Hindi ko nalang alam kung anong gagawin ko kundi ang manuod sa nangyayari sa harap ko. Kasalukuyang nakikipag-away si Sly sa dalawang foreigner kanina. Wala naman akong magawa dahil hindi naman ako pinayagan nila Mama na mag Taekwando lessons noon! Baka daw maging boyish kasi ako.
Jusko! Kahit na nag-aaway sila di ko parin maiwasan na mamangha sa katawan ni Sly! Ang galing niya makipag laban parang sanay na siya!
Halata sa style ng paglaban niya na marunong siyang mag-boxing. Sa tuwing titirahin siya ng kaaway niya, itinatakpan niya yung mukha niya gamit yung dalawang kamay niya atsaka siya titira ulit. Kahit na naiinis ako sakanya, may pagka-cool rin pala siya kahit minsan.
"Tara na!" sigaw niya sakin noong napahiga niya na yung dalawang foreigner kanina. Bago kami tuluyang tumakbo, sinipa ko yung itlog nung dalawa. Buti nga sa inyo! Di naman siguro nila kami maaalala dahil lasing sila! "Shit! Brutal ka pala!" sabi ni Sly at natawa nalang kami. Hinila niya ang kamay ko at dinala sa sasakyan niya.
Hinihingal akong pumasok sa loob at napasandal nalang ako sa pagod. Nilagay ni Sly sa likod ng sasakyan niya yung mga pinamili namin kanina ni Caly. Hindi pa siya nakakasay sa loob eh na-awkward nako agad. Ano namang sasabihin ko sa kanya pagkapasok niya? Thank you? Nung isang araw lang, inis na inis ako dito kasi ginawa niya akong talunan!
Hay nako, papaunahin mo pa ba ang pride, Eu? Matuto ka naman!
Pumasok na siya at nagpakawala ng hininga. Grabe. Mukha namang hindi siya napagod sa ginawa niya kanina ah? "Uhm.. Sly?"
Hindi pa siya sumasagot kaya napatingin ako sa kanya. Nakaharap siya ng diretso. "Hmm?" sagot niya. Biglang siyang humarap sa direksyon ko. "Uy! Dumudugo yung ilong mo!" sigaw ko. Hindi naman to dumudugo kanina ah? Inilakbay ko ang mata ko para mag hanap ng tissue pero wala ata siyang tissue sa loob ng sasakyan niya. "May tissue sa loob ng-" tinakpan ko ang bibigyan niya gamit ang daliri ko at hindi na hinanap iyon dahil naalala ko na may tissue pala ako sa bag ko. "Teka lang! Ako na para mabilis!" sigaw ko habang natataranta.
Lumapit ako sa kanya at hinawakan iyong ilong niya. "Huwag kang magulo! Kailangan mong umupo ng diretso!" sabi ko sa kanya kasi ang gulo niya! Parang hindi siya mapakali na ewan! May takot ba to sa dugo? Sa sobrang gulo niya, wala akong nagawa kundi ang umupo sa hita niya. Masikip kasi kaya magkahiwalay ang legs ko at nakalagay sa magkabilang dulo ng legs niya habang nakaharap ako sa kanya. Bigla siyang napaupo ng diretso at halatang nagulat sa ginawa ko. "Ayan. Very good at 'wag ka ng gagalaw."
Sa pagkaka-alala ko, dapat sampong minuto daw hawakan iyon bago bitawan. Shet! Ang awkward nito! Hindi ko alam kung sa'n ako titingin kundi sa ilong niya! Sumulyap ako kay Sly at nakapikit lang siya. Mukhang natatae yung mukha niya. Ano bang iniisip nito? Biglang gumalaw yung bibig niya at nabasa kong "shit" yung sinabi niya. Problema nito? "Eurice! Matagal pa ba 'to?" tanong niya na may halong pagkairita sa boses. Siya na ngang tinutulungan! "Teka lang! Ten minutes dapat to eh!" sagot ko sa kanya.
"Shit! Tama na! Ako nalang!" sabi niya at inalis ang kamay kong nakahawak sa ilong niya. Tinulak niya naman ako pabalik sa front seat. "Aray ko naman! Tumutulong lang naman ako no!" sigaw ko sa kanya. Ano bang problema nito? Kanina okay lang kami ah? Inayos ko ang pagkaupo ko at humarap sa kanya. Medyo namumula yung mukha niya.
"Oo na! Ikaw naman kasi ba't nagpaabot ka pa ng gabi?" tanong niya habang sinisimulan na ang sasakyan. "Uy, pwede na ata yan. Lagpas na sa ten minutes. Hindi kasi namin namalayan ni Caly yung oras! Sorry na!" sabi ko sa kanya. Naalala ko tuloy yung driver namin! Baka inaantay nako ni Kuya Tom! "Onga pala, kailangan ko ng bumaba. Baka naghihintay na yung driver namin doon!" sabi ko kay Sly habang inaayos yung gamit ko.
"'Wag kang bababa. Dito ka lang." sabi ni Sly at bigla siyang lumapit sakin. Yung puso ko! Ilang beses bakong mawawalan ng hininga sa araw na to! Kanina pako nagugulat sa lalaking to! "Uhm. ano.. a-anong gaw- ginagawa m-mo?" tanong ko sa kanya nang nauutal. Masyado na kasi siyang malapit sakin. Napansin ko nalang na kinuha niya yung seat belt sa tabi ko at finasten ito.
"Relax! Inayos ko lang yung seat belt tsaka ako yung pinag sabihan ni Tita na magsundo sayo. May urgent meeting daw kasi sila."
"Kaya pala.. thank you." ayan. At least nakapagpasalamat nako.
"Thank you para saan? Mukhang marami ata ah?" tanong niya habang nakangisi. LAKI NG ULO! Bwiset!
"Oo na! Thank you sa pagsundo! Sa pag ligtas sakin! Tsaka sa pag buhat ng gamit ko! Sus!" tumawa siya at napatingin nalang ako sa labas.
<>
"Thanks." sabi ko kay Sly noong nakarating na kami sa harap ng mga bahay namin. Pinag-iisipan ko kung tama lang ba na imbitahin ko siya sa loob para bigyan man lang ng maiinom dahil sa ginawa niya sakin kanina kahit na nasa harap lang rin yung bahay nila. Mabuti nalang at magaling ata siya makipag-away dahil wala naman siya masyadong galos sa katawan. Yung natamaan lang talaga na ilong niya kanina yung apektado. "Uhm.. gusto mo bang pumasok para uminom saglit?" tanong ko. Naisip ko na dapat lang na gawin ko to dahil hindi naman ako pinalaking bastos ng parents ko.
"Ah. Huwag na. May pupuntahan pa akong date." sabi niya at napatingin siya sa wristwatch niya. "Shit! Baka malate pako! Ilibre moko pag na-late ako ah!" sabi niya sakin at nagsimula na siyang magmaneho paalis.
Nako po! Sana naman at di na-late yun! 'Di ko nakakayanan yung mga panahon na magkasama kami! Andami niyang alam na kalokohan!
Dumiretso nako sa kwarto ko pagkapasok ko sa bahay at naghilamos na.
*kringg kringg*
Nag-ring ang phone ko at tumatawag pala si Caly. "Yo, sup!" sabi ko sa kanya nang pabiro at nahiga sa kama ko.
"Ba't ang late mo nakauwi? Akala ko kanina ka pa nakauwi at nakatulog kaso bigla ka nag text na kakauwi mo palang pala?" tanong niya sakin nang may bahid ng pag-aalala sa boses.
"Daming nangyari kanina!"
Kinwento ko sa kanya ang mga nangyari simula noong nagkahiwalay kaming dalawa sa mall. Habang kinukwento ko sa kanya, hindi ko alam kung bakit tawa lang siya ng tawa.
"Anong tinatawa-tawa mo diyan? Nakakainis nga yun! Di marunong mag thank you ng maayos!" sabi ko sa kanya.
"Hay nako, Eu. Ewan ko ba sayo. Sa tingin mo sinong hindi magiging ganon sa ginawa mo kanina?" tanong niya sakin habang tumatawa parin.
"Ano? 'Di kita maintindihan!" na-ffrustrate na talaga ako dito!
"Ang inosente mo! Syempre, inupuan mo siya sa hita niya tsaka napaka-lapit niyo sa isa't-isa! Sinong hindi magiging apektado doon? Malamang eh ganon yung mukha nun kasi iniisip non yung National Anthem o ano." tumawa ulit siya. Hindi ko parin siya maintindihan.
"Kawawa naman yung junjun non." pagkatapos niya sinabi 'yon, doon ko lang napagtanto.
Pang SPG nga pala yung posisyon namin kanina!
----------------------------------
BINABASA MO ANG
A Sudden Change
RomanceAng ultimate listahan para sa mga taong gustong magbagong buhay: -New School -New House -New Friends -New Memory Ayoko nang maalala pa ang nakaraan. Kaya naman lahat 'yan ay ginawa ko na. Sabi nga nila, "Past is Past" ba't kailangan ko pang balikan...