Baka lang gusto nyong may background music habang binabasa ang chapter na to lalo na dun sa middle part. Ayan, pasok Papa P! Char hahahaha
Chapter 8
Tuluyan nang tumila ang ulan pero nananatiling malamig ang panahon. Mas lumalamig pa nga habang lumalalim ang gabi. Sobrang tahimik ng paligid at tanging ang mga panggabing ibon at mga kuliglig lang ang naririnig.
Nakagawa na ng paraan sina Carson kung paano magpapalipas ng gabi sa sasakyan.
Sa backseat sila pumwesto at itinulak lang pauna ang shotgun at driver's seat para mas maluwag ang space nila sa likuran. Good thing, Theo was prepared enough to bring an emergency kit. Kahit noon, alam nyang palagi nitong dala ang set na iyon. It includes swiss knife, a handy flashlight, whistle, pepper spray at iba pa.
Nagamit nila ang flashlight para mailawan ang paligid nila dahil kanina pa nalowbat ang kani-kanilang cellphone. May dalang powerbank si Carson pero tinitipid nya iyon para may magamit sila sa ibang pagkakataon. Sinukuan na rin nila ang pagcontact sa committee dahil wala talagang signal sa area na iyon. Nagsayang lang sila ng battery.
Tanging ang natirang sandwich na dala ni Theo ang pinagsaluhan nila para sa hapunan. Karamihan doon ay tubig na. Sa totoo lang ay paubos na rin ang tubig na dala nila pareho at tinitipid na rin iyon.
They occupied both sides of the backseat habang bakante ang gitnang upuan. Bahagyang nakababa lang ang mga bintana sa tabi nila para kahit paano ay may pumasok na hangin sa loob ng sasakyan.
It was past 8 in the evening at parehong nakahanda na para matulog ang dalawa. Pero hindi dalawin ng antok ang dalaga. Maraming tumatakbo sa kanyang isip.
Isa na doon ang takot na baka bigla na lang may sumulpot na masamang tao habang natutulog sila. Isa pa sa iniisip ni Carson ay si Via. Huling text nya sa mommy nya ay kanina pang ala una noong kumakain sila ng tanghalian. Baka nag-aalala na ito dahil wala syang update ngayong gabi. Hindi pa naman sya sanay na matulog na hindi nakakausap muna ang anak.
Narinig nyang kumaluskos si Theo kaya nilingon nya ito. Mukhang gaya nya at hindi rin ito makatulog.
"Are you comfortable there? You're not cold?" tanong nito nang makita syang nakatingin dito.
"I can handle myself, thank you."
May dala naman syang cotton jacket at travelling blanket. Nakatulong iyon para kahit paano ay maibsan ang lamig ng panahon.
Theo was also wearing his hoodie. May dala din itong kumot na sa tingin nya ay mas makapal sa bitbit nya. Kung naibang pagkakataon lang iyon, kanina pa sya sumiksik dito.
Ipinikit na ng dalaga ang mga mata. Pero maya-maya lang ay narinig nya ang pagtawag sa kanya ni Theo.
"Carson..."
"Hmmn..." she responded without opening her eyes.
"I'm sorry..."
Kunot noong napadilat ng mata ang dalaga at nilingon ito. She met his eyes.
"Inaantok ka na ba? Can we talk for a while?"
"Ano pa ba'ng talk ang gusto mo?" tanong nya kahit alam naman nya kung ano ang tinutukoy nya. She doesn't want him to go there. Kanina pang umaga sila magkasama at sa tuwing nag-uusap sila, nauuwi lang iyon sa pagtatalo.
"I just wanted to ask how you have been."
Tumawa ng pagak ang dalaga. "Oh, you mean, small talks? Just like what old friends do?"
![](https://img.wattpad.com/cover/280637825-288-k548791.jpg)
BINABASA MO ANG
One More Try
Romance*Love Me Again Book 2* Carson was like living any girl's dream. She was rich, her family belongs to an old money in the Philippines, and she was engaged to her handsome and famous boyfriend - Theo Montillano. Everything was doing fine. Until Carso...