Buti nalang pala at hindi ko dinala ang phone ko nung nangyari yun.
Pagkatapos nung nangyari nung first day ko sa eskwelahan na 'to, bigla nalang akong nagka-lagnat pero syempre, pipilitin ko parin dahil kailangan at kailangan ko paring pumasok para sa kinabukasan ko. Wag kayong manghusga. Minsan lang ako sipagin.
Pagkalagpas ko sa gate ng school, nakita ko si Thane. Tumalikod siya't humarap sakin ngunit nagulantang ako nung naging malungkot na medyo galit ang ekspresyon ng mukha niya.
"Eurice, di ko akalaing magagawa mo yon kay Emily! Nagka-ubo siya! Di ka naman niya sinaktan diba? O bakit mo nagawa yun? Ha, Eurice? Gusto mo bang magpasikat? Sikat ka na! Akala ko pa naman isa kang mabuting tao!"
"Wala akong ginawa kay Emily! Sa katunayan nga, eh siya yung--"
"Alam ko ang nangyari Eurice! Hindi ka ba nakukunsensya? Nagawa mo pang magsinungaling!"
At umalis nalang siya. Lahat ng mga papasok na students dito nakatingin sakin at nagbubulungan.
Wala naman kasi akong ginawa.
Pumasok nalang ako sa classroom namin at nakita kong galit parin si Thane, may kausap siyang lalake. Nakita niya ako at naglakad siya patungo sakin.
"Tha-"
At nilagpasan niya lang ako.
Lahat ng mga kaklase ko linalayuan ako. Si Caly, wala pa.
Wala naman akong ginawa ah! Sa katunayan nga ako itong napahiya, pinagtawanan at pinaglaruan!
Grabe si Emily! Nagawa niya pang baligtarin ang nangyari!
Umupo nalang ako sa upuan ko at tumingin sa bintana habang nag-iisip. Nakakahiyang iwasan ng mga tao at mapagkamalang makasalanan. Ni isa sa mga kaklase ko hindi man lang ako kinausap o kinwestiyon kung ano nga ba ang nangyari. Nakakalungkot lang kasi wala mang nag initiate na gawin yon.
Kahit saan ako tumingin may nakatingin sakin at nagbubulungan.. ganito ba talaga ka updated ang mga students dito? Wow ah.
Lalo na ngayong recess namin, 'di ako makakapag-stay sa classroom kasi naiwan ko yung baon kong cupcakes sa bahay edi bibili pa ako sa canteen. Lalo lang akong mapapahiya niyan.
"Yun yung sinasabi kong Eurice sayo oh!"
"Ay sayang! Mukhang matino kaso nagawa niya yun kay Emily."
Tumakbo nalang ako papunta sa garden ng eskwelahan namin at umiyak nalang habang nakasandal sa isang puno. Pumunta ako dito para magbago at masasayang lang din ang lahat ng dahil diyan sa Emily na yan! Actually, si Thane pala.
Habang umiiyak ako may nag-abot ng panyo sakin pero 'di ko makita nang mabuti kung sino siya dahil dito sa nakakabwisit na mga luhang ito. Sure naman ako na lalake ito dahil sa body frame niya at amoy lalake siya.
"Ah. thank you... buti ka pa walang pakielam sa mga walang kwentang rumors na yan.."
"Alam ko naman na 'di totoo yung sinasabi nina Emily eh. Narinig ko sila kahapon. Planado na pala ang lahat nung una palang." sabi niya.
"Pabayaan mo na wala na tayong magagawa.." sabi ko habang pinupunasan ko ng panyo ang mga kamay ko na basang-basa na. Wala naman kaming magagawa kung isa lang yung witness. Tsaka kalat na kalat narin naman yung issue.
"Osige, alis na ako di pa ako nakakain eh. Wag ka na umiyak. Sayang yung ganda mo. Magmumukha kang bakekang niyan"
"Haha. Osige kain ka na"
Nagawa niya pang magpatawa ha? Buti pa siya, makakakain eh ako hanggang sa magbell ako dito.
Nagmamadali ata siya ni di ko man nalaman yung mukha at pangalan niya.
Habang nakatago ako sa likod ng puno naalala kong di niya pala nakuha panyo niya! Aalis na sana ako kaya lang may narinig akong hakbang ng tao.
*Swish*
Buti nalang half ninja ako at nakapagtago ako agad.
"Grabe dude, ganon pala si Eurice no? Type ko panaman siya. Joke! Ahahaha"
Pati banaman dito?
"Onga eh. Katulad niya lang pala yung iba."
Thane.
Sa boses palang, alam ko ng si Thane yon. Nakakainis lang kasi para sakin, katulad kalang rin pala ng iba. Parehas lang kayong agad naniniwala sa sinasabi ng ibang tao.. Akala ko, iba na ngayon. Akala ko maiiwasan ko na yung panghuhusga ng iba. Akala ko lang pala iyon..
----------------------
BINABASA MO ANG
A Sudden Change
RomanceAng ultimate listahan para sa mga taong gustong magbagong buhay: -New School -New House -New Friends -New Memory Ayoko nang maalala pa ang nakaraan. Kaya naman lahat 'yan ay ginawa ko na. Sabi nga nila, "Past is Past" ba't kailangan ko pang balikan...