"Ma, kilala mo na ba yung kapitbahay natin?" alam kong nakakapagtaka ito pero 'di kasi ako makatulog dahil dun sa lalaking 'yun! Ang weird weird niya. Alam niyo 'yun? Agad nagpapasakay sa kotse niya kahit 'di kilala. Pano kaya kung murderer pala ako? Asus! Mas weird pa siya kay Thane na may lahing mentalist! Baka magkamag-anak pala sila! Tsk tsk tsk.
"The Tiglao family?" tanong ni Mama.
"Tiglao? Ah, oo, siguro? Sila ba yung bahay sa left side natin?"
"Oo, malamang. Wala namang bahay sa right side ng bahay natin." idol ko talaga si Mama. 'Di mo makausap nang maayos kahit kailan. "Osige, sige. Alis nako Ma. Baka mabara nanaman ako niyan."
Tumakbo ako papunta sa kwarto ko't ni-lock ang pintuan. Agad-agad kong kinuha yung laptop ko saka ako tumalon sa kama ko. Time to stalk!
"Sylvester Tiglao.." bulong ko habang tinatype ang pangalan niya sa Facebook.
Agad namang lumabas ang ipis niyang pagmumukha sa facebook. Cli-nick ko ito at nagsimula na sa pag hukay. Scri-noll ko muna yung profile niya na punong-puno ng mga status ng mga babae. Mga papansin, tsk. 'Di ko naman nga sila masisisi. Gwapo't nakakatawa nga naman si Sly. Kaso ang OA naman ata ng ibang mga posts?
Milkie Gatus: Sly! My baby! Birthday ko ngayon! Punta ka naman dito sa'min! Ito address: 089 Marikina Street! See you later, alligator! :*
Kayla Suarez: Hi baby ko! This is the 25th day since nakita kita sa ATC! Since then, 'di ka na mawala sa isip ko :( nagayuma ata ako :( text me kung game ka sa pagkuha ng dangal ko ♥️ itetext ko nalang sayo number ko. Don't worry, alam ko number mo ;)
Pest Control: Please contact 0915******* if you want us to terminate your termites!
Pati banaman Pest Control 'di na tinantanan 'tong si Sly? Baka mamaya, bakla pala yung worker dun at gusto lang gahasain si Sly. Naku! Delikado na talaga ang henerasyon ngayon!
Leafa Flourinson: Happy Birthday! :)
'Di ko namalayan at nakarating na pala ako sa mga posts noong birthday niya. Chineck ko narin ang iba at may napansin ako sa mga posts. Sa lahat ng mga nag-greet, iisa lang sa kanila yung nakatamo ng maraming likes at comments. Si Therese Craymore.. nakakuha ito ng 169 likes at 125 comments. 1:05 naman ng umaga pinost ang status. Grabe, 'di ko kayang mag hintay ng ganyan katagal! Dahil sa curiosity, bigla-bigla na palang napindot ng daliri ko yung mouse at cli-nick nito ang see more comments. Patuloy lang ako sa pag-click hanggang sa nakarating na'ko sa pinakaunang comment. Hindi si Sly ang pinakaunang nag-comment. Pamilyar naman ang mukha ng unang nag-comment. Sa pagkakaalam ko, sikat sa school 'to.
Ralph Torres: Boom Panes! Swerte mo Bro! Bihira lang mag-greet 'yan!
Adrian Torinque: Tae. Kinikilig si Sly! HAHA.
Sylvester Tiglao: @Aidan @Miguel manahimik nga kayo diyan! Uupakan ko kayo sa school binabalaan ko kayo!
Sylvester Tiglao: Therese, thank you :)
Therese Craymore: You're Welcome. Enjoy your day! ;)
Ahh. Ito siguro yung ka-MU niya na sinasabi. Binasa ko pa ang mga natitirang comments at nakitang puro pang-aasar ng mga kaibigan ni Sly, pananakot naman ni Sly at kakaunting side comments ni Therese ang natitira. Nakita ko naman na sa bawat comment ni Therese, tamang-tama ang grammar at ang mga punctuation marks niya. Halatang matalino. Ipinatong ko yung mouse sa pangalan niya at nagpakita ang kakaunting impormasyon tungkol sa kanya. Ang ganda niya! Nakakatibo! Joke lang. Never na mangyayari 'yun no! Isa pa, half-american siya. 'Di ako makapaniwala't ni isang beses, 'di ko man lang naaninag ang isang dyosang tulad niya sa school! Kaya pala naging mala-anghel yung comments ni Sly eh! Inlababo ata dito kay Therese? Kulang nalang nga tangayin na ng mga langgam 'tong laptop ko sa ka-sweetan nila ni Therese eh!
BINABASA MO ANG
A Sudden Change
RomanceAng ultimate listahan para sa mga taong gustong magbagong buhay: -New School -New House -New Friends -New Memory Ayoko nang maalala pa ang nakaraan. Kaya naman lahat 'yan ay ginawa ko na. Sabi nga nila, "Past is Past" ba't kailangan ko pang balikan...