CHAPTER 28

463 29 38
                                    


Pakiramdam ko ay matutumba ako sa tindi ng panlalambot ng tuhod ko. Tila nabingi ang tenga ko pero malinaw nitong naririnig ang napakalakas na tibok ng puso ko. At ang mata ko, iisang tao lang ang nakikita... Itong lalaking nagsabing mahal niya ako.

"Dre..." Rinig kong sabi ni Josh pero hindi ko yun nagawang pansinin dahil hindi pa rin mawala ang atensyon ko kay Sejun.

Sejun...

"Nililigawan mo si Inna, 'di ba? Nililigawan ko rin si Inna. So, may the best man win nalang dre." Napakurap ako ng ilang beses kay Sejun at kusang umawang ang labi ko.

"Uy ano ba kayo..." Parang nanaway na ang tunog ni Stell.

"Okay, then, may the best man win." Sabi ni Josh.

Lumunok ako bago nagawang ibalik ang sarili sa katinuan. Doon ko nakita kung gaano kaseryoso ang mga itsura nila. Nakatingin sa isa't isa si Josh at Sejun habang parang natatae naman si Stell sa pwesto niya.

"Let's go, Inna." Nagulat ako nang hawakan ako ni Sejun sa kamay.

Hindi ko pa man naihahakbang ang paa ko ay naramdaman ko na may humawak sa kabilang kamay ko. Nanlalaki ang mata kong nilingon si Josh. Diretso siyang tumingin saakin.

"Ihahatid kita." Aniya.

"Josh, ako ang kasama ni Inna." Madiin na sabi ni Sejun.

"Eh 'di sasama na rin ako." Sabi naman ni Josh saka ngumiti saakin.

"Anong ugali yan dre?" Kumalabog ang puso ko sa kaba nang tumawa si Sejun, tunog naaasar.

"What? Gusto ko lang rin ihatid si Inna." Tumawa rin si Josh, hindi nagpapatinag.

"Uy dre, umayos ka." Saway ni Stell kay Josh.

"Maayos naman ako, Stell." Ngiti ni Josh.

"Oh? Really? Then let go of Inna's hand." Seryosong ani Sejun.

"Bakit naman kita susundin? I will do everything I want, Nase."

"Tch. Can you just atleast respect us?"

"Bakit kayo na ba? Hindi pa naman 'di ba."

"Josh..." Nagbabanta ang tinig ni Stell. Narinig ko ulit ang tawa ni Sejun.

Napakagat ako sa ibabang labi ko at ramdam ko ang pamumuo ng luha sa mata ko. Tiningnan ko pareho si Sejun at Josh na ngayon ay hawak ang magkabilang kamay ko. Ang sama na ng tingin nila sa isa't isa.

Sa mga palabas ko lang ito napapanood dati pero ngayon ay nangyayari na saakin. Akala ko ay nakakakilig ang ganito pero hindi pala. Gusto kong magalit sa sarili.

Kasalanan ko 'to...

Sabay kong inalis ang kamay ko sa kamay nila. Napatingin sila sa akin dahil doon. Nakita ko pa kung paano rumehistro ang pag aalala sa mukha nila bago manlabo ang paningin ko dahil sa sunod-sunod na pagbagsak ng luha ko.

"Sorry. Sorry... Wag kayong mag away, please." Gumaralgal ang boses ko. "Wag kayong mag-away." Umiiyak na sabi ko.

"We... are not fighting, Inna. Sorry. Please don't cry." Rinig kong sabi ni Sejun at nakita kong humakbang siya papalapit saakin. Humakbang ako paatras at iniwas ang sarili nang akmang hahawakan niya ako sa braso.

"Sorry, wag kayong mag away. Pakiusap." Umiiling na sabi ko saka nagmamadaling umalis sa harap nila.

Pero nagulat ako at napatigil nang makita si ate Rite. Nakatayo siya ilang hakbang lang ang layo sa amin. Napatingin ako sa plastic bag na nahulog sa sahig at sa nagkalat na green mangos. Tulala siyang nakatingin sa likuran ko. Lumingon ako saglit at hindi nga ako nagkamali dahil si Sejun ang tinitingnan niya. Nabigla pa ako lalo nang makita si Ken at Justin na nakatayo sa labas ng pinto ng dorm at parehong gulat sa nangyayari.

NEVER GONE [SB19 FF]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon