CHAPTER 6

613 30 11
                                    

"OMYGHAADDD!!!"

Kakapasok ko palang sa kwarto nang salubungin ako ng sigaw ni Andrea. Nagulat tuloy si Snow at muntik pang tumalon.

"Why are you with a cutie cutie cutie cat, Inna?" Humahaba ang nguso niya habang sinasabi iyon. Kinuha niya na sa kamay ko si Snow at inilapag ito sa kama niya.

"Nakita ko sa labas, wala namang may ari kaya dito nalang yan si Snow." Wika ko at umupo sa tabi niya

"Snow? Aw, such a cute name." Nanggigigil na wika niya.

Hinimas ko sa ulo si Snow. Kanina nung tumatakbo siya papunta saakin, para bang nakita ko ang sarili ko sakanya.  Siguro kasi pareho kaming walang mauuwian at walang magulang na matatakbuhan. Yung kung sino lang ang makita, doon nalang hihingi ng tulong.

Nakaramdam ako ng lungkot dahil hindi naman pala kami pareho. Kasi si Snow, meron nang ako na mag-aaruga sakanya, kukupkop, at makakasama. Eh ako? Wala akong sinuman na makakasama.

"Uy, bakit ang sad naman?" Natauhan lang ako nang magsalita si Andrea.

Kita ko ang pag-aalala sa mga mata niya.

"Wala... Naalala ko lang kanina. Itatapon kasi dapat si Snow ng guard sa labas. Nakakaawa naman, buti nalang nakita ko siya."

"Bakit daw itatapon?"

"Bawal daw kasi ang mga pusang gala dito sa building. Eh ngayong alaga ko na si Snow, ibig sabihin naman nun diba na hindi na siya pusang gala kaya hindi na nila siya pwedeng itapon."

"Oum. At hindi rin ako papayag na gawin nila yun . I'll protect this cute little creature." Sabi niya habang nilalaro si Snow.

Sabi ni Andrea na bukas daw dahil Linggo ay pwede kaming lumabas at gumala. Susunduin raw siya dito ng Mom at Dad niya. Inaaya niya ako pero humindi nalang ako. Ayaw ko namang maging sagabal sa bonding ng pamilya niya.
Sabi ko ay bilhan niya nalang ng cat lace si Snow para kapag gagala kami next time ay maiisama namin ito.

Pagkatapos naming magkwentuhan ay naligo na ako. Ilang sandali pa ay lumabas na rin ako sa sala kasama si Snow. Kumain kami ng gabihan habang nagkwekwentuhan.

Nainggit pa saamin sina Kyla at Vicky dahil ang ganda raw ng activity na ibinigay saamin kanina at ang sarap pa ng price. Eh yung kila Kyla daw maganda naman ng slight pero ang hirap daw makipag close sa mga group mates niya. Ganun din daw kila Vicky. Mabuti na lang ay walang problema sa grupo namin. Lahat mababait. Sana nga sila nalang kagrupo ko sa lahat ng weeks.

Pagkatapos naming kumain ay naupo kami sa sala at nanood ng tv. Hindi ko na mahawakan ngayon si Snow dahil pinag-aagawan nung tatlo. Sobrang cute naman kasi. Tumingin nalang ako sa palabas sa tv.

Hindi naman talaga ako nanonood, blanko ngayon ang utak ko. Hindi ko alam kung anong iisipin ko. Gusto kong mapag-isa.

Tumayo ako at lumabas ng dorm. Hindi na ako nagpaalam pa sakanila. Kung saan ako pupunta, hindi ko alam. Ang gusto ko lang ay yung walang tao, walang maingay, walang problema.

Napagtanto ko nalang na dinadala ako ng mga paa ko sa Garden area. Medyo malayo na ito sa building at likod na parte na ito kaya wala nang masyadong tao dito.

Naupo ako sa isa sa mga bench at tumitig sa kawalan. Hindi naman dito madilim dahil may iilang light post na nagbibigay ng liwanag. Kitang-kita ko pa rin ang iilang klase ng bulaklak. Malawak ito at sa kabilang dulo kami kanina kumuha ng yellow bell.

Hindi dapat ako mag-isip ngayon ng malulungkot na bagay. Kaya ako pumunta dito hindi lamang para sa pangarap ko kundi para na rin makalimot. Hindi ko na dapat pang isipin ang mga bagay na yun.

NEVER GONE [SB19 FF]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon