Chapter 13

276 14 4
                                    

Chapter 13


Tulog na si Via nang makauwi si Carson sa bahay. Marahan nyang itinulak pasara ang pintuan ng kwarto nito at maingat na lumapit sa kama. She sat on the side of the bed and gave Via a kiss on a forehead.

Agad na nag-unahan ang luha sa kanyang mga mata habang masuyong hinahaplos ang buhok ng natutulog na anak. Kanina pa nya pigil ang emosyong iyon. Alam naman nyang ganoon ang maaaring kahinatnan ng pag-uusap nila once nasabi na nya dito ang tungkol kay Via pero hindi pa rin nya naihanda ang puso sa matinding sakit.

Gaya nga ng sabi nya sa sarili, kung hindi nito aakuin ang anak nya, hindi nya ipipilit ang sarili nilang mag-ina dito. They survived for five years without him at kakayanin din nila iyon sa mga susunod pang mga taon.

"Mommy?" Via's sleepy voice woke up her senses. "Are you crying?"

Agad nyang ipinilig ang ulo at lihim na pinahid ang luha sa mukha saka masuyong nginitian ang anak.

"Masakit lang ang ulo ni Mommy, anak. Go back to sleep."

Yumakap ang maliliit nitong braso sa baywang nya.

"I love you, mommy." Wika ng anak at muling ipinikit ang mga mata.

"I love you, sweetheart." She said as she kissed Via's head. Pigil na pigil nya ang paghagulgol.

Hindi na nya alam kung ano pang paliwanag ang sasabihin nya sa anak once magtanong muli ito tungkol sa daddy nito. Ngayon pa lang, mas naaawa na sya kay Via dahil nasa paligid lang naman ang ama nito pero hindi nya magawang masabi dito ang totoo.

Nang masigurong mahimbing na ulit ang tulog ng anak ay lumipat na sya sa sariling kwarto.

She took her time under the shower, doon ay ibinuhos nya ang pigil nyang luha kanina pa. Maybe they haven't fixed their issues yet but after their talk in Siargao, Carson was somehow hoping some good words from Theo.

Pero nagkamali sya.

Ganoon pa rin ang prinsipyo nito, wala pa ring pagbabago.

Hindi tuloy nya maiwasang hindi mainggit sa atensyong naibigay nito sa anak ni Bianca. Mabuti pa ang batang iyon, kahit paano ay nakasama nito ng matagal tagal na panahon at nabigyan nito ng oras. Samantalang ang anak nya, ni hindi nito magawang tanggapin.

Nang matapos magshower ay nagbihis na sya ng pantulog at pumwesto na sa kama.

She grabbed her phone from the bedside table and saw a couple of missed calls and text messages. Kay Theo lahat iyon galing.

Binuksan nya ang mga iyon.

I'm sorry, Carson.

Please don't think na nagbago ang tingin ko sayo just because you gave birth. You got it all wrong.

Can I call you?

Please let's talk.

Carson...

May iba pang text doon galing sa binata at halos iisa lang naman ang mensahe. Sa huli ay pinatay na lang nya ang cellphone para hindi na sya nito muling kulitin. She'd rather sleep, hoping the pain will fade away.


KINABUKASAN ay medyo tanghali na nagising ang dalaga. It was Saturday and she usually wakes up at seven in the morning. Pero dahil sa sama ng loob nya kagabi, hindi rin sya agad dinalaw ng antok kaya sa halip na magising ng maaga hayun at halos alas otso na sya nakabangon.

Nagmadaling inayos ni Carson ang sarili sa pag-iisip baka gising na si Via at wala pa itong nakahandang agahan.

She just washed her face and brushed her teeth. Then she grabbed a fresh pair of bras. She didn't even bother to comb her hair. She just put it into a bun. Hindi na rin muna nya pinalitan ang oversized shirt na pantulog na umaabot lang hanggang sa gitna ng kanyang mga hita. Mamaya naman after breakfast ay maliligo na din sya. Besides, mas kumportable syang gumalaw sa kusina na ganoon ang suot kapag nagluluto.

One More TryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon