Chapter 4
"BES, maupo ka nga muna. Nahihilo na ako sayo eh." Reklamo ni Emma.
Pero hindi sinunod ni Carson ang kaibigan. She continued pacing back and forth while fidgeting her fingers. Pilit pa rin nya pinapakalma ang sarili.
Pagkabalik pa lang nila ni Mindy sa office ay tinawag na nya si Emma sa opisina nya para ibalita ang nangyari. Gaya nya ay nagulat din ito sa pagkikita nila ni Theo. Baka nga mas malaki pa ang galit nitong kaibigan nya sa binata.
Tandang-tanda nya pa ang galit nito noong ikwento nya ang nangyari sa kanila ni Theo five years ago. Medyo nagtampo pa nga na hindi nya agad ipinaalam nya ipinalaam dito. Gusto kasi ni Carson na ayusin muna ang problema sa pagitan nila ni Theo bago nya ipaalam sa iba. Unfortunately, masyado na palang sira at hindi na maaayos pa. Nagcause pa nga iyon ng matinding problema.
She almost lost her baby that time.
Kaya nga doble ang galit ng kaibigan nya.
"Bes, he's here. He's back!" muling sabi nya dito habang pabalik balik pa rin sa paglalakad. "How come we didn't know that he's back?"
"Eh kasi diba, we stopped checking on him. Three years ago na." sagot nito. "Saka ayoko na rin na makakuha ka ng news about him dahil nai-stress ka lang."
May point naman ito. Sya na rin ang nakiusap noon kay Emma na huwag na syang balitaan ng kahit na ano tungkol kay Theo. Simply because she's not interested anymore.
"Pero anong gagawin ko ngayon, bes? Bumalik na sya. Maliit lang naman ang Manila and we're moving in the same industry. Maliit ang chance na hindi kami magkita ulit."
"Sa tingin ko, mas magandang ituloy mo yung nasimulan mong reaction kanina noong nagkita kayo. Iparamdam mo sa kanya na wala na syang epekto sayo. Aba, sinuswerte sya! Aalis sya ng ganoon tapos aasa syang may babalikan sya dito?"
Napabuntong hininga si Carson at naupo.
"Hindi lang naman kasi yun ang iniisip ko eh. Kung ako lang, I can face him kahit araw-araw pa. But I'm afraid the moment he found out about Via."
Kinuha ni Emma ang kamay nya at hinawakan. "Bes, in case makita nya nga ang anak mo, hindi sya pwedeng gumawa ng drastic move. He cannot take Via away from you. Kahit ilaban nyo sa korte yan, mananalo ka."
Muling napabuga ng hangin ang dalaga.
Iniisip nya pa lang ang stress at trabahong na haharapin nila once magfile ng custody case si Theo, napapagod na sya. Besides, hindi lang sya ang mai-stress doon. Pati na rin sa anak nya.
"And one more thing, diba ayaw naman nya ng anak?" Emma asked.
Tumango si Carson. "That's what he said. But he left for Switzerland to be with Bianca and her son. What difference does it make than having his own child?"
"Exactly. Kaya tingin ko hindi yan maghahabol sa anak nyo. And in case he does, ano pang silbi na may kapatid akong lawyer?"
After ng bankruptcy case ng Lucent Int'l, binitawan na ng kapatid ni Emma ang kompanya ni Theo. Dahil na rin iyon sa pakiusap ng kaibigan sa kapatid nito. Emma's brother was kind enough to listen. Galit na galit kasi talaga noon ang kaibigan nya at ayaw na nitong magkaroon pa ng kahit na anong koneksyon sa binata. Kaya mula noon, hawak na ng kapatid ni Emma ang Agriq at isa na rin sa family lawyer nila.
"Basta, bes, tatagan mo lang ang loob mo. Hindi rin naman kasi pwedeng forever nakatago ang inaanak ko. Mabuti na nga lang din hindi nakarating kay Theo ang tungkol kay Via over the years."
"That's one of the good things that happened when he left. Pinutol nya na ang lahat ng connection naming dalawa."
Pero sa kabila ng tapang na ipinapakita nya, naroon ang takot sa sistema ni Carson. Sa totoo lang, naging praning na nga sya kanina noong pabalik sila ni Mindy sa office. Tila nagkaroon sya ng extra sense dahil nilalakasan nya ang pakiramdam sa takot na baka magkrus na naman ang landas nila ng binata. Kung bakit ba naman masyadong mapaglaro ang tadhana at sila pa ang napagtripan nang araw na iyon.
BINABASA MO ANG
One More Try
Romance*Love Me Again Book 2* Carson was like living any girl's dream. She was rich, her family belongs to an old money in the Philippines, and she was engaged to her handsome and famous boyfriend - Theo Montillano. Everything was doing fine. Until Carso...