PABALIK-BALIK ako sa harap ng salamin at paulit-ulit na pinapasadahan ng tingin ang sarili ko. Matapos ang halos 30 minutes kong pagkilatis sa sariling itsura ay medyo nakuntento na ako. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong frustration sa sariling suot at itsura. Dati naman ay kahit ano lang ang suotin ko basta't kumportable ako ay okay na. Pero iba ngayon, sobrang naco-conscious ako kung ano ang iisipin ng mga taong pupuntahan ko kapag nakita ang itsura ko.Okay lang kaya 'to? Haayyy bahala na!
Black and white striped long sleeve tee at cropped black trousers ang suot ko. Pinagsisisihan ko talagang lumaki akong baduy at walang alam sa fashion!
Kinuha ko na ang sling bag ko at lumabas na ng cr. Pagkalabas ko ay sinuyod ko ng tingin ang café. Nakita ko agad si ate Anne na nakaupo sa counter at may inaasikaso. Naroon rin si ate Charyl na siyang saleslady. Naglakad ako papalapit sakanila.
"Ate Anne," tawag ko sakanya. Nilingon naman niya ako. "mauna na po ako." Paalam ko.
"Okay, Inna! Thanks! Ingat ha?" Ngiti niya.
"Thank you po. Bye!" Nagpaalam rin ako kay ate Charyl saka lumabas na ng café.
Lalo kong naramdaman ang magkahalong kaba at excitement na kanina ko pa nararamdaman. Pupunta ako ngayon sa bahay nila Sejun. Nandoon lahat ng kapatid niya pati na rin si tita Grace at tito Ted. Mabuti nalang at pupunta rin sina Jah, Stell, at Ken kung hindi ay talagang zero percent ang confidence ko ngayon.
Nakatayo ako ngayon sa tapat ng café at maya-maya pa ay may pumaradang kulay gray na kotse sa harapan ko. Bahagyang bumaba ang bintana sa harapang upuan at nakita ko si Jah na nakasumbrero at shades. Nakita ko rin si Stell sa kabilang upuan katabi niya.
"Are you lost, baby girl?" Ani Justin sa malalim na boses saka dahan-dahan akong tiningnan. Umangat ang gilid ng labi niya.
Umawang ang labi ko saka napailing.
"Parang sira, Justin." Rinig kong nauuyam na ani Stell. Binatukan niya si Justin dahilan para tumagilid ang shades nito. "Sakay na, Inna." Sabi ni Stell at bumukas ang pinto sa likuran.
"Nakakadiri yun, kuya Jah. Wag mo na uulitin yun." Kunwaring nandidiring sabi ko nang makasakay na.
Nakita ko siyang sinamaan ako ng tingin sa salamin. Natawa ako.
"Bias mo ako tas sasabihin mong nandidiri ka sa ginawa ko? Diba dapat kinikilig ka?" Inis niyang sabi. Lalo akong natawa kaya sa huli ay ngumuso nalang siya.
"Gawin mo 'yon sa harap ng salamin nang marealize mong mukha kang ewan." Tumatawa ring sabi ni Ken na andito sa katabi ko.
"Baka nakakalimutan niyong kotse ko 'tong nasasakyan niyo. Gusto niyo yatang maglakad papuntang Cavite ah." Nagbabantang sabi ni Jah.
"Correction: kotse ni kuya Yani. Baka nakakalimutan mo ring kaya pinahiram sayo 'to ni kuya Yani ay dahil saamin. Gusto mo yatang tawagan ko si kuya Yani." Sabi naman ni Stell.
"Aisshhh! Bahala nga kayo!" Hindi na nagsalita pa si Justin at pinaandar na ang sasakyan. Nagtawanan kaming tatlo nila Ken.
Habang nasa biyahe ay kumukuha ng video si Stell. Nung una ay inaasar niya si Justin habang nagmamaneho pero maya-maya ay nagsimula na siyang kumanta. Sinabayan siya ni Ken at Justin. Nakisabay na rin ako sakanila kaya hanggang sa makarating kami sa bahay nila Sejun ay nagkakantahan kami. Nakalimutan ko tuloy ang kaba ko.
"Andito na tayo." Anunsyo ni Stell.
Doon ko naramdaman ang pagwala ng tiyan ko, natatae yata ako.
Naunang lumabas ng sasakyan si Stell, sumunod si Justin at Ken. Sinisilip ko mula dito sa loob ng sasakyan ang bahay nila Sejun nang bumukas ang pintuan kung saan lumabas si Ken, natatawa akong tiningnan ni Ken.
BINABASA MO ANG
NEVER GONE [SB19 FF]
FanficFangirling is the only thing that's been holding the few pieces of her that were left after life repeatedly tried to tear her down. Skipping school to attend her idols' concert was supposed to be just a one-day escape from the nightmare she's living...