I

158 4 0
                                    

Isa sa mga instrumento ng pagbabago ay ang paglipat ng eskwelahan. You know, "Past is past" so 'wag na nating alalahanin pa ang mga kababalaghang nangyari sa dati kong eskwelahan.

Minsan naiisip ko, bakit kaya buhay pa ako? Eh wala naman akong ginagawa dito sa mundo. Puro gising, pasok, tulog. Isama mo na ang pagkain.

Sanay na ako sa ganitong klase ng buhay, nakakaboring na. Masyado ng ordinaryo ang buhay ko. Simula noong nangyari yung pangyayari na 'yon, hirap nako magtiwala at makipagkaibigan sa ibang tao.

Hay.. sana may miraglong mangyari at may dumating na construction worker para sirain ang tuwid na daan ng buhay ko!

"We have a transferee class!"

"Hi. I'm Eurice."

"Sige, maupo ka na doon sa bakanteng upuan sa likuran, sa tabi ng bintana"

Ano 'to? Nasa isang teleserye ba ako? Kailangan talagang nasa may bintana ako?

Haaay. Pero kahit na dito ako nakaupo sa tabi ng bintana, okay lang. At least mahangin. Kaya lang 'di ata bagay ang pagmumukha ko sa isang teleserye. Mukha akong basang sisiw eh.

"Psst!"

Huh?

"Psst!" tumingin ako sa kanan at may lalaking mayroong maitim na buhok na kasing itim ng uwak. "Bakit?" tanong ko.

"Wala lang" sabi niya sabay ngiti. Ano ba 'yan. Walang magawa 'to.

<>

"Eurice. Euro."

Ba't sinabi niya ang word na Euro? Naalala ko nanaman si Kein.

"Euro nalang tawag ko sayo ha?"

"Ano ka ba? Ayoko ngang tawagin mo akong Euro, Close ba tayo? At saka anong pangalan mo? Salita ka ng salita diyan 'di ka pa nga nagpa-pakilala ano ka, special child? Oh gusto mong "Mongoloid" nalang tawag ko sa 'yo? Bagay na bagay sayo! Special ka naman diba?" nakaka-irita kasi siya eh. Feeling close ganon? Magkakaroon na ata ako ng kaaway dito!

"Sungit! Grabe ang sungit mo!! Pero sige kung gusto mo, okay lang yung "Mongoloid" special naman ako. Gwapo ako eh!" sagot niya. Aba, at nagawa pang maki-ride ah? Mongoloid talaga 'tong lalakeng 'to!

"Tse!"

<>

"Eurice! Gusto mo bang i-tour kita dito sa North Academy?" sabi ng isang babae na may brown na buhok at maputi.

"Ah, osige. Anong pangalan mo?" tanong ko.

"Caly." sagot niya sabay ngiti.

<>

"Ito ang garden" sabi ni Caly. Woah. Ang ganda naman dito sa garden. May mga wooden bench na mala-vintage Italian yung design tapos yung mga flowers naka-arrange by color kaya ang linis tingnan. Safe sa may mga OCD.

"Caly, anong pangalan ng katabi kong lalake?" tanong ko. Naalala ko kasi siya bigla. Di rin naman tama kung habang buhay ko siyang tatawagin na Mongoloid.

"Si T-Thane?" sabi niya at namula ng onti.

"May gusto ka ba kay Thane? Uyy, aminin!" halata naman eh! Pero anong nagustuhan niya dun? Eh ang laki kaya ng ulo, parang balloon.

"Aba syempre! Halos lahat naman ng babae gusto siya kasi gwapo siya, SC President, Top 1 parati, Valedictorian nung Elementary kami.. san ka pa?" Wow ah! Matalino pala at sikat dito si Mongoloid. I didn't expect that.

"O, Eurice, yun lang lahat. Balik na tayo sa classroom matatapos na niyan break natin." sabi ni Caly.

"Osige, thank you nga pala." sagot ko. Kaya lang makakatabi ko nanaman yung Mongoloid! Nako po.

A Sudden ChangeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon