CHAPTER 13

533 20 4
                                    


NAMANGHA ako nang makita ang paligid. Inilibot ko ang paningin ko at hindi ko maiwasang mapangiti ng malaki. Para ako ngayong bata na ngayon lang nakapasok sa lugar na ganito. Sobrang saya ko.

"Waahhh." bulalas ko habang pinagmamasdan ang bawat machine dito sa arcade. Namamangha ako sa mga iba't ibang ilaw na mula sa mga machine na tumatama ngayon sa mata ko.

Napangiti ako kay Sejun nang makitang nakangiti siya habang nakatingin saakin. Pakiramdam ko tuloy ay para ko siya ngayong tatay dahil kung makatingin siya ay parang ansaya niya para sa akin.

"Ang ganda 'di ba? Nirent ko ang buong place para sa atin." Rinig kong sabi ni Justin kaya gulat akong napatingin sa kanya. Ngayon ko lang napansin na kami lang nga ang nandito.

"Grabe? Bakit naman kailangang irent ang buong lugar, kuya?"

"Syempre nga kasi isip-bata siya." Sambit ni Lyka kaya natawa kami maliban nalang kay Justin na masama nanaman ang tingin kay Lyka.

"Tumahimik ka nga diyan, Chica." Sabi nito kay Lyka. Nakagat ko ang ibabang labi ko para pigilang matawa.

"Chica?" Nakataas ang kilay na tanong ni Lyka.

"Bahala ka mag-isip." Sabi naman ni Justin saka binigyan ng pekeng ngiti si Lyka.

"Ehem, awat na." Wika ni Josh.

"Ano bang gagawin natin dito?" Tanong ko sa kanila. I mean, hindi na kami bata para maglaro, bakit dito pa naisip ni Justin na pumunta? At ano yung sinasabi niya kagabi na siya ang bahala sa akin?

"Sasayaw." Sagot ni Justin kaya automatic na nasira ang mood ko. Blangko ko siyang tiningnan pero sinuklian niya lang ito ng ngiti.

"Don't worry, Inna. Kami bahala sayo."  Sabi ni Sejun kaya napatingin ako sa kanya.

"Tara." Sambit ni Josh at hindi na ako nakaangal pa nang hilahin niya ang kamay ko. Kung ako ay hindi nakaangal, si Justin ay nagrereklamo nanaman dahil partner nga daw niya ako, wag daw akong agawin ni Josh sa kanya. Natawa nalang sila dahil kay Justin habang ako ay hindi ko alam kung anong gagawin ko.

Tumigil kami sa harap ng isang machine na hindi ko alam kung ano ang tawag. Umiilaw-ilaw ito at maganda sa mata pero hindi ko gusto ang itsura nito. Itsura palang ay parang hindi na kami magkakasundo nito.

"Inna," Nabigla ako sa paghawak ni Sejun sa kamay ko at hinila niya ako papunta sa parang maliit na dance floor ng machine dahilan para mabitawan ni Josh ang kamay ko. Napalingon ako kay Josh para humingi ng tulong pero nangunot ang noo ko nang makitang seryoso siyang nakatingin sa kamay namin ni Sejun.

"Watch and learn. Mamaya ikaw nanaman ang sasayaw." Wika ni Sejun kaya napatingin ako sa kanya at napalunok nalang.

"Hoy, Paulo! Ako kasabay ni Inna'ng sumayaw!" Bulyaw sa kanya ni Justin. Pumwesto ito sa kabilang machine na katabi lang ng machine na kinatatayuan ngayon ni Sejun.

"Hoy, ka rin, hindi pa nga alam ni Inna kung paano mag dance rush kaya idedemo muna natin." Sabi ni Sejun kaya napatango naman si Justin at binigyan ng token si Sejun.

Lumapit ako kay Lyka at inarko niya ang braso niya sa akin. Para ako ngayong natatae na ewan. Naramdaman ko naman ang pag tabi sa akin ni Stell.

"Relax. Kami bahala sayo." Wika niya kaya napahinga nalang ako ng malalim.

"Kuya, hindi ko alam kung kaya ko."

"Sshh, kaya mo yan. Believe in yourself." Nakangiting wika niya. Gumaan naman ang pakiramdam ko dahil sa sinabi niya.

Humarap sa pwesto namin sina Sejun at Justin at nagbow pa silang pareho bago nagsimulang tumugtog ang machine. Humarap sila sa screen ng machine kung saan may parang sinusundan silang iba't ibang ilaw na nagsasabi kung ano ang sunod na step na gagawin nila.

NEVER GONE [SB19 FF]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon