CHAPTER 21

550 31 11
                                    


HAWAK ko ang papel at ballpen na hiniram ko pa kay ate Rappl. Nakasandal ako ngayon sa malaking salamin habang tulalang pinagmamasdan ang mga trainees at campers na walang humpay na rin sa pag practice. Hindi ko na alam kung gaano na ako katagal na nakatulala dito. Nag iisip kasi ako ng inspirasyon sa pagsulat ng kanta. Balak kong gumawa ng sariling kanta na siyang pangalawang song na ipeperform ko sa Sabado. Pero hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung tungkol saan ang gagawin kong kanta.

Napanguso nalang ako at ipinatong ang ulo ko sa tuhod ko. Kailangan kong mag-isip. Gamitin mo utak mo Inna.

"Ikaw na mauna."

"Ihh, ikaw na."

"Susunod ako sayo, promise."

"Aish, mamaya nalang nga."

"Sige mamaya nalang. Basta mamaya kakausapin ko na talaga siya."

Sumulyap ako kila Merry at Darlene na nagtutulukan pa. Kanina pa sila nagtatangkang lumapit sa akin pero hindi naman natutuloy. Gustuhin ko mang lapitan na rin sila pero nahihiya ako dahil nahihiya sila sa akin.

Bakit naman kasi sila mahihiya saakin, ako nga ang dapat na mahiya dahil seniors ko sila. Tapos kanina pa nung dumating ako narinig ko kaagad na sinabi nila Merry dun sa ibang trainees na makakasama nila Andrea na ako daw yung camper na sinasabi nila. Rinig na rinig ko yung mga magagandang adjectives na ginagamit nila para sa akin kaya sobrang namula ako sa hiya.

Ilang oras pa akong nanatiling nasa ganoong posisyon lang hanggang sa napaangat ako ng ulo nang marinig kong bumukas ang pinto kasabay ng sunod-sunod na pagbati ng mga trainees. Pumasok si Ken kasama si Stell at Justin. Sinalubong agad sila ng mga trainees at binati. Maya-maya pa ay nilibot ni Ken ang paningin niya at nang makita niya ako ay nakangiti siyang lumapit sa akin.

"Good morning, kuya Ken!" Bati ko sa kanya. Ngumiti siya sabay abot sa akin ng gitara niya.

"Good morning. Alagaan mo yang baby ko, ha?" Sabi niya kaya natawa ako.

"Baby?" Natawa ako. "Thank you." Napalingon kami kay Justin nang lumapit ito sa amin.

"Hoy po Inna—ikaw rin?" Nagsalubong ang kilay niya habang nakatingin sa akin.

"Ha? Ako rin?"

"Ikaw rin. Namamaga rin ang mata mo?" Kunot-noong aniya habang pinagmamasdan ang mata ko. Napaiwas naman ako ng tingin sa kanya at tumingin nalang kay Ken na ngayon ay tipid na ngumiti at bumuntong-hininga. Tumawa nalang ako nang makitang namamaga nga ang mata ni Ken. Wala pa naman silang make-up kaya masyadong halata.

"Ah, haha, nasobrahan lang ako sa tulog." Palusot ko kay Justin.

"Tara, Inna. Lilibre kita ng pagkain sa cafeteria." Biglang sabi ni Ken kaya agad na lumawak ang ngiti ko.

"Wow! Sige!" Sabi ko at agad kaming naglakad palabas ng ds. Napatulala saglit si Justin sa amin bago niya kami nagawang habulin.

"Hoy, sandale! Bakit mo ililibre yang partner ko? Kelan pa kayo naging close?" Tanong niya kaya pareho kaming natawa ni Ken.

"Saan kayo pupunta?" Iniwan ni Stell ang mga kakulitan niyang trainees at humabol rin sa amin.

"Ililibre raw si Inna sa cafeteria. Eh, hindi naman sila ganun kaclose! Ako kaya ang partner ni Inna." Nilingon ko si Justin at natawa ako nang makitang nakanguso siya.

"Oy, nice. Ililibre mo rin ba kami ni Jah?" Tanong ni Stell kay Ken.

"Inna rin ba pangalan niyo?" Pambabara sa kanya ni Ken. Napatigil sa paglakad si Stell at tila hindi makapaniwala na hindi siya magagawang ilibre ni Ken. Napatigil na rin sa paglakad si Justin habang pigil naman ang tawa namin ni Ken. Akala namin ay susunod pa yung dalawa pero nakapasok na kami sa elevator ay wala pa rin sila. Siguro tinamad na dahil hindi naman sila ililibre.

NEVER GONE [SB19 FF]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon