Lalo akong napangiti sa reaction ni Paulo.
Natuod siya at napakurap siya ng ilang beses. Ilang saglit bago siya nakapag-salita. Pinipigilan niya ang ngiti niya at 'yong itsura niya parang hindi makapaniwala.
"S-Sure..." Kinagat niya ang ibabang labi niya para pigilan ang sariling ngumiti.
Matagal na nakatangin lang kami sa mata ng isa't isa. Malakas naman ang aircon pero sobrang init ng pakiramdam ko. Gusto kong iiwas ang mukha ko sakanya kasi paniguradong ang lala ng pamumula ko pero natutuwa akong tingnan ang pag process ni Paulo sa nangyayari.
"You all know me for being a smart person but at times like this I'm not certain if what I am thinking is right, so I need a confirmation." Rinig ko ang hiya sa boses niya. "T-Tayo na ba?" Tanong niya.
Nakangiti akong tumango.
Doon na niya pinakawalan ang ngiti niya. Pareho na kami ngayon na halos mapunit ang labi sa laki ng ngiti.
"Oh." Nagulat ako nang bigla niya akong hilahin at niyakap.
"Thank you." Mahinang bulong niya. Dahan-dahan akong yumakap pabalik.
"I love you." Napapikit ako nang sabihin niya iyon.
Ilang beses na niya 'yong sinabi sa akin pero iba ang tuwa sa paraan ng pag sabi niya ngayon.
Dahan-dahan siyang kumalas sa yakap at hinawakan ang pisnge ko. Sobrang lapit lang ng mukha namin sa isa't isa. Hindi ko mapigilang kiligin sakanya. I giggled.
"I love you too." Sinabi ko iyon nang diretso ang tingin sa mata niya. Sa isip ay nagpasalamat akong hindi ako nautal.
Napangiti siya. Bahagya niyang iniyuko ang ulo ko at hinalikan ako sa noo.
Nang makabalik na ang mga kagrupo niya ay naabutan nila kaming nakaupo sa harap ng monitor. Bilang girlfriend na niya ako ngayon ay pina-experience na niya sa akin ang isa sa mga karapatan ko daw. May karapatan na ako na marinig ang bagong songs nila kahit hindi pa narerelease. Hindi ko napinigilan ang kilig ko habang nakikinig ng mga demo na ginawa niya.
Promise sobrang angas ng mga bago nilang kanta! May isa nga lang siya na hindi pinarinig sa akin. Ayaw niya raw na umiyak nanaman ako. Nakalimutan ko yung title, Mapa yata 'yon. Hindi ako sure.
"Sorry natagalan kami. Ito kasing si Justin pinagtripan nanaman si Lyka." Sabi ni Ken. Nagtawanan sila.
"Anong nangyari?" Curious na tanong ni Paulo.
"Eh bumili si Lyka ng banana bites tapos hawak na niya yung binili niya kaso naiwan pala yung pera niya sa taas. Tapos itong si Justin binayaran yung banana bites ni Lyka, akala namin nagmamagandang-loob, muntik na kami ma-touch, kaso dimunyu talaga. Inagaw yung hawak ni Lyka na banana bites sabay sabing siya ang nagbayad kaya sakanya na yun." Kwento ni Stell na tawang-tawa.
"Nakatikim tuloy ang bebe Justin ng sabunot. Deserved." Tawang-tawa rin na sabi ni Josh.
Hindi makapagsalita si Justin at tanging pag-tingin lang ng masama sa mga kuya niya ang magawa.
"Kuya Justin, kung crush mo si Lyka sabihin mo lang sa'kin. Hindi lang kita ilalakad, itatakbo pa kita." Tumatawang sabi ko.
"Inna?!" Nanlalaki ang matang sigaw niya. "Kilabutan ka nga sa sinasabi mo." Aniya at parang nandiri.
Pinagtawanan namin siya.
Ibinigay sa akin ni Ken ang pagkain ko kaya tumayo na ako at pumunta sa couch at inilapag muna doon ang pagkain ko para kumuha ng tubig. Sakto namang kumukuha rin ng tubig si Paulo.
BINABASA MO ANG
NEVER GONE [SB19 FF]
FanfictionFangirling is the only thing that's been holding the few pieces of her that were left after life repeatedly tried to tear her down. Skipping school to attend her idols' concert was supposed to be just a one-day escape from the nightmare she's living...