*Love Me Again Book 2*
Carson was like living any girl's dream.
She was rich, her family belongs to an old money in the Philippines, and she was engaged to her handsome and famous boyfriend - Theo Montillano.
Everything was doing fine.
Until Carso...
Pinalitan ko ng Siargao yung location instead of Boracay. Mas fit kasi yung Siargao sa description ng place. Though hindi pa ako nakarating doon so please bear with me. Gawa gawa lang naman ito. Char! Enjoy!
Chapter 7
"Ma, kayo na ulit ang bahala kay Via ha?"
Naramdaman ni Carson ang masuyong haplos ng mommy nya sa kanyang likod.
"Don't worry, anak. We're staying home today."
Kahapon kasi ay lumabas ang mga ito at pumunta sa public market para igala si Via. Panay ang kwento ng anak nya ng makauwi sya kagabi tungkol sa mga nakita nito sa palengke.
Mula noong araw na nagkaroon sila ng encounter ni Theo, hindi na muling napakali ang dalaga. That same day, she told her mom that Theo is in Siargao, too. Kahit ito ay nabahala. But she reassured her that everything is fine, and they can still go wherever they want. As long as lalabas lamang ang mga ito sa oras na nasa conference na sya. Somehow, it helps that she and Theo were attending the same business conference. Kahit paano ay nakikita nyang naroon lang din ang binata sa paligid, nababantayan nya ang kilos nito.
But she made sure they will never cross paths again. Mula lang sa malayo nya ito pasimpleng tinatanaw. Of course, it wasn't easy especially they were just in the same venue. Pero tinake advantage ng dalaga ang pagkakaroon ng maraming tao doon. She made sure she will not be left alone. Palagi syang nakikipag-usap sa mga kapwa negosyante. She will never give Theo the chance to talk to her. It was like hitting two birds in one stone. Dahil sa small talks na sinisimulan nya, nakakakuha ng prospect clients ang dalaga plus nakakaiwas pa sya sa binata.
Matapos magpaalam sa anak ay umalis na si Carson papunta sa hotel.
It is day five of the business conference and they will be having some sort of a team building. Last part na iyon ng nasabing event and the committee of the conference decided to take it to a different level. Ayon dito, the said team building will help them build camaraderie.
Tama naman ito.
Kaya bilang paghahanda sa activity nila, pumili ang dalaga ng komportableng damit. She was just wearing a black sports bra and a black legging underneath a white windbreaker jacket. Importanteng magaan lang ang suot nya para mas makakilos sya ng maayos lalo na at dala nya ang backpack. Hindi nya alam kung ano ang mga gagawin nila sa team building kaya mabuti nang sigurado.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
The team building is a two-day activity and will be held in an Eco Village in Siargao. Kahapon ay nabigyan na sila ng brochures ng camp at parte ito ng rainforest. It will be a long drive going there from the hotel. Kasama sa brochure ang mapa ng buong area pati na rin ang mga pictures ng bawat cabin.
Meron na rin silang kani-kanilang team.
There will be 20 teams and each team have 18 members. Bawat team ay mayroong dalawang team leaders. Si Carson ang napiling isa, kasama ang isa pa nilang kateam na lalaki – si Kiko. Sa nakalipas na ilang araw ng conference, ilang beses na rin nya itong nakausap and she can say that the guy is nice. Malaking factor iyon dahil komportable sya sa kapartner nya.