JOSH CULLEN'S POV
"Humingi na kami ng tulong sa mga tanod at guards dito. Magpatuloy lang kayo sa paghahanap!" Nilingon ko si mama Mich na ngayon ay alalang-alala na.
Kahit ako ay sobrang nag-aalala na. Mag-tatatlong oras na naming hinahanap si Inna pero hindi namin ito matagpuan.
"Si Sejun at Margarrete nakita niyo na rin ba?" Tanong pa ni mama Mich.
"Tinatawagan ko si Sejun pero hindi ko macontact." Sagot ni Stell
"Si Inna tawagan mo rin!"
"Hindi po sinasagot." Napahilamos ng mukha si mama Mich at muli nanamang lumabas ng building.
"Keep calling her, Stell. Wag kang titigil." Sabi ko.
Kunot-noo akong umakyat sa third floor at tumungo sa room 16 na siyang tinutuluyan ng mga babaeng campers sa pagbabakasakaling naroon na si Inna pero wala ito doon.
"Please be safe..." Kagat-labing bulong ko.
Pagkalabas ko ng kwarto ay may dalawang janitor na mukhang ang sadya ay ako.
"Sir! Isa po ba kayo sa naghahanap dun sa nawawalang babae?" Tanong ng isa.
"Yes po, bakit?"
"Ang sabi mo ay naka-red na dress yung babae at mahaba ang buhok, diba?" Tanong nito sa isa niyang kasama.
"Oo, dai!"
"B-Bakit po? Nakita niyo ba siya?" Bigla akong nabuhayan ng loob.
"Kanina po kasi ay lumapit siya saakin at nagtanong kung saan daw namin itinatapon ang mga basura kaya sinabi ko kung saan. Baka ho nandoon siya ngayon. Pasensya na po at ngayon ko lang nasabi ito para makatulong. Umuwi na ho kasi ako kanina, nang ibalita saakin nitong kasama ko ang tungkol sa nawawalang babae ay bumalik ako dito."
"Saan po yung tinatapunan niyo ng basura?" Desperadong tanong ko.
"Medyo malayo na ho yun dito, Sir. Isang sakay ng tricycle pero sa ganitong oras ay wala nang dumadaan na tricycle sa lugar na yun dahil madilim at matataas ang damo, wala na rin doong mga gusali." Usal ng Janitor. Napapikit ako sa kaba.
Inna...
Sinabi saakin ng Janitor ang eksaktong lugar at hindi na ako nag-aksaya pa ng oras at tumungo na ako doon. Nagbilin ako ako sa dalawang janitor na kapag hindi ako nakabalik sa loob ng 30 minutes ay magpadala ng mga tanod. Hindi ko na nakausap ang mga kasama ko para sabihin kung saan ako pupunta dahil hindi ko na rin sila nakita dahil naghahanap rin naman ang mga ito.
Tinakbo ko lang ang mahaba at madilim na kalsada. Hindi ko maipaliwanag ang kaba sa dibdib ko habang mas nakakalayo ako.
Hindi ko alam kung bakit kailangan pumunta ni Inna sa lugar na yun pero sigurado akong may mahalagang dahilan siya. Hindi yun lalakad sa ganito ka-dilim at nakakatakot na lugar para lang sa wala. Sa Makati nga ay hindi yun makalayo sa sbt building at hanggang garden lang.
"Wait for me..." If something bad happens to Inna, hindi ko alam kung ano ang gagawin ko.
Promise me, you'll be safe. Please... Paulit-ulit ko iyong sinabi sa isip ko at paulit-ulit rin akong nagdasal na sana ay naririnig niya ako.
Hindi ko alam kung gaano na kalayo ang natakbo ko. Naririnig ko pa ang ingay sa beach pero masasabi kong malayo na talaga ito. Hindi ako nakaramdam ng pagod o hingal man lang. Tanging takot at kaba lang ang nararamdaman ko para kay Inna. Tatlong oras na siyang nawawala. Kung anu-ano na ang pumapasok sa isip ko!
BINABASA MO ANG
NEVER GONE [SB19 FF]
FanfictionFangirling is the only thing that's been holding the few pieces of her that were left after life repeatedly tried to tear her down. Skipping school to attend her idols' concert was supposed to be just a one-day escape from the nightmare she's living...