Chapter 12

270 19 7
                                    

Chapter 12

It has been more than three weeks since the accident happened. And if Carson says she was in pain; she really was in pain. Mataas naman ang pain tolerance nya pero may araw talaga na umiiyak na lang sya kapag umaatake ang kirot. Hindi nya alam kung paanong pwesto ang gagawin kapag matutulog. The pain killers helped but sometimes it only lasts for a couple of hours – minsan nga hindi pa umaabot sa dalawang oras, wala na ang bisa noon. She cannot always take those often dahil baka naman maoverdose sya.

Umakyat pa hanggang sa binti nya ang pamamaga noon and it prevented her from moving too much.

Noong nacheckup sya sa Siargao, sinabi ng doctor na kailangan daw i-cast ang ankle nya. Iniisip pa lang ng dalaga na lalagyan ng bakal ang kanyang paa, hindi na nya maimagine ang sakit. Kaya nang araw din iyon nang madischarge sya sa hospital, bumalik agad sila sa Manila para magpa-second opinion. Ang kaibigan ng daddy nya na orthopedic ang naging doctor nya. Luckily, sinabi nito na hindi na kailangan lagyan ng cast.

Her sprain was mistaken as grade 2 pero ang totoo ay first degree lamang daw iyon. Nagkaroon kasi sya ng pasa at iyong nakita naman x-ray nya ay bahagyang crack lamang sa joints at hindi totally putol. Ayon sa doctor, eventually ay tutubuan din agad ng panibagong laman iyon at gagaling din in 2-3 weeks.

Nagkatotoo naman ang sinabi ng doctor nya dahil ngayon nga ay nakakalakad na sya ulit. Nakabalik na nga sya ulit sa opisina. Pero hindi pa pinupwersa ni Carson ang sarili sa matinding lakaran dahil baka mastress ang muscles nya sa paa at mamaga na naman iyon. But she's already on her way to recovery. Sabi ng doctor, it will still take 4-8 weeks bago sya tuluyang gumaling.


She looked at the digital clock on her table.

It was 6pm. Magkikita sila ni Theo sa araw na iyon. It will be their first meeting again after the incident in Siargao. Mula kasi ng madischarge sya sa hospital ay hindi na nya nakita ang binata. Ayon sa magulang, tinawagan daw sila nito at pinapunta sa hospital. Pero pagdating naman ng mga ito doon, wala si Theo.

Hindi nya tuloy maiwasang madagdagan na naman ang hinanakit sa binata.

May papromise-promise pa itong hindi na ulit aalis at babawi sa kanya pero natapos lang ang conference nila sa Siargao, wala na naman itong paramdam. Maaaring naghahallucinate sya nang gabing nilagnat sya pero may ibang part naman doon na gising ang diwa ng dalaga at malinaw sa utak nya ang mga pangyayari. Hindi naman sa umaasa syang tuparin ng lalaki ang sinabi nito sa kanya. Ano pa bang aasahan nya? Iyon ngang pangako nitong pakakasalan sya, hindi nito tinupad. Iyon pa kayang sinabi nitong hindi na ulit lalayo.

Mula naman ng makabalik sya sa Manila, nararamdaman nya lang na nag-eexist nga pala ito dahil sa mga ipinapadalang bulaklak. Noong unang beses nga na nagpadala ito, ayaw nya pa maniwala na si Theo ang nagbigay.

He used to give her yellow roses. Bakit kaya ngayon ay lavenders na?

Hindi naman sya nagrereklamo. She loves lavenders. Actually, naipon na nga nya ang mga unang binigay nito at pinagsama sama sa iisang malaking vase. It added aesthetics to her bathroom at home, plus ang bango bango pa ng banyo nya dahil sa dried lavenders.

Nang makabalik sya sa opisina ay patuloy pa rin ito sa pagpapadala doon ng kaparehong bulaklak. She appreciates it pero kulang pa rin. Ano naman ang gagawin nya sa mga bulaklak na iyon? Hindi naman iyon nagsasalita.

And as if the heavens hear her sentiments, tumawag ito sa kanya last week. Hindi nya alam kung ano ang nagtulak dito para kumontak sa kanya. But she still entertained him. Kahit paano ay marunong naman sya tumanaw ng utak na loob. Mula noon ay nagkaroon na sila ng communication. Maiiksing usapan lang naman iyon ng pangugumusta pero okay na rin kaysa wala.

One More TryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon