Chapter 2

39 4 2
                                    

[A/n : Hi ule! XD Reminders nga pala sa mga Classmate kong Makakabasa nito, Hahaha. Wag na lang kayo maingay kung may related ba dito na Love story ha. ]


Lumipas ang Taon at Buwan.

DeJoke...

Araw pa lang. At as Expected, Magkatabi kami ni Daniel. Si Daniel na pala Asar, mayabang minsan, Pero mabait, palatawa, at Mabuting kaibigan.

Let me Describe him..

Physically muna. Medyo Dark sya. Pwede na sana siyang Tawaging Tall, Dark and handsome. Pero ang problema, lumihis ng onte sa Handsome e. Nabawasan. Hahah. Di naman sya Panget. Cute ganun. Cute sapakin. Haha. Pero Cute talaga sya. Tapos... Ahmmm.. Magagandang mata, tamang Size ng ilong, smiley face, and...... KISSABLE LIPS. Hahaha. Enebe. Weg nge keyeng genyen. Hahahaha. (Kinikilig daw si Author. XD Landi.)


Yung Ugali naman nya, Sweet, Palatawa, joker, pikon pero mapang asar, minsan maingay lalo na kapag kasama tropa, tapos minsan Tahimik. Saka sya yung tipo ng taong hindi ka kakausapin pag di mo sya kinausap.Yung ikaw yung magfifirst move. Ideal man diba? wag ka na Mangarap. TAKEN na sya. 

Kaya nga Huminto na ako sa paghanga sa kanya . Di ko lang alam kung ano ba talaga tong nararamdaman ko. Pero alam nyo ba? sya yung tumutulong sakin para makalimutan si James. Si James na nangakong babalikan ako... Si James na Iniwan ako..

Bigla tuloy nagflashback sa isip ko yung mga Ngiting dating nagpapalakas sa akin. Mga yakap na nagsasabing di ako Nag-iisa. Mga Matang tumitingin na Dama ang Pag-ibig nya. NagFlashback bigla sa Isip ko yung mukha ng Lalaking Minahal ko ng sobra.. Pero naglaho ng Parang bula.


August 28. Muling Bumalik ang nakalipas . Sa Saktong oras at Araw.

"Babe, Gusto mo na bang makipagbreak?" Tanong sa akin ni James. Yung Boses nya...


Ito yung araw na muli at huli ko syang nakausap. Muli dahil halos 1 week syang Absent at 2 weeks na naging cold sakin. Huli dahil nararamdaman ko at alam ko sa sarili kong Magwawakas na ang Love story naming dalawa.


Nung mga panahong nag-uusap kame, Nakatingin lang ako sa kawalan. Di ko sya Tinitignan. Bakit? Kase nasasaktan ako. Sino ba namang hindi Masasaktan kapag nasa Sitwasyon na ganyan diba? Alangan namang Magparty pa ako e Magbebreak na nga kami ng Mahal ko. Ng Taong unang Mnahal ko. Pero This time, wala ng luhang Lumalabas sa mata ko. Napagod na din siguro kase. 3 weeks ba naman na Mag-iiiyak ka e. 3 weeks na nagtiisan kame.


"Ui Babe. Sumagot ka naman" Pagsasalita nya. Doon lang ako Nabalik sa reyalidad. Sa Reyalidad na Hinihiling ko na sana hindi Nangyayare.

"Siguro Babe kelangan na nating Magpahinga." sabi ko. At Pinilit kong ngumiti.. " Alam mo bang andaming nagsasabi na Wag daw kitang Papakawalan? Kase madaming naghihintay sayo sa labas. Naghihintay sayo para maging sa kanila naman.."

"Babalikan naman kita e. Di ko pa lang kase talaga kaya." Putol nya sa Pagsasalita ko. "Di ko pa kase kayang Panindigan yung Relasyong Ganito. Nahihirapan ako pag-umiiyak ka. Basta... Di ko pa talaga kaya."

"Sa Tingin mo Babe, Sino sa atin ang dapat magsabing Hindi nya na kaya? Ikaw ba dapat yun?" sabi ko.

"Sorry talaga ... Babe.."

"Siguro nga kailangan na nating Itigil to... And maybe it's my turn to say those Words... Hindi ko na kaya." Sabi ko sa kanya. Walang emosyon sa mukha. 

The Search for Forever with Mr. SeatmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon