Daniels's POV
Hays. Christmas Break na bukas. At eto pa din ako. Torpe pa din.
Ang hirap din palang tignan yung mahal mo sa malayuan. Yung tipong nakikita mo syang masaya. Naririnig mo syang tumawa ng malakas. Nakikita mo yung magaganda nyang ngiti. Okay na sana e. Kaso Nasa malayo ka..
Kanina ko pa gustong lumapit sa kanya. Kanina ko pa sya gustong yakapin. Gusto kong ako yung maging dahilan ng mga pagngiti nya. Kaso wala e. Hanggang tingin na lang siguro muna ako.
"Hoy Daniel. Baka naman matunaw si Iya nyan?" bulong sakin ni Carl. Grabe. Napansin pala nila yung pagtitig ko kay Iya.
"Oo nga pre. Magtira ka ng para bukas." sabi naman ni Paul tapos nagtawanan sila.
"Kaso Pre, di naman nya makikita si Iya bukas e. Wala na kaseng pasok." kantyaw naman ni Miguel.
"Ayy. Oo nga no. Kawawa naman si Daniel. Hindi na makikita ang Mahal nya" sabi ni Paul. Tapos nagtawanan sila.
"Wag ka na kaseng torpe." sabi sakin ni Carl
Buti pa tong si Carl. May mabuting dulot.
"Onga Pre. Malay mo sa bakasyon. May makilala yan. Edi wala ka. Nganga forever." sabi naman ni Paul.
Oo nga no? Paano kaya kung may makita na syang iba habang bakasyon? Paano na ako?
"Oo nga. Gusto mo tulungan ka namin? Sakto oh. Palapit na sya dito oh." sabi ni Miguel.
Pagkasabi nya non, napaayos ako ng upo. Tapos natulala sa kanya.
"Oh Daniel. Bakit ka tulala? Ayos ka lang?" sabi sakin ni Iya. Kinaway nya pa yung kamay nya malapit sa mukha ko.
"Hay nako. Masyado kaseng nainlove s—-
bago pa matuloy ni Paul yung sasabihin nya, pinutol ko na..
"Ahaha. Okay lang ako I-iya. hehe. May iniisip lang." yun lang yung nasabi ko.
Bakit ganun? Parang ... Parang lalo syang gumaganda?
"Ah. Buti naman. Akala ko kung ano nang nangyayare sayo."
"Ganyan talaga yan pag inlove Iya" sabi ni Carl sabay tingin sa malayo at sumipol. Gusto ko silang paguntugin. Kaso nakakahiya naman kay Iya.
"Nice naman. Inlove si Daniel. HAHAHAHA. Ikaw Daniel ha. Di ka na nagsheshare." pang aalaska sakin ni Iya.
"Ako? Inlove? Kanino naman? HAHAHA. Nakakatawa naman yung Joke nyo. HAAHAHAHA" pagpapalusot ko.
"Ahh. Hindi ka pala Inlove.." sabi ni Paul..
BINABASA MO ANG
The Search for Forever with Mr. Seatmate
RomanceLahat ng Taong Sumasabak sa Pag-ibig, Nasasaktan. Normal na yan sa atin. Oo Sa Simula masaya. Pero sabi nga nila, Lahat ng Simula ay may Katapusan. Pero di Ibig sabihin nun, Susuko na tayo. Oo nakakatakot sumubok ule. Pero pano natin Matatamo yung...