Chapter 5

248 18 10
                                    

Chapter 5

KINAKABAHAN na si Carson.

Kanina pa sya umiikot sa malaking toy store na pinuntahan nila pero hindi nya makita si Via. Pinuntahan na rin nya ang section na madalas tambayan ng anak kapag dumadaan sila doon pero wala rin doon ang bata. Madalas ay sa area lang naman ng mga manika at kitchen sets ito pumupunta.

Where could she be?

Saglit lang syang nakipag-usap kay Mindy sa telepono nang tumawag ito dahil may hinihintay silang email mula sa kliyente nila. Pero paglingon nya sa gilid nya ay wala na doon ang anak. Kampante pa sya noong una pero noong hindi nya makita agad ang anak ay tinambol na sya ng kaba.

"Via!" muling tawag ni Carson habang tuloy sya sa pag-iikot sa tindahan ng mga laruan.

Sigurado ang dalaga na hindi naman lalabas sa tindahan na iyon ang anak nya. Mas kinakabahan lang sya na baka may ibang taong kumuha dito.

Matalino si Via pero ano naman ang laban nito kapag binitbit na ito ng kidnapper?

"Via!" she called again.

Siguro dapat na syang lumapit sa gwardya para humingi ng tulong.

Papunta na sana doon si Carson nang marinig ang boses ng anak.

"Mommy!"

Agad syang lumingon at naroon nga si Via, masayang tumatakbo papunta sa kanya. Lumuhod sya nang tuluyang makalapit ang bata at niyakap ito ng mahigpit.

Napapikit na lang sya ng mariin habang hinahaplos ang buhok nito.

"Where have you been?" tanong nya dito habang inaayos nya ang suot nitong coat. "You scared me. I thought I lost you."

Muli nyang niyakap si Via, hindi pa rin tuluyang humuhupa ang kaba nya.

"I just got this, mom." Ipinakita nito ang box ng Lego na hindi nya napansing bitbit nito kanina.

"Legos?"

Tumango ang bata.

"Why didn't you tell me? Sana nasamahan kita. I just answered the call, pero nawala ka agad."

"I'm sorry, mommy."

Tumango na lang si Carson at hinalikan ito sa ulo. How can she stay mad at her? She's just too precious to be scolded.

"Just don't do it again, okay? Next time tell mommy and we'll go there together. Okay?"

Via nodded.

Tumayo na si Carson at hinawakan ang kamay ng anak. "Let's pay for your toys na."

Matapos mabayaran ang mga laruan ay lumabas na sila doon at dumiretso sa ice cream parlor na madalas nilang puntahan. Siniguro na nyang hindi na makakabitaw sa kanya ang anak.

They both get a cup of two flavors. Via got each scoop of chocolate and strawberry while Carson got herself a scoop of espresso and almond fudge.

Nang makuha ang order nila ay naglakad na ang mag-ina sa bakanteng mesa. She lifted Via so she could sit on the chair before settling on the one across her daughter. Masaya nilang pinagsaluhan ang ice cream na binili.

It was a once a week tradition – dahil ayaw nyang masyadong masanay sa sweets si Via. It became some sort of their bonding – para mas i-look forward ng anak ang mother-and-daughter date nila.

"Can I try yours, mom?" Via asked.

"Sure. But only the chocolate one, this one is coffee." Itinuro nya ang scoop ng kape.

One More TryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon