if I cant change the history, I might as well cover it with a great present. Tsaka ittreasure ko na lahat ng makukuha ko dito. I'm definitely going to protect my daily life. Yung parents ko na naghirap para makarating kami dito, yung magandang scenery na medyo sanay nakong nakikita, yung mga murmurs ng tao sa hallway ng school, I like it. Yung mga tao na ayaw ako pero pinapalakas ako, si Caly, well, pati narin si Sly, sige. I will definitely protect them. Di ako papayag na ang isang rumor na di naman talaga totoo ay makakapag hiwalay sakin sa mga connections ko.

"Kahit kailan talaga baliw ka no?" sabi ni Caly habang tumatawa.

<>

6:00 in the evening at nasa Mcdo ako. May nakita kasi akong picture sa twitter ng nuggets kaya bigla akong nagutom. Buti nalang pinayagan ako ni Mama na lumabas kahit na marami ng cases ng missing students at kung ano-ano pa ngayon. Galing ko talaga mag acting. Ang ganda talaga ng view kapag gabi. Lahat kasi umiilaw. Lalo na yung mga stars. Hayy.

Minsan naiinis ako sa mga star kasi ang ganda-ganda nila. Napakasaya ng buhay nila sa taas habang tayo na andito sa ibaba ang raming pinagdadaanan. Di ba sila aware dun? Syempre nga naman, nasa taas sila. Siguro yung nakikita lang nila dito sa earth eh yung mga puno tsaka tubig.

"Si Denise. Dapat makuhaan natin yun. May nag order na para sa kanya."

"Oo nga pala. Pati si Crystal. May gusto bumili for $1200!"

Lumapit ako ng onti sa dalawang lalaki na naguusap tsaka ko sinuot yung hoodie ko. Buti nalang nasa likod nila ako at mag-isa ako kaya di ako mukhang suspicious. Ano kayang pinag-uusapan ng mga to? Parang nasa mood ako makinig ah.

"Grabe. Mukhang malulugi tayo sa school na iyan bro. Nakakadalawa pa lang tayo eh. Dati, naka lima tayo diba? Tas puro pa magaganda dun kaya mataas mga bayad!"

*kring kring*

"Wait lang may tumatawag... Hello, good evening sir!"

"Tanga! Umaga sa kanila!" sabi ng isang lalaki saka niya binatukan yung kapartner niya.

"I mean is good morning sir! Yes? We is sorry sir! We look for another? Okay okay! Immediately we will, we will!" binaba niya na yung call. Ano ba yan di ba nag-aral to? Wrong grammar!

"O, ano daw sabi?"

"Kailangan pa natin ng maraming pictures. May malakas na client."

"Okay dude. Chill. Bukas, magpipicture ulit tayo. Makakahanap naman siguro tayo ng nagtatago doon. Halos mga mayaman dun eh."

"Oo, sige. Dapat makahanap na tayo ng maganda. Baka mapagalitan tayo. Eto nalang nga matino nating trabaho, di pa natin nagagawa ng tama."

"Nakakatakot pa naman si boss.. pero dude.. Hindi ka ba nakukunsensya sa ginagawa natin?"

"Wala tayong magagawa. Kailangan natin ng pera para sa mga pamilya natin kaya wag ka na magreklamo! Tara na! Magiisip pa tayo ng plano kung pano makakapasok! Umalis na tayo dito baka may makarinig pa satin mamaya. Next week sa Friday, 8 PM naman. Dito ulit. Same spot." narinig ko nalang yung upuan nila na gumalaw.

Oh my gosh. Ano yun? Nagbebenta sila ng animals? $1200? Ang mahal naman! Picture? Kahit ano talaga gagawin para sa family. Makauwi na nga.

----------

A Sudden ChangeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon