Chapter 1
Five years later...
Gigil na diniinan ni Carson ang busina ng kanyang sasakyan. Naiinis talaga sya sa mga walang modong driver. Hindi man lang maisip kung anong pwedeng mangyari dahil lang sa pagiging iresponsable ng mga ito sa daan.
Hindi na nya napigilang mapamura nang bahagyang magtraffic dahil sa pilit na pag-oovertake ng sasakyang binusinahan nya kanina. Nagmamadali pa naman sya dahil may hinahabol syang event sa araw na iyon. Kapag tumagal pa ng kaunti ang traffic na iyon, hindi na nya aabutin ang event dahil siguradong magsisimula na ito.
Nakahinga lang ng maluwag ang dalaga ng unti-unti ay umusad na ang mga sasakyan sa unahan niya. Pinasibad na rin nya ang kotse.
Nasa parking lot na sya ng magring ang cellphone. Pinindot nya ang accept button mula sa screen ng sasakyan para sagutin ang tawag habang ipinipihit ang sasakyan sa nakitang bakanteng parking slot. Maya-maya pa ay narinig na nya ang boses ni Emma mula sa kabilang linya.
"Where are you?" tanong nito.
"Nasa parking na. Relax ka lang. I can make it."
Narinig nyang napabuntong hininga ito. "Okay! Hurry, I'll wait for you here at the lobby."
"See you!"
Ibinaba na nya ang tawag. Nakapagpark na rin sya ng maayos.
She took her compact mirror out from her bag and look at herself. Kailangan nyang masigurong maayos ang itsura nya dahil hindi basta bastang event ang pupuntahan nya. Ayaw naman nyang magmukhang haggard kapag nakaharap na nya ang mga kilala at malalaking negosyante ng buong Asya.
Nang masigurong maayos na ang buhok at makeup, lumabas na ang dalaga sa sasakyan at inilock ang mga pintuan noon. Mula sa reflection nya sa salamin ng sasakyan, pinasadahan nya pa ang suot na business suit. She looks great and she feels great.
Iyon ang importante.
Paalis na sya doon nang may mahagip ang mata nya. Isang lalaki iyon na bumaba din sa sasakyan nito. Nasa kabilang side iyon ng parking, halos katapat ng pwesto nya. Nakatagilid ang lalaki at nakayuko sa cellphone na hawak nito.
Biglang sumasal ang kaba ni Carson.
Sa paglipas ng limang taon, kabisado nya pa rin ang bawat anggulo ng lalaking nanakit sa kanya. Halos araw-araw ay hinahabol ng mga ala-ala nito ang sistema nya. Pero imposible namang naroon din ang binata. Just the other day, nagtrending na naman sa social media ang litrato nito kung saan nakita ito ng press sa isang kilalang jewelry shop sa Switzerland.
Is it possible for him to come home in a short period of time?
Oo naman ano? Nagawa nya ngang umalis papuntang Switzerland kinabukasan matapos nyong magtalo diba? Sagot ng utak nya.
Oo nga naman. Pagdating sa lalaking iyon, walang imposible.
Lalong kinabahan ang dalaga nang unti-unti ay humarap ang lalaki sa gawi nya.
Ganoon na lamang ang relief ni Carson nang makitang hindi iyon si Theo. Medyo kamukha lang pala nito ang lalaki noong nakatagilid.
Right, why is he even going back? Maganda na ang buhay nito sa ibang bansa. Naaasikaso rin naman nito ng maayos ang Lucent Int'l – na nakabawi na ulit – kahit nasa kabilang ibayo ito ng mundo. Besides, masaya na ito sa piling ni Bianca. Namumuhay na ang mga ito bilang isang masayang pamilya doon sa Switzerland.
She felt the familiar pang in her chest.
Naging maayos naman ang buhay nya sa loob ng limang taon. Nakaya nya mabuhay at lumaban ng wala ang binata sa buhay nya. Siguro nga mas maayos pa na hindi na sila magkasama. Baka sya rin ang dahilan kung bakit ito nahirapan noon. Maybe Bianca's mom was right after all. Na sya ang dahilan kung bakit hindi nagagawa ni Theo ang gusto nito. Sya ang pumipigil dito.
![](https://img.wattpad.com/cover/280637825-288-k548791.jpg)
BINABASA MO ANG
One More Try
Romance*Love Me Again Book 2* Carson was like living any girl's dream. She was rich, her family belongs to an old money in the Philippines, and she was engaged to her handsome and famous boyfriend - Theo Montillano. Everything was doing fine. Until Carso...