Alam mo ba yung feeling na nakakainis kasi di mo alam kung anong dapat ma-feel? Yung 'di ka sure kung dapat ba maging masaya ka o malungkot ka? Yung feeling na ang saya-saya mo tas bigla nalang parang mapapaisip ka tungkol sa buhay tapos mafefeel mo nalang na malungkot ka na sa hindi malamang rason?'Yun yung nafefeel ko ngayon. Ang weird lang kasi nafefeel ko to habang tinuturuan si Denise ngayon. Sinasagutan niya ngayon yung worksheet na ginawa ko about sa constellations. Madali lang naman yun kasi halos lahat naman ng nilalang sa mundo eh pamilyar sa mga zodiac signs. Halos 8 pages yung ginawa kong worksheet kaya medyo matatagalan pa ata itong si Denise. Medyo inaantok ako kaya naisipan kong matulog muna. "Denise, sagutin mo lang yan ah. Magpapahinga lang ako saglit."
"Huy, tara racing sa pagsulat ng lecture oh."
"Sige ba dali! Parati naman akong panalo dito!"
"Heh! Pinagbibigyan lang kasi kita! Ngayon di nako magpipigil!"
Natawa nalang ako bigla. Bigla ko kasing napaginipan yung time nung bata pako na ang chill lang ng buhay. Sana ganon nalang rin hanggang ngayon. Kaso hindi. Habang lumalaki ako, alam kong mas dadami lang yung mga haharapin ko sa buhay. Nakakainis man isipin pero ganito talaga ang buhay. We have no choice but to grow and be better, kung yun nga ang mangyayari.
Natapos na ang tutor session namin ni Denise at nagulat ako nung nakita ko si Caly sa labas ng library. "Uy, Caly!" sabi ko. Sabay kami ni Denise na pumunta kay Caly pero tumigil siya nung nasa harapan na namin si Caly. "Alis nako. Thanks." sabi ni Denise. Hindi nako nakapag-paalam sa kanya kasi umalis na siya agad pagkasabi niya non. My gosh. Kailan ko ba makukuha yung loob non? Baka nagmamadali para makita yung boyfriend niya.
"Siya pala yung tinututor mo? Mukhang masungit ah?"
"Hay nako sinabi mo pa. Hayaan mo na. May pinagdadaanan lang ata. Bat ka pala andito?"
"Inantay kita eh. Invite sana kita mag mall today bago tayo mag exam."
Maganda narin siguro to para mawala saglit yung isip ko sa mga nangyayari ngayon.
<>
Marami kaming nabili na mga damit tsaka accessories ni Caly. 'Di naman ako mahilig na mamili masyado pero maganda narin to para di naman paulit-ulit yung suot ko. Yung pinaka paborito ko sa napamili namin ay yung dress na kulay pastel blue na abot hanggang sa tuhod ko at off-shoulder. Na-eexcite na tuloy akong mag summer para masuot yun sa beach! "Nga pala, musta na kayo ni Thane? Ganon parin ba?" Tanong ni Caly.
Hay nako! Narinig ko nanaman yung pangalan na 'yun! Feel ko makakapatay nako ng tao sa tuwing naririnig ko yung pangalan na 'yon, jusko!
"Aba ewan ko dun. Bahala siya sa buhay niya. Nakakainis!" Sigaw ko kay Caly habang papunta kami sa isang restaurant para kumain. Dumagdag lang sa pagkairita ko yung mga pinamili namin. Eto lang yung ayaw ko sa pag shopping eh. Kailangan mo pang dalhin lahat hanggang sa makauwi ka. Ugh. Magpapasundo nalang siguro ako mamaya.
Nakahanap na kami ng mauupuan sa resto na puro pasta ata ang meron. Nag order si Caly ng salad habang Aglio Olio naman yung akin. "Bakit ba masyado kang naiinis sa kanya? Hayaan mo nalang yun. Siya naman yung nawalan. Baka naman nag ka feelings ka na sa kanya?" Sambit ni Caly.
WHAT?! NO FREAKING WAY! Sinong magkakagusto don?! Agad naniniwala sa tsismis! "HEH! Imposible yun! Ang akala ko lang naman kasi eh magiging magkaibigan kami non kahit papano." sagot ko. "Naiinis ako kasi narinig ko na na-disappoint siya sakin kahit 'di naman tama yung alam niya!" Ugh! Ewan ko ba. Bakit nga ba ako apektado? Anong mawawala sakin? Siguro nga.. akala ko lang kasi na kahit nag iinisan kami, isa siyang mabuting tao. Napalapit nako sa kanya sa iilang oras na nagkasama kami. Akala ko, magkakaroon na ulit ako ng kaibigan na lalaki na mapagkakatiwalaan. Simula kasi nung nangyari yung kay Kein, hindi nako agad nag tiwala sa mga lalaki.
"Hayaan mo na. Wala narin naman tayong magagawa. Kumain nalang tayo." Sabi ni Caly at nagsimula na kaming kumain.
"Ay, alam mo ba, nung isang araw, pumunta ako sa mcdo para kumain tas may narinig ako." Sabi ko kay Caly nung naalala ko yung narinig ko noon. "May nag bebenta ata ng hayop tas pinapangalanan pa! Denise daw tapos merong tig $1200 ata? Grabe no!" Kwento ko sa kanya.
"Denise? Naalala ko tuloy yung tinututor mo. Diba Denise din yung pangalan non?" Tanong ni Caly.
"Yeah.. ano kayang pinagdadaanan niya? Sana makaclose ko na siya.." sabi ko sa mahinang boses.
Hindi naman sa feeling close ako pero gusto ko lang naman kasi na malaman ni Denise na mayroon paring nag mamalasakit sa kanya kahit papano. Sa tuwing nagsesession kami, minsan mahuhuli ko nalang siya na nakatulala na para bang bigong-bigo siya sa buhay. Minsan nag mumukha ng pang patay na isda yung mata niya kaya medyo nacucurious nako sa kanya.
"Balik pala doon sa nagbebenta. Mag-uusap ulit sila ulit niyan. Gusto mo bang pumunta? Baka nagbebenta sila ng zebra eh gusto ko pa naman!" Tanong ko kay Caly. Minsan lang tong oportunidad na to kaya kukunin ko na! "Sige, sige. Basta itext moko pag pupunta ka na." Sagot ni Caly sakin.
Natapos kaming kumain at nagpa-alam na si Caly. Mag-aaral na daw siya ng onti para sa exam namin next week. Masyado atang grade conscious yon.
Habang nag lalakad ako palabas ng mall tinext ko na yung driver namin para sunduin ako. Kanina pako andito sa labas at wala parin yung driver! Madilim na dahil naabot kami ni Caly ng 9 PM dito. Buti nalang bukas pa yung mall hanggang 10:30. Ugh!
"Asan na ba siya ang sakit na ng paa ko!" Kanina pa kasi kami namimili ni Caly at isama mo pa yung kamay ko na namumula narin. Feel ko magkakamuscles nako dahil sa kakabuhat sa mga shopping bags na to.
"Ah!" napasigaw ako dahil may naramdaman akong humawak sa balikat ko. Pagkalingon ko, may nakita akong matangkad na lalaki na mukhang foreigner. "You okay? Wanna ride with me?" sabi niya at ngumiti. The hell? Gwapo na sana kaso manyakis ata to. Ano na bang nangyayari sa henerasyon ngayon?! Inalis ko ang kamay niya sakin at tiningnan siya ng masama. "I dont need a ride. Bye." sabi ko at inisnaban siya.
"Ooh! A feisty one, mate!" lumingon ako at nakitang may dumating siyang kasama. Shit! Mukhang mga lasing ata 'to! Asan na ba si Kuya! Baka may meeting nanaman sila Mama kaya wala pa siya dito!
"Come on! Come with us! We'll take care of you!" sabi naman nung kakarating lang na foreigner kanina. Take care of you mo mukha mo! Bwiset!
Hinawakan naman niya ngayon yung wrist ko at nagsimula ng hilahin ako. "Let go of her!" napatingin ako sa sumigaw.
Sly?!
----------------------------
BINABASA MO ANG
A Sudden Change
RomanceAng ultimate listahan para sa mga taong gustong magbagong buhay: -New School -New House -New Friends -New Memory Ayoko nang maalala pa ang nakaraan. Kaya naman lahat 'yan ay ginawa ko na. Sabi nga nila, "Past is Past" ba't kailangan ko pang balikan...