Daniel's POV
Nagsimula na ang Christmas break. Pero bakit ganun? Diba dapat nagsasaya ako kase wala na akong iisiping gawain sa School. Bakit ba parang ang lungkot ko yata. Nakakatanga naman ito.
Oo nga pala. Pupunta pala ako sa bahay nila Carl ngayon. May gala kami ngayon.
"Mommy. May pupuntahan lang ako." paalam ko kay mommy na nanonood ng TV kasama ang Ate Mae ko.
"Hay nako Daniel. Anong oras mo na naman balak na umuwi?" pakikisali ni Ate.
Hays. Minsan nakakainis talaga kapag may panganay na kapatid noh?
"Oo nga anak. Baka naman gabi ka na naman umuwi." pag dadagdag ni Mommy.
"Wag kayong mag-alala ni Ate, mommy. Maaga po ako uuwi." sabi ko.
"Maaga o Umaga?" pakikisabat na naman ng ate ko.
"Umaga." birong sagot ko. Eto namang si Ate binato ako ng unan. Akala naman totoo. DI na mabiro.
"Makaalis na nga! Baka maudlot pa alis ko." sabi ko tapos lumabas na ako ng bahay.
Tinawag pa ako ni Ate pero di ko na pinansin. Bahala na sya doon.
Hays. Ano na kayang plano ko this Christmas break? Gagala na lang ba? hays. Namimiss ko na si Iya.
Shet. Ano ba tong pinagsasasabi ko?
Pero sa bagay, di ko naman mapagkakaila na miss ko na talaga si Iya. At saka di ko pa din nakakalimutan yung sinabi ni Paul sakin Baka nga maunahan ako. Ano na lang mangyayare sakin. Hanggang tingin na lang.
Kailangan ko ng kumilos. Bago pa mahuli ang lahat.
"Hoy Daniel. Para kang timang dyan. Naglalakad na nakatulala." sabi ni Carl.
Hala. Sa sobrang pag-iisip ko, di ko na namalayan na nakarating na pala ako kina Carl. Nandito na rin sina Paul at Miguel. Ako na lang pala hinihintay.
BINABASA MO ANG
The Search for Forever with Mr. Seatmate
Roman d'amourLahat ng Taong Sumasabak sa Pag-ibig, Nasasaktan. Normal na yan sa atin. Oo Sa Simula masaya. Pero sabi nga nila, Lahat ng Simula ay may Katapusan. Pero di Ibig sabihin nun, Susuko na tayo. Oo nakakatakot sumubok ule. Pero pano natin Matatamo yung...