PART 1

1.4K 47 5
                                    

.........

FLASHBACK...

14 YEARS AGO...






.........



Nini..!!!! Sandali! hintayin mo ko!! ( patakbong humabol si Chaeyoung kay Jennie habang naglalakad ng umagang yon para sumabay na pumasok sa school.


.."Rosie!! Hahaha! (tawang tawang tawag sa kanya ni Jennie at huminto sa paglalakad)


.. 'Nini.. (hingal na sabi nito) ang bilis mong maglakad eh.. Akala ko ba ay sabay tayong papasok ngayon ah? Di mo man lang ako hinintay.


.." sabi kasi ng Mama mo kanina ay tulog ka pa kaya hindi na kita pinagising, ang sabi ko ay mauuna na ko pumasok.

.. 'Kahit na.! (nagtatampong sabi ni Chaeyoung kay Jennie.. Inakbayan sya ni Jennie at sabay na sila maglakad papuntang eskwelahan)


.." Hahaha! Kahit kailan napaka tulog mantika mo kasi Rosie.. Siguro ay napuyat ka na naman kakanuod ng cartoons.

..'Hindi ah..Nagreview kasi ko para sa exam natin ngayon.. Ayoko kasing bumagsak eh.

.." Ganon ba.. Pakopya ako ah! Hindi kasi ko nagreview hahaha!

..' Kaw pa ba..! Oo ba basta ililibre mo ko ng Pancakes mamayang recess ah..


.." Oo naman! Kahit ilan pa! 🤣




Nasa Preliminary School pa lang sila Jennie at Chaeyoung ay magkaibigan na sila. Matanda ng isang taon si Jennie kay Chaeyoung pero magkaklase sila. Maaga kasing nagaral si Chaeyoung. 7 years old na si Chaeyoung at 8 years old naman si Jennie.Pareho silang Grade 2 at since Pre school ay magkaklase na sila. Palibhasa ay di naman kalayuan ang bahay ni Jennie kay Chaeyoung ay may time na lumilipat ito sa kanila para makipaglaro. Minsan ay si Chaeyoung naman ang lumilipat kila Jennie lalo kapag umaalis ang mga Magulang nito upang asikasuhin ang mga trabaho sa Seoul. May sariling Yaya at nakakaangat sa buhay si Jennie pero ayaw nyang lagi syang sinusundan ng Yaya nya, kaya magisa syang pumapasok at sumsabay kay Chaeyoung. Malayo ang eskwelahan nila pero nilalakad ito ng magkaibgan.Gusto kasi nilang naeenjoy ang pagpasok sa eskwela.


Pagkarating sa kanilang Room ay magkatabi pa rin ang magkaibigan. Agad silang naupo sa kanilang desks at nakwentuhan muli. Maya maya pa ay bigalang lumapit ang kanilang kaklase, si KARINA.. Ang Bully sa kanilang Room.. May mga kaibigan si Karina, si Giselle at Yoona. Lagi nilang pinagiinitan si Chaeyoung, lalo si Karina, pakiramdam nya kasi ay Teacher Favorite ito..


. At Nandito na pala ang Amoy isdang si Chaeyoung! Hahahaah! (tukso ni Karina at nagsitawanan naman ang mga kaibigan nito.. To the rescue naman agad ang kaibigan nyang si Jennie)


.. "Karina. Kung wala kang magawa sa buhay mo? Pwede bang wag si Chaeyoung ang paginitan mo!


. At bakit hindi Jennie?! Wag mong sabihin na ipinagtatanggol mo yang amoy isda na yan? Tsaka Jennie dapat sa amin ka nakikipagkaibigan at hindi sa Chaeyoung na yan, hindi mo siya ka level. (at nagtawanan muli ang tatlo samantalang si Chaeyoung ay nakayuko lamang ng mga oras na yon habang nilalait sya ng tatlo.Hindi nakapagtimpi si Jennie at tumayo lumapit ito kay Karina.)


.. "Kayo? Ka level ko? Eh hindi naman ako kagaya nyong ang sama sama ng ugali?! Ano naman kung nagtitinda ng isda ang Magulang ni Chaeyoung? Wala kayong paki!


. Hahahaah! Mukang nahawa kana dyan sa kaibigan mong dugyot, Jennie! Hahaha!


Naiirita na si Jennie, pero inawat sya ni Chaeyoung.


THE PROMISE OF FOREVER Where stories live. Discover now