PART 23

869 28 1
                                    

.....

.....

.. GIRLFRIEND..? Girlfriend mo ang babaeng ito..? Cmon?!.. Tsssh.. (halos di makapaniwalang tanong ng lalaki kay Chaeyoung.)

Nanatiling nakatingin si Jennie sa dalawa. Hindi pa rin sya makapaniwalang ipagtatanggol sya ni Rosie sa lalaking may balak na masama sa kanya..

Girlfriend? Tama ba ang pagkakarinig ko? Sinabi nyang Girlfriend nya ko..? (halos shocked pa din na sabi ni Jennie sa isip nya.. Hindi din nya inaasahang sasabhin yon ng kababata nya..

.. 'Bingi kaba?! Oo Girlfriend ko sya! Girlfriend ko lang naman yang babaeng binabastos mo!? (galit na sabi ni Chaeyoung sa lalaki.. Imbes na masaway ang lalaki ay lumapit ito kay Chaeyoung at muling nagsalita. Ramdam na ni Chaeyoung ang tensyon sa pagitan nila ng lalaki, at sa totoo lang ay takot na sya pero kailangan nyang labanan ang takot nya para ipagtanggol si Jennie.. Para kay Jennie..

.. Hahaha!! Nakadrugs ka ba Miss?! Seryoso ka ba? Hahaha! Paano mong naging Girlfriend ito eh magisa lang sya ng lumapit ako sa kanya?! Hahaha! Nagpapatawa ka ba?!! (patuloy na pangiinsulto ng lalaki sa kanya.. Hindi nagustuhan ni Chaeyoung ang pananalita ng lalaki kaya naman napataas ang kilay nya.. Bago muling sumagot dito)

.. 'Ayaw mong maniwala? Hah! Ok papakita ko sayo para maniwala ka! (walang ano ano ay hinablot nya si Jennie mula sa likuran ng lalaki at marahas na hinalikan sa labi.. Nashocked si Jennie. Hindi nya inaasahan ang ginawa ni Chaeyoung.. Pero sa isang banda ng isip nya masaya sya.. Nagustuhan nya ang Chaeyoung na nakikita nya.. Ang aggresibong si Chaeyoung. Kaya nang halikan sya nito ng madiin ay gumanti sya.. Mas diniinan nya ang halikan nila at inilagay nya ang dalawa nyang kamay sa leeg nito.Yumakap sya kay Chaeyoung habang patuloy silang naghahalikan .. Wala nh pakialam si Jennie kung nalulunok nya na ang laway nito.. Nagulat ang lalaki sa harap nila ng makita silang ganoong ayos .Napatulala ito, at nang mapagtanto nga nya na tlagang magkasintahan nag dalawa ay umalis na nang tuluyan ang lalaki. Pero tuloy lang sila sa kanilang gingawa, Biglang bumitaw si Chaeyoung kay Jennie at halos habol nila ang paghinga. Napangiti si Jennie.. Nanatiling nasa leeg pa rin ni Chaeyoung ang mga braso nya..

.. "Rosie....

.. 'Nini....

Halos wala silang makapang sabihin sa isat isa.Parang pareho silang nabigla sa mga nangyare.  Napangiti si Jennie sa harap nya at inilapat ang noo sa noo ni Chaeyoung.. Mas diinan nya din ang pagyakap dito. Nabigla man si Chaeyoung ay niyakap nya din si Jennie. Hindi nya rin malaman kung bakit pero masaya syang kasama si Jennie. Kayakap at nasa harap nya.. Sobrang bilis ng pintig ng puso nya ng magkatitigan sila.. Tanging si Jennie lamang ang taong kayang gawin sa kanya yon. Halos di nya na din mapigilan ang nadarama. Hindi nya na din kayang kontrolin ang nadarama para dito.. Mahal nya na si Jennie.. Mahal nya na ito..

Habang nananatili sila sa  ganoon ayos ay narinig ni Chaeyoung ang mahinang bulong ni Jennie sa kanya.. Habang titig na titig sa mga mata nya..

.. "Tama ba ang pagkakarinig ko Rosie... Sinabi mong Girlfriend mo ko?.. (halos di mapigil ni Jennie ang saya at emotion nya dahil sa sinabi ng kababata.. Gusto nyang marinig muli dito kung totoo ba ang binitwan nitong salita sa lalaki..Ngunit pumikit lang si Chaeyoung. Hindi dahil sa ayaw nyang sagutin ang tanong ni Jennie, kundi di nya mapigil ang pag bilis ng tibok ng puso nya.. Nahihirapan na din si Chaeyoung na lokohin ang sarili nya.. Hindi nya na kayang magsinungaling at magpanggap.. Mahal nya si Jennie..

Habang hinihintay ni Jennie ang pagsagot ni Chaeyoung sa kanya ay hinaplos nya ang magkabilang pisngi nito na nagpadilat muli dito. Nagkatinginan sila..

.. "Rosie.. Please... Answer me... (masuyong wika nito sa kanya..

.. 'Naiinis ako sayo Nini.. Alam mo ba yon?.. (halos mapaiyak si Chaeyoung sa pagkakasabi nya sa salitang yon, na ipinagtaka ni Jennie..

THE PROMISE OF FOREVER Where stories live. Discover now