PART 40

536 16 2
                                    

........





.. 'Nandito na tayo Jen, (ani ni Jisoo kay Jennie nang makarating na sila sa bahay nila Chaeyoung. Nakaparada sa labas ng gate ng bahay ang kotseng sinasakyan nila Jennie at nananatili sila sa loob ng sasakyan. Napatingin si Jennie sa bahay nang marinig nyang magsalita si Jisoo sa tabi nya.

.. 'Jen. Nandito na tayo.. Hindi ka pa ba bababa?. (muling tanong ni Jisoo sa kanya.. She took a deep breath bago bumaba ng sasakyan. Naisip bigla ni Jennie na kailangan nya ng maraming lakas ng loob para harapin at kausapin si Chaeyoung..

..' Tara na?. (muling sambit ni Jisoo at tumango na lamang si Jennie.. Hindi mawari ni Jennie kung bakit biglaan syang binalot ng kaba ng mga oras na yon.. Kaba na parang tutunaw sa kanya.. Bago pa man sila tuluyan na makarating sa bahay nila Chaeyoung, ay buong lakas loob nya ng hinanda ang sarili sa abo ang pwedeng magyari, pero bakit ganoon ang nararamdaman nya? Bakit pakiwari nya ay napanghihinaan sya ng loob makaharap ito.? . O natatakot sya sa maaring kahitnatnan ng pag kikita nila..

Lumapit sa Doorbell si Jisoo at sya na  ang pumindot. Ilang saglit lang ay lumalabas na mula sa loob ng bahay ang Mama ni Chaeyoung.. Agad sila nitong pinagbuksan ng gate at binati. Halata sa Ginang ang saya ng makita silang muli. Lalo ng makita nitong muli si Jennie.

.. Oh.. Jennie anak?! Jisoo?Nabisita kayo? Tuloy kayo..!.. (masayang bati nito sa kanila sabay paanyaya papasok sa bahay nito)

.. Kaytagal ko kayong di nakitang pumasyal dito sa bahay ah.. Lagi ko kayong tinatanong kay Chaeyoung kung kailan ba kayo makakabisita ulit dito ngunit ang palagi nya lang sinasabi ay di nya alam. , di ko naman akalain na pupunta pala kayo ng biglaan. Nakapagluto sana ako kahit konti.. (ani ng Mama ni Chaeyoung)

Pinatuloy sila nito sa loob ng bahay at pinaupo sa may Sala..

.. "Ahm.. Pasensya na po Auntie ---kung ngayon lang po kami nabisita ulit, at biglaan pa.. May--may importante lang po kasi kaming sadya--(kinakabahang sambit ni Jennie.. Sa mga sandaling iyon kasi ay nanunuot na sa kanya ang pedeng mangyari.. Pero naisip nya na wala paniguradong alam ang mga Magulang ni Chaeyoung.. Panatag sya kung sakali dahil alam nyang wala naman itong alam sa totoong relasyon na namamagitan sa knila ng anak nito.. Dahil ang buong alam nila ay magkaibigan pa rin sila ni Chaeyoung.. Habang iniistima sila ng Mama ni Chaeyoung ay biglang sumagi sa isip ni Jennie ang totoong sadya nya.. Ang tanungin at Kamustahin si Chaeyoung.. Ang makausap ito.. Kaya agad nya itong tinanong sa Mama nito upang sana ay makausap kung naroon..

.. "Ahmm? Auntie?? (tanong ni Jennie sa Ginang matapos nitong ilapag ang dala nitong meryenda para sa kanila ni Jisoo.)

.. Bakit Jennie anak?..

.." Ahmm? Auntie.. Itatanong ko lang po sana kung nariyan po ba si Chaeyoung?.. Ahmm.. Gusto ko lang po sana syang makausap sana?.. ---

Napatingin agad ang Ginang sa sinambit nya.makalaunan ay Ngumiti ito sa kanila sabay wika.

.. Oo nasa kwarto nya.. Sandali at pupuntahan ko lang.. Sigurado akong gising pa yon. Sandali lang ha.. .. (sambit nito sa kanila sabay alis.. Magtutungo na ito sa silid ng anak.)

Naiwan ang magkaibigan na nakaupo sa Sofa.. Hinabol na lamang ng tingin ni Jennie ang papalayong Ginang.. Doon ay muli nyang naramdaman amg pagbilis muli ng pintig ng puso nya.. Kaya naman agad syang napahawak sa dibdib at nakita  naman ito ng kaibigang si Jisoo.

.. 'Jen.. Calm dowm okay?. Inaatake ka na naman ng panic attack eh..Relax yourself.. Hmmm.. Di ba sabi mo kanina bago tayo magpunta dito sa kanila, ay kailangan na walang masayang na oras? You want to tell her the truth right? .. I got you.. I got you back.. Huh?. (pagpapalakas ng loob ni Jisoo sa kanya..)

THE PROMISE OF FOREVER Where stories live. Discover now