III

94 2 0
                                    

Lahat tayo may itinatago na ayaw nating malaman ng iba. Kahit sabihin mo mang wala, meron at meron parin 'yan. Katulad ng mga takot mo, di mo maamin sa ibang tao kasi ayaw mong magmukhang mahina. Hindi lang yan takot. Merong Body Odor, yung lumalayo ka sa mga tao kasi ayaw mong malanghap nila yung tinatago mong amoy. Crush, yung go ka lang ng go sa pagsupport sa kaibigan mo sa crush niya na crush mo rin pala, at iba pa.

Sa sitwasyon ko ngayon, wala na ata akong naitatago (Kaloka rin ako no? Kakasabi ko lang na walang tinatago ang lahat ng tao pero ako meron?) dahil wala na akong paikelam sa mga tao sa paligid ko. Siguro nga, wala kang kinatatakutan kung wala ka naman talagang pakielam diba? Sa sobrang lungkot at pagiisip, nawawala ang atensyon ko sa ibang tao. Napakahirap ng sitwasyon ko ngayon, pinagtitinginan, pinaguusapan, pinagtatawanan at hinuhusgahan. Ang nagagawa ko nalang isipin ngayon ay kung papaano ako pupunta sa room nang tahimik, yung walang away na mangyayari. Di kasi ako sanay na hindi lumalaban. Doon rin sa school ko dati, medyo sikat ako sa pagiging 'Warfreak'. Ayoko kasing nananalo ang mali kaysa sa tama. Ang mahirap pa eh, pag ako nagalit, lahat lumalabas sa bibig ko. Parang utot, di mo na mapapahinto o mapipigilan. Ang dami ko panamang tinatagong galit ngayon. Baka kung ano pang masabi ko niyan.

Mabagal akong naglakad patungo sa classroom. Nakikisabay lang ako sa mga taong naglalakad papunta sa classroom nila.

Okay.. isang room nalang ang dadaanan ko, makakarating narin ako niyan...

"Kairita si Eurice. Lam mo yun? Nagmumukhang inosente pero di naman pala."

GLLLLLK!

HAHAHAHAHAAH I DONT CARE!

Pero sa totoo lang, nasaktan ako don. Minsan nga nawawalan na'ko ng gana na pumasok eh.. Ang kaso nga lang, baka isipin nila na weak ako. Ayoko ng nabubully. Aaminin ko, ma-pride ako. Pero para naman yun sa sarili ko kaya tama lang naman yun diba?

*SPLASHH*

OH MY GOSH! SINASADYA NIYA BA 'TO O HINDE? BINUHUSAN NIYA AKO NG TUBIG!

"Sorry, Eurice ah! Di lang kita napansin diyan. Hahahahaha" sige tawa pa ng mabilaukan ka diyan. Eto na ang sinasabi ko. Once na naisip nilang weak ka, sunod-sunod na sila sa pag-aapi sayo. Tulad ng babaeng to na nasa harap ko. 'Di ko siya kilala. Di ko pa nga to nakita kahit saan eh. Pero alam kong sikat siya dito. Halata naman sa mukha ng mga tao dito na may respeto sila or takot sa babaeng nasa harap ko. Psh. Tingnan lang natin.

"Ah, okay lang. Alam ko naman na 'di mo naman yun sinasadya diba? Ano palang pangalan mo? Transferee ka rin ba? Ngayon ko lang kasi nakita yang pagmumukha mo eh." Sabi ko sa kanya. Muntikan nakong matawa nung nakita kong umusok yung mukha niya. Oh no. Must keep my poker face. Di pwedeng masira ang act ko.

"You don't know me?" tanong niya. Kakasabi lang eh!

"Di ka ba nakakaintinde ng tagalog? Osige. Ittranslate ko. Oh, its okay. I know that you never intended to do that, right? What's your name? Are you a transferee too because this is the first time that I have seen your face." sabi ko sa kanya. Nagsimula ng tumawa ang mga tao na nasa paligid namin. I knew it. Sikat nga siya dito.

"You'll never get away with this! Ugh. I'm Melanie. Remember my name because we're not done yet." sabi niya at inemphasize niya yung "yet" sa sinabi niya. Psh bring it on then. It's not like I'm the one who started it.

Nakarating na ako sa classroom namin at as usual, andun si Caly sa tabi ng upuan ko. Mukhang kinakabahan ata?

"Uy, Caly? Okay ka lang ba?" tanong ko sa kanya. Nagulat ako bigla dahil hinug niya ako nung narinig niya yung boses ko. "Andyan ka na pala! Aish. Akala ko pa naman inatake ka na ng mga kasabwat ni Eng-eng." sabi niya sakin. Tapos huminga siya nang malalim. Si Eng-eng si Emily. Nung una kasi, puro negative things yung mga pinag-uusapan namin about sa kanya, nasa comfort room kami noon tapos pinag-uusapan namin siya. Bigla-bigla namang may pumasok at muntikan ng masabi ni Caly na gusto niyang lampasuhin si Emily. Ang nakakatakot pa eh, kaibigan niya yung pumasok kaya lumabas kami kaagad. Napag-isipan namin nun na gumawa ng codename. Em-em yung basehan namin. So naisip ko na M&M nalang. Pero sabi niya, Eng-eng nalang daw kasi eng-eng naman daw si Emily. Brutal rin pala tong kaibigan ko. Hahaha.

A Sudden ChangeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon