PART 11

556 30 1
                                    

.....



.......

Kinabukasan maagang nagising si Chaeyoung. Agad syang tumulong sa kanyang Mama sa mga gawaing bahay. Nagtext naman si Mark sa kanya, at hapon pa ang kanilang pagkikita para sa usapan nila kaya minabuti ni Chaeyoung na tumulong muna sa bahay. Mag aalas Dyes nang umaga ng matapos na sila. Agad syang tumulong sa kanyang Mama na magluto ng kanilang tanghalian. Nang makaluto na ay sabay sabay ng kumain ang mag anak.. Habang kumakain ay di maiwasan ng kanyang Mama ang magtanong sa kanya.

.. Chaeyoung anak?.

.. 'Bakit po Mama?. (tugon ni Chaeyoung habang busy sa pagkain ng mga oras na yon)

.. Ngayon kamo ang alis mo diba? Di ba kamo ay niyaya ka ng anak ng Boss nyo na lumbas?.

Huminto sa pagkain si Chaeyoung at nagwika sa Mama nya.

..' Opo Mama. Pero maya maya pa naman po yun. Nagtext po si Mark na baka hapon na nya ko sunduin.

.. Mabuti.pero gusto sana namin ng Papa mo na makilala ang Mark na yon iha?.

..' Ahm...wag po kayong magalala Mama. Pagsundo po nya mamaya ay ipapakilala ko po sya sa inyo.. (nakangiting wika ni Chaeyoung.)

. Tama ang Mama mo anak. Para naman kilala namin ang mga taong malapit sayo. Si Lisa at Hyeri lang madalas namin makita eh.. (ani ng Papa nya)

.. 'Opo Papa..

Habang busy sa pagkain ang maganak ay biglang tumunog ang doorbell ng kanilang gate. Nagkatinginan silang tatlo.

.. Anak akala ko ba ay hapon kapa susunduin?. (takang tanong ng Mama nya)

Maging si Chaeyoung ay nagtataka kung sino ba ang bisita ng ganong oras.

.. 'Teka lang po.. Tingnan ko lang po kung sino?.. (tumayo si Chaeyoung sa lamesa at nagtungo na palabas ng pinto. Agad sya lumabas at dumiretso sa kanilang gate. Agad nyang nakita ang isang lalaki. Naka coat ito at nakashades. Hindi pamilyar sa kanya ang lalaki kaya agad nya itong tinanong.

..'Magandang araw po Sir? Ano pong kailangan nila?. (maagap na wika ni Chaeyoung sa lalaki)

.. Goodnoon Ma'am?. Kayo po ba si Ms. Park Chaeyoung?.

Agad na nabigla si Chaeyoung kung bakit tinatanong sya ng lalaki. Agad naman syang tumugon dito.

.. 'Opo?. Ako nga po?.. Ano pong kailangan nyo Sir?..

Imbes na sumagot ay bumalik ang lalaki sa tabi ng sasakyan nito. Mukang mamahalin ang Sasakyan at tila ba tingin ni Chaeyoung ay isa itong personal bodyguard. Agad na pinagbukasan ng lalaki ng pinto ng sasakyan ang sakay nito. Nagulat si Chaeyoung kung sino ang bumaba mula sa sasakyan.

.. 'Ni ---Nini..??.

Nakangiting lumapit sa kanya si Jennie habang pinapayungan ng dalwang Bodyguards. Nakita din nyang bumaba ng kotse ang P.A nito na si Jisoo..

.. "Hi Rosie!! (nakangiting sambit ni Jennie sa kanya)

..' Nini--? Anong gingawa mo dito?..

Imbes na sumagot ay ngumiti si Jennie sa kanya at lumapit pa sa kanya.

.." Masama na bang dalawin ko ng Bestfriend ko?. As far as I know? Hindi naman diba?. (nakangiting wika nito sa kanya)

Naguguluhan pa rin si Chaeyoung sa biglaang pagpunta ni Jennie sa bahay nila.. Hindi nya ito makaharap ng maayos. Halos wala syang masabi at nangangapa sya ng mga sandaling iyon. Maya maya pa ay narinig nya ang tinig nang kanyang Mama at tintawag sya.

THE PROMISE OF FOREVER Where stories live. Discover now