CHAPTER 41

308 17 9
                                    


"I told you, hindi siya sumasagot." 

Napabuntong-hininga si Stell at muling nagtipa ng text. "Sigurado ba kayong wala siya dito?" Tanong niya nang hindi tinitingnan ang kausap.

"Nandito kami mula kahapon and we didn't see her na pumasok o lumabas." Sagot ni Lyka habang palakad-lakad sa harap ng pinto. "I'm so worried. Did she tell you na uuwi siya sa kanila? What if umuwi nga siya? Bakit hindi niya tayo sinabihan?" Sunod-sunod na tanong niya.

Saglit na napatigil sa pag-tipa si Stell dahil sa tanong ni Lyka. Lalo siyang nag-alala.

Ilang araw nang hindi pumupunta si Inna sa training, kahit sa eskwela at trabaho ay hindi rin ito pumapasok. Kapag tinatawagan naman ay hindi sumasagot, kahit sa text. Ilang beses na ring pinuntahan ng mga kaibigan niya ang tinutuluyan niya pero hindi siya nakikita ng mga ito.

"I don't think so. Nasabi niya sa atin dati na hindi niya na gustong bumalik sa kanila." Napatingin sila kay Takki na ngayon ay nakasandal sa pader at nakapikit.

"Right. But we still need to make sure." Seryosong sabi ni Lyka.

Ibinaba ni Stell ang cellphone niya nang may mapagtanto. "Kahapon pa kayo dito?" Tanong niya at tumango naman si Takki at Lyka. "Hindi kayo natulog?" Tanong niya pa.

"Natulog naman. Palitan nga lang. Kapag tulog ako, gising siya tas kapag gising ako, tulog siya." Sagot ni Lyka.

"Sa sasakyan lang kayo natulog?"

"Alangan namang sa kalsada." Napataas ng kilay si Stell sa sagot ni Lyka pero mukhang hindi naman nito intensyon na sumagot nang pabalang kaya itinuon niya nalang ulit ang tingin sa cellphone niya.

Bumuntong-hininga ulit siya nang walang makitang reply. "Kumain na ba kayo?" Tanong niya sa dalawa habang nagtitipa ulit ng text.

"Hindi pa." Rinig niyang sagot ni Lyka kaya napa-angat siya ng tingin.

"Ano? Bakit hindi kayo nagsabi? Nabilhan ko sana kayo ng pagkain bago ako pumunta dito." Ani Stell.

"No, we're fine. Hindi pa naman kami gutom." Sabi ni Takki.

"Dre." Napalingon silang lahat nang dumating na ang kaibigan ni Stell. Agad na ibinigay nito ang susi kay Stell.

"Thank you, dre."  Sabi ni Stell.

"Kung nagsabi sana kayo agad, e di sana nakatulong ako kaagad." Sabi nito. Kamag-anak kasi ito ng may-ari ng inuupahan ni Inna.

Saglit na natigilan si Stell. Sobrang naging busy sila noong mga nakaraang araw kaya ngayon lang din niya nalaman mula kay Lyka na hindi nga pumapasok si Inna. Mas naramdaman nanaman niya ang guilt.

"Sige, una na ako. Baka ma-late ako sa trabaho." Sabi nito saka tinapik ang braso ni Stell bago umalis.

"He looks familiar." Sabi ni Takki. "Nag-cocompete ba siya?" Tanong niya.

"Oo. Suki yun sa dance competitions. Kasama ko dati sa isang cover group." Sagot ni Stell.

"Ah. I'm not sure pero nakalaban ko siguro siya sa solo compi dati." Sabi ni Takki. Napatango-tango naman si Stell.

Pumwesto na sila sa harap ng pintuan ng nirerentahang apartment ni Inna. Bago buksan ni Stell ang pinto ay kumatok pa siya ng ilang beses at tinawag ang pangalan ni Inna. Nang wala talagang sumagot ay itinulak niya na ang pinto.

"Inna?" Tawag ni Lyka.

Nang tuluyan silang makapasok ay napansin agad nila ang mga kumot at karton na nakaharang sa bawat bintana dahilan para dumilim ang paligid kahit na umaga.

NEVER GONE [SB19 FF]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon