Hindi ko alam kung bakit ako lumuluha. Hindi ko alam kung bakit ako nasasaktan. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Ito ba ang pakiramdam ng mahalin ang isang John Paulo Nase? Bakit kailangang maging masakit? Nakakainis dahil kahit nasasaktan na ako hindi ko pa rin magawang itigil kung ano man itong nararamdaman ko para sakanya.Para akong baliw dahil sa tuwing masasaktan ako ay mas lalo ko lang siyang minamahal. Pinigilan ko na ito, maraming beses na. Pero sa tuwing ginagawa ko ay mas lalo lang tumitindi ang nararamdaman ko. Natatakot akong masaktan ulit pero heto at wala pa man ay nasasaktan na ako.
Mabilis kaming nakapasok ni Josh sa building at nakasakay ng elevator. Pasalamat akong walang ibang nakasakay dahil kung meron ay magtataka sila kung bakit ako umiiyak ng ganito.
Akmang bibitawan ko na ang kamay niya pero mas hinigpitan niya ang paghawak sa kamay ko. Sinubukan ko ulit na bitawan ang kamay niya pero hindi niya talaga binibitawan ang kamay ko. Napatigil ako sa paghikbi at kunot-noong inangat ang tingin sakanya.
Doon ko nakitang salubong na salubong ang kilay niya at seryosong nakatingin saakin. Kumirot muli ang puso ko nang makita sa mga mata niyang nasasaktan siya.
Bumuntong-hininga siya saka ipinantay ang sarili saakin. Mariin akong napalunok nang ilapit niya ang mukha saakin nang hindi man lang inaalis ang tingin saakin. Bakas ang matinding lungkot at sakit sa mga mata niya. Pakiramdam ko ay ganoon rin ang mga mata ko ngayon.
"Pakiusap wag kang umiyak. Nasasaktan si Jash Kalen na makita kang umiiyak. " Mabagal niyang sabi.
Di ko namalayang tumulo ang luha ko. Pinunasan niya iyon gamit ang palad niya. Hindi ako nakagalaw nang bigla ay yakapin niya ako. Bumilis ang tibok ng puso ko habang tulala sa likod niya. Ipinatong niya ang baba sa balikat ko habang nakapulupot ang kamay sa bewang ko.
"Ako nalang kasi Inna. Ako nalang mahalin mo. Hindi kita sasaktan, hindi ka iiyak saakin." Malungkot niyang sabi dahilan para bumuhos ang luha ko.
"S-Sorry kuya Josh" umiiyak na sabi ko. Naramdaman kong lumuwag ang yakap niya saka dahan-dahang inilayo ang sarili saakin. Nagbaba ako ng tingin. Ramdam ko ang titig niya saakin.
"Nga pala, yung hoodie ko di mo pa binabalik ha. Siguro lagi mong niyayakap yun." Ilang sandali pa ay sabi niya. Sumigla ang tono ng boses niya at naroon rin ang pang aasar. Nakanguso kong inangat ang tingin sakanya at sinamaan siya ng tingin.
"Kapal."
"Oh bakit? Hindi ba?" Ngumisi siya.
"Hindi ko pa kasi nalalabhan!"
"Ba't mo pa lalabhan eh mabango naman yun. Baka nga inaamoy-amoy mo pa yun gabi-gabi eh." Sabi niya saka nakangising nagpamulsa.
Kumibot-kibot ang labi ko at di alam kung anong sasabihin. Bigla ay nang aasar nalang siyang ganito na para bang wala siyang ginawa at sinabi kanina na nagpagulo sa isip ko. Sinamaan ko lalo siya ng tingin dahil tatawa-tawa niya akong sinusulyapan. Sa huli ay kinurot ko siya sa tagiliran.
"Aw!" Reklamo niya pero tumatawa pa rin.
"Nakakainis ka!"
"Bakit? Totoo ba?" Nang aasar niyang sabi.
"Hindi!"
"Oh ba't ka gagalet?" Hindi ko siya sinagot at kinurot ko nalang ulit siya. "Aw! HAHAHAHAHA ang sweet naman natin." Sabi pa niya. Natigilan naman ako at tiningnan nalang siya habang salubong ang kilay.
"Bakit ka tumigil? Totoo nga talaga sigurong niyayakap mo yun ano?" Pang aasar niya.
"Hmm don't worry, kapag sinagot mo na ako I'll share all my hoodie to you." Sabi niya sabay kindat.
BINABASA MO ANG
NEVER GONE [SB19 FF]
FanfictionFangirling is the only thing that's been holding the few pieces of her that were left after life repeatedly tried to tear her down. Skipping school to attend her idols' concert was supposed to be just a one-day escape from the nightmare she's living...