"The dance that we taught you last meeting will be the dance routine for the whole week. Yun din ang sayaw na ipeperform niyo during the final evaluation. So what you need to do here is to show that you are improving..."7 PM na at nandito pa rin kami sa ds. Buong maghapon ay puro lectures lang kami. Wala ngayong evaluation. Pakiramdam ko ay matatapos na ngayon ang session dahil mga pahabol na advice nalang ang sinasabi ngayon ni Josh. Kanina pa ako hindi makapag-focus dahil sa sobrang kahihiyan. Simula kaninang umaga ay napagdesisyunan kong wag munang pansinin si Sejun. Hindi ko alam kung paano siya haharapin dahil sa nangyari kahapon. Nakikita ko siyang paminsan-minsan na lumilingon sa akin kaya halos mamatay na ako sa hiya. Maging yung apat ay iniiwasan ko rin. Kanina ay lumapit sa akin si Josh at alam kong hinihintay niya na yung sinabi kong ibbigay ko sa kanila pero umiwas ako. Hindi ko pa rin naman dala yung mga ibibigay ko sa kanila.
"Uhm, so this will be the end of our session today." Natauhan ako nang marinig ang sinabi ni Josh. Alam kong dapat nakikinig ako sa kanila at kailangan kong matuto pero hindi pa rin mawala sa isip ko yung bwisit na kahihiyan ko kahapon. Ang mas nakakhiya pa kasi don ay yung pinapunta niya pa si Alex.
"But before you leave, may announcement lang kami. Justin?" Tiningnan ni Josh si Justin para ito na ang magsabi.
"Ah, yes po! Ganito po kasi yon. Bukas, hindi kami ang magtuturo sa inyo." Sabi ni Justin. "May event po kasi kaming pupuntahan kaya ayun, hindi namin kayo masasamahan bukas. Pero sa Thursday po, kami ulit ang magtuturo sa inyo." Anunsyo niya pa. Bahagya naman akong napatitig sa kanila at nakaramdam ng kaunting lungkot. Hindi sila ang magtuturo saamin bukas at mukhang hindi ko pa sila makikita ng isang buong araw. Anong event ba kasi ang pupuntahan nila? Akala ko ba wala silang sched ngayon...
"Kahit pa buong week ka nang wag magturo sa amin." Rinig kong bulong ni Lyka na nasa tabi ko kaya napalingon ako sa kanya. Umirap pa siya pagkatapos.
"That's it! Maaga tayong matatapos ngayon. Pwede na kayong bumalik sa dorm niyo. Goodbye!" Sabi naman ni Sejun. Nagpaalam na rin ang lahat at isa-isa nang lumabas ng ds.
Dinampot ko na ang bag ko at akmang lalabas na nang sumulpot sa tabi ko si Justin. As usual, nakangiti nanaman ito. Tumingin ako sa likod niya para masiguradong wala doon si Sejun. Nakahinga ako ng maluwag nang makitang kausap niya si teacher Hong kasama yung tatlo.
"Hoy po, Inna! Bakit 'di mo kami pinapansin ha?" Tanong niya sabay nguso.
"Ha? Sinong nagsabing 'di ko kayo pinapansin?" Pag mamaang-maangan ko.
"Ako. Kakasabi ko lang eh." Sagot niya kaya pinanliitan ko siya ng mata. "Joke. Pero bakit nga? Pansin kong iniiwasan mo kami eh."
"Sira! Hindi naman ah. Kinakausap nga kita ngayon eh." Sagot ko. Natigilan naman siya at saglit na napaisip.
"Oo nga 'no." Tumatango-tangong aniya saka muling kumurba ang nakanguso niyang labi sa isang ngiti. "Wala ka bang gagawin ngayon?" Tanong niya. Nagsalubong naman ang kilay ko at napaisip.
"Bakit?"
"Sama ka sa amin. Manood ka ng practice namin." Ehh?
"H-Ha?" Hindi pwede. Ayokong makasama si Sejun. Huhu.
"May practice kami mamaya para sa event bukas. Pero bago yun pupuntahan namin ngayon ang mga trainees. Ah! Sumama ka saamin ipapakilala kita sa mga trainees—ay si Ken! Si Ken, ipapakilala ka niya sa mga tropa niyang trainees." Buong ngiting sabi nito. Hindi ako makapagsalita at makapag-isip nang maayos. Basta ang mahalaga ngayon ay maiwasan ko si Sejun.
"Inna." Nasamid ako sa sarili kong laway nang biglang sumulpot si Josh kasama yung apat. Nagsimula na ring magsilabasan ang mga staff kaya naiwan na ako dito kasama sila.
BINABASA MO ANG
NEVER GONE [SB19 FF]
Hayran KurguFangirling is the only thing that's been holding the few pieces of her that were left after life repeatedly tried to tear her down. Skipping school to attend her idols' concert was supposed to be just a one-day escape from the nightmare she's living...