VI

55 1 0
                                    

Kakauwi ko lang at dahil kakatapos ko lang ngang kumain, agad nakong tinamaan ng antok. Hay nako. Bakit kaya kung kailan ayaw mo yung isang bagay dun siya nangyayari. Jusko naman. Tas kung gusto mo dun naman nawawala. Kami naman ng kaonting pimples ko, eto, strong parin. Masyado siyang clingy. Kahit na minamahal ko na siya ng sobra ayaw parin akong lubayan. Kailangan ko na atang sunugin yung mukha ko para mawala lang to eh. Naisip ko tuloy, kanina sa Mcdo, ang mahal naman ng binibenta nila na mga pets. Naabot ng $1200? Ano ba yung binibenta nila? Peacock? Elepante? Tigre? Parang gusto ko tuloy ng Zebra.

"Ma, andito nako! Kakatapos ko lang kumain. Matutulog nako." sabi ko ng malakas para marinig ni Mama. Dumiretso nako sa kwarto ko para magpahinga. 'Di ko na kaya. Pumipikit-pikit na talaga yung mata ko habang umaakyat ako sa stairs.

Nakarating nako sa kwarto ko at agad na nag half bath para makatulog nako. Magttweet muna nga ako.

@Eurice_: "Gusto ko ng zebra. "

<>

Isa nanamang araw sa school. How fun! Joke lang. Sinong mag eenjoy dito. Gusto ko lang talaga mag aral kapag about sa universe yung topic.

"Sinong nakakuha ng highest score sa nakalipas na test dito?" tanong ng teacher namin. Ba, ano nanamang kailangan nito. Tinaas ko yung kamay ko. "Ako po, sir."

"Pumunta ka dito." sabi niya. Wala naman akong ginawa diba? Yikes. "Bakit po?" tanong ko noong nakalapit na ako sa kanya.

"May estudyante ako sa ibang section na nahihirapan sa klase nating pang kinder. Turuan mo. May plus 1 direct to the card ka pag nakuha niya yung lesson. Payag ka ba?" tanong niya. Sino ba namang tatanggi dito? About sa mga galaxy lang naman tsaka sa mga planets na nadiscover sa ngayon lang naman ang topic. Kahit prep makukuha na 'to eh. "Sure sir." sagot ko.

"Sige, mamayang break, nasa library siya. Basta Denise Lasig yung pangalan niya. Medyo mahirap turuan. Maarte kasi, masyadong pabebe. Parating nag cclass cut sa subject ko. Ayusin mo ang pag turo ah? Umaasa ako sayo." sabi ni sir. Wow, may pabebe pala sa vocabulary niya? Akala ko puro about space tsaka get 1/2 index card lang yung alam niyang sabihin eh.

Ano kayang hitsura nun? Umupo nako sa upuan ko at nagsimula na ang klase.

<>

Dumiretso ako sa cafeteria para kumuha ng makakain. Sandwich tsaka isang nestea lang from the vending machine ang kinain ko. Kailangan ko pang mag madali para maturuan 'yung Denise na pabebe. Baka mamaya takasan ako nun. Sayang yung +1!

Pagkarating ko sa library, nakita kong medyo maraming students and naruon. Paano nga bang hindi eh ang ganda talaga ng feeling 'pag nasa library ka. Lalo na dito sa library namin sa school. Mabango kasi. Lahat ng bintana, glass pane kaya makikita mo yung view sa right side sa labas na medyo mabundok. Sa kabilang side naman or ang nasa left side, yung city yung makikita mo. Depende na sa'yo kung anong view yung gusto mo.

Mabait naman yung mga librarian dito hindi tulad ng sa ibang library na as in bongga kung magalit. Mahulog lang yung libro mo papalayasin ka na. Somehow ang pinili nilang air freshener ay similar sa amoy ng kape. Hindi ko nga alam na may ganon pala na air freshener. Magpapabili nga ako para magamit ko rin sa kwarto ko kapag nagrereview ako. Maganda kasi sa feeling yung amoy ng kape. Though ako mismo hindi umiinom, my whole body feels serene 'pag nalalanghap ko 'yung amoy ng kape. Anyway, nasan na ba yung Denise na 'yun?

"Denise? Denise?" bulong ko habang nagiikot sa library. Napadpad nako sa pinakalikod ng library kung saan walang bintana pero may lights naman na nag-g-glow sa pader. Katulad ng kulay ng sky yung ilaw doon sa pader. Usually hangout spot to ng mga mahilig maki-aircon at matulog. Binanggit ko ulit yung pangalan ng hinahanap ko at may nakita akong babae na nag taas ng kamay. Halatang mayaman sa kutis palang. Nilapitan ko yung table niya.

"Hi, ako nga pala si Eurice, ang mag tututor sayo. Nice to meet you." sabi ko saka ngumiti at inilahad ang kamay ko. Tinitigan niya ako bago nakipagshake hands. "Thanks sa pag tulong.." sabi niya.

"Hindi naman sa nangingielam ako pero bakit ka ba nag c-class cut parati?" tanong ko sa kanya habang inaayos ko yung mga kakailanganin namin na mga reference. "Eh, kasi sa tuwing Science namin doon kami nagkikita ng boyfriend ko na taga ibang school.." sagot niya. Tingnan niyo nga naman oh. Inuna yung boyfriend kaysa sa pag-aaral! Mga bata! Huwag niyo tutularan iyang si Denise! Wala kayong mapapala! Huwag niyong sayangin yung pang tuition sa inyo ng nanay at tatay ninyo! Tsaka isa pa, walang forever! Di ako bitter nag sasabi lang ng totoo!

"Hay nako, bakit kasi inuna mo pa 'yang pagbboyfriend. Pwede naman kayo magsama pag mag asawa na kayo. Tsak--"

"Huwag mokong pagsabihan na parang alam mo kung ano yung pinagdadaanan ko." sabi niya at tiningnan ako ng matalim. Para bang iritadong-iritado siya. "Pwede ba, turuan mo nalang ako kasi yun naman yung pakay mo diba? Baka di mo pa makuha yung +1 mo." pagtutuloy niya. Nanahimik nalang ako dahil wala narin naman akong magagawa. Nagsimula nalang ako sa pagturo sa kanya.

<>

"Iyon muna ang ituturo ko sa ngayon, bukas dun na ta-"

Bigla siyang tumayo sa kinauupuan niya at sinabing "Thanks. Same spot tom." at umalis na. Walang hiya. Ako na nga yung nagturo ako pa tong iniwan. "Psh. Pabebe nga." bulong ko sa sarili ko.

Niligpit ko nalang yung mga books ko na ginamit namin saka ko nilagay sa baba ko yung bag ko. May oras pa naman kaya matutulog muna ako saglit dito sa library. Pumutok na yung utak ko sa kakaturo kay Denise kanina. Ang daming kailangan ituro sa kanya! Sabagay ni isang term wala siyang alam. Pero at least medyo fast learner naman.

<>

"Huy.. huy" nagising ako dahil may nagsshake sakin. Pagkamulat ng mata ko, nakita ko yung isa sa mga kaklase namin. "Ha, bakit?" tanong ko habang kinukusot ang aking mata. "Anong bakit, 5 minutes nalang matatapos na yung break natin!" sabi niya nang may halong pagkataranta. OMG. Buti nalang ginising niya ako! "Weh? Buti nakita mo'ko! Thanks!" sabi ko habang tumatakbo kami.

Konting stairs nalang at malapit na kami sa floor kung nasaan ang room namin. May isang matulis na liko papunta sa floor at dahil sa pagmamadali, nakabangga ko ang pababa ng stairs.

"Aray ko!"

"Aray!"

Pagkatingin ko sa natamaan ko, naramdaman ko agad ang pagkainis. Sa lahat ba naman ng pwedeng makabangga ko siya pa! Siya pa na ayaw kong makita dahil nawawalan ako ng gana. Ang akala ko'y magiging kaibigan ko pero agad namang nauto sa mga salita ng isang tsismosa na magaling gumawa ng kwento.

Ang walang hiyang si Thane.

Umiling nalang ako at tumayo. Nagsimula na ulit sa paglakad. "Hindi ka ba magssorry? Hindi ka talaga marunong humingi ng kapatawaran no?" narinig kong sambit niya. Tumigil ako sa pag lalakad. Iyong kaklase namin na kasama ko kanina pa tumitingin ng paliwas liwas sa aming dalawa. Mukhang kinakabahan dahil sa tensyon na namumuo samin. Humarap ako sa kay Thane. "Bakit ako magsosorry? Kasalanan ko ba, ha? Nakita ba kita? Hindi naman diba? Nakita mo ba ako? Hindi rin naman diba? Palibhasa kasi masyado kang nagmamagaling. Akala mo alam mo na lahat. Hindi mo pa man nakikita yung katotohanan agad ka nang humihingi ng sorry. Sa susunod, pwede ba, itry mo namang mag-analyze?" sagot ko sa kanya ng diretso. Kahit ako nagulat kung paano ko nagawang masabi ang mga 'yon ng diretso eh nung mga unang araw kung saan nag-aaway kami dahil kay Emily 'di ako makatagal sa harap niya sa hiya. Tinalikuran ko nalang siya at hinawakan ang kamay ng kasama ko para makaalis. Saan naman kaya pupunta 'yun? Magsstart na ang klase ah. Hay pakielam ko ba dun. Baka aasikasuhin lang yung pabebe na paimportante niyang baby na si Eng-eng. Sus.


Pagkarating namin sa room, halos lahat ay nakaupo na. After 2 mins siguro nakarating na si Sir. Hindi parin bumabalik si Thane. Heh, bahala siyang bumaba grades niya. Sa ngayon, iisipin ko muna si Denise. Bakit kaya ganoon siya nag react kanina? May malalim na rason ba 'yun? Sana naman di ako agad nag judge. Hay. Siya muna ang goal ko. Kailangan makuha ko rin ang loob niya dahil mukhang mabuti rin naman siyang tao. Nag-isip nalang ako ng ways kung pano siya tuturuan bukas habang nagtuturo ang teacher namin.

------------------------------

A Sudden ChangeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon