Chapter 11

278 14 15
                                    

Chapter 11


Theo couldn't calm while the doctor was checking Carson.

Kanina noong nakita nyang nanginginig ito sa lamig ay agad na syang sinalakay ng kaba. Lalo na noong nalaman nyang inaapoy ito ng lagnat. Mabuti na lang may resident doctor ang camp na iyon. Kanina nga noong tumawag sya, nagsuggest pa sana ito na dalhin nya si Carson sa infirmary pero nagpumilit syang ito na lang ang pumunta sa kanilang cabin. It was raining hard and her sprain is getting worst. Baka makasama pa na maexpose nya iyon sa lamig sa labas.

Kanina noong natapos syang magshower ay may dumating na lunch para sa kanila. He woke her up so she could eat. Nakakain naman ito pero hindi nito naubos ang dinalang pagkain which was a surprise, given her big appetite.

Hinayaan na lang ito ni Theo. Naisip na lang nya na baka kasi antok na antok na rin ang dalaga. Hindi naman kasi sila nakatulog ng maayos kagabi sa sasakyan.

Pero hindi sya dalawin ng antok sa kabila ng pagod na nararamdaman nya dahil sa buong pangyayari. He was tired emotionally and physically and sleep doesn't go to him. Isa pa, maya't maya din ang daing ng dalaga habang natutulog dahil sa sprain. He had to fold her pajamas so he could place ice on her injury properly. Kitang kita nya na umakyat na ang pamamaga noon hanggang sa binti nito.

Hindi nya mapigilang maawa kay Carson.

He experienced it before when he was still active in sports. Sprained ankle is not a joke.

Sa wakas ay natapos na rin ang doctor sa pagcheck nito sa dalaga. Napatuwid sya ng tayo nang humarap ito.

"Her sprain needs immediate treatment." Sabi ng doctor.

"How bad is it, doc?"

Umiling ang doctor. "I cannot really tell for now. She needs to undergo some tests to make sure. Importanteng macheck ang ankle nya kung malala ba ang damage. I can already see the bruise forming."

Nanlalambot na napatango si Theo sa narinig. "Will she be able to walk again?"

"I'm not sure yet, but do not quote me on this. As I said, it is important to undergo some tests. Mas masasagot ng ortho ang mga tanong mo." Kinuha ng doctor ang notepad at nagsulat doon ng prescription. "For now, I can only give pain killers for her sprain and medicines for her fever."

"What about her fever, doc? Does it have something to do with her injury?"

"Her fever is caused by stress and trauma. It may be because of her condition or something else, na humalo na sa emotional status nya. You need to make sure na hindi sya mai-stress. Once you go back to the city, make sure to have her checked by an orthopedic."

Theo nodded.

Trauma.

Bigla ay kinain ng guilt ang puso nya. He's sure that he's the reason why she's feeling that way. He causes her stress. What he did to her caused her too much pain. Baka nga mas lumala pa ang nararamdaman nito nang muli silang magtagpo.

It pains him to see her in pain. Hindi lang dahil sa sprain. Physical pain is nothing compared to what she's feeling emotionally. He knew that. Kung pwede lang alisin nya ang sakit na iyon sa dalaga at ilipat sa kanya, he will never hesitate to do it. He wanted to free her from all the pain.

May iba pang sinabi ang doctor bago ito tuluyang umalis. Pagkatapos noon ay agad nyang tinawagan sa landline ang office ng events committee para sabihin ang condition ni Carson. Sinabi ng mga ito na may darating na ambulance doon sa camp bukas din ng umaga para dalhin ang dalaga sa hospital. Sa ngayon kasi ay hindi makalusot ang mga ito dahil sa masamang panahon. Idagdag pa off-the-grid ang area na iyon at walang poste ng ilaw sa daan once makapasok na sa area ng gubat.

One More TryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon