Ewan ko ba kung may mukha pakong maihaharap kay Sly dahil doon sa nangyari kahapon. Mabuti nalang at madalang ko lang siyang makita dito sa school lalo na't malapit na ang exams namin. Kailangan na namin magseryoso since nasa 10th grade na kami and of course we need good, if not better, results para sa 11th grade.
Buti nalang talaga't hinahatid ako ni Kuya Tom tuwing umaga kaya hindi nagtatama ang landas namin ni Sly. Ewan ko ba kung bakit parati kaming nagkikita sa tuwing may nangyayari sakin. Sadyang malas ba ako kaya parati akong nagkakaroon ng utang na loob sa kanya?
Pagkarating ko sa classroom namin, andon na si Caly. Ilang linggo at buwan narin ang nakalipas simula noong nangyari iyong incident kay Emily. Hanggang ngayon, kaunti lang ang pumapansin sakin. Siguro kakausapin lang nila ako sa tuwing may group work na kailangan for school pero at least, hindi naman na ganoon ka big deal yung issue. Isa pa, andito naman si Caly para sa'kin.
"Morning!" bati ko kay Caly.
"Uy! Aga mo ah! Nagkita na ba kayo ni Sly?" tanong niya habang naka ngising aso.
"Hindi pa nga at ayoko rin." sagot ko. Baka 'di ko makayanan 'pag nakita ko yung pagmumukha niya.
Nagising talaga ako ng maaga para di ko maabutan si Sly kung sakali man na maaga siya magigising. Bakit ba kasi ang inosente ng utak ko? Hindi ko alam kung anong pinaggagawa ko.
Umupo nako sa upuan ko saka nag buklat ng libro para marefresh sa utak ko yung lessons na napagdaanan namin.
Narinig kong gumalaw ang upuan sa tabi ko kaya napatingin ako sa direksyon na iyon. Binaba ni Thane ang bag niya sa sahig saka natulog sa upuan niya. Ano nanamang problema nito?
Naisip ko tuloy bigla. Pano nangyari lahat ng iyon ng ganon kadali? First day ko dito tapos nagkaroon agad ako ng kaaway? Bakit? Bakit ba ako apektado sa sinabi ni Thane sa likod ng school noon? Eh ano ngayon kung disappointed siya sakin? Hindi naman kami close, diba?
Nakakainis lang kasi isipin. Wala pa man, hindi nanaman ako nabigyan ng pagkakataong mag bago. Wala pa man, hirap nako magkaroon ng bagong set ng mga kaibigan. Bakit ba ito nangyayari sakin?
No. Hindi dapat ako maging apektado. I promised myself na tatanggapin ko lahat ng paghihirap na ibabato ng buhay sakin. If I wont, I will never find my true self. Hindi ko malalaman kung anong kaya kong gawin. If I will accept defeat here at mag ccomplain lang, it just means na I'm a person who has a weak will. I can't accept that as my true self.
Bahala na. Bahala siya. Bahala sila. What I need is a true friend like Caly na magsstay sa tabi ko kahit pinagsasabihan ng iba. I guess may benefit rin pala iyong nangyari kasi nakahanap ako ng kaibigan na nagstay sa tabi ko kahit 'di pa kami masyado magkakilala.
Mukhang pagod si Thane. Buti nga sa kanya. Napansin kong medyo magulo ang buhok niyang maitim. Biglang gumalaw ang ulo niya't humarap ito sa direksyon ko. Sa gulat ay napatalon ako ng onti at nagmamadaling tumingin sa libro ko. Shit! Ang bilis ng tibok ng puso ko! Nakatingin ba siya sakin?
Unti-unti akong humarap sa kanya at nakitang tulog pala siya. I got worked up over nothing. I sighed.
Ipinatong ko nalang ang braso ko sa lamesa ko't pinagmasdan siya. Kahit papano, may hitsura nga siya. Ang kapal ng kilay niya at kahit halatang di to inaayos, perkpekto ang pagkakurba nito. Mahaba yung pilikmata niya kaya abot dito ang pagkaitim nito. Malaki at mapula ang labi niya na medyo nakakainggit dahil hindi niya na kailangan ng lipstick para ipakitang kissable yung lips niya. Masyado ring makinis iyong mukha niya't nakakainggit dahil walang bahid ng pimples.
BINABASA MO ANG
A Sudden Change
RomanceAng ultimate listahan para sa mga taong gustong magbagong buhay: -New School -New House -New Friends -New Memory Ayoko nang maalala pa ang nakaraan. Kaya naman lahat 'yan ay ginawa ko na. Sabi nga nila, "Past is Past" ba't kailangan ko pang balikan...