PART 58

541 22 6
                                    

.........

Dinala sila JENNIE at CHAEYOUNG ng mga Armandong lalaki sa isang Bakanteng Gusali. Agad na itinali si Chaeyoung sa may upuan habang may takip pa rin ang bibig. Si Jennie naman ay hawak nila at agad na inilapag sa Sahig. Nananatiling walang malay si Jennie ng mga oras na yon.

Nakita ni Chaeyoung ang kalagayan ng Nobya kaya di nya maitago ang labis na takot at pagaalala dito. Wala pa ring malay si Jennie mula pa kanina kaya naman labis na syang nagaalala dito ngunit wala man lang syang magawa.

Kita nyang kumuha ng isang timbang tubig ang isang lalaki at ibinuhos yon kay Jennie. Nagpupumiglas si Chaeyoung pero di nya kayang makawala sa pagkakagapos sa kanya.

Nagising si Jennie dahil doon at unti unting bumangon ngunit nanghihina pa rin ito dahil sa natamong pagsuntok sa kanya kanina.

Nang makaupo si Jennie ay agad sya nitong natanaw kaya buong lakas itong tumayo para sana ay lapitan sya, ngunit naging maagap ang isa sa mga Armadong lalaki at hinila si Jennie pabalik sa sahig. Dahilan para mapaluhod ito. Walang magawa si Chaeyoung kundi ang pagmasdan na lamang ang nagyayari kay Jennie. Di sya makalaban para dito. At ang tanging nagagawa na lamang nya ay umiyak at magdasal na sana ay may tumulong sa kanila.. Na sana ay makaalis sila ng ligtas ni Jennie sa kamay ng mga lalaking may hawak sa kanila.

Lumapit ang isang lalaki sa kanya at inalis ang takip nya sa bibig. Nanatili pa rin syang nakatali.

.. 'Ano bang kailangan nyo sa amin!?! Bakit nyo kami ginaganito?!! Pakiusap.. Nakikiusap ako sa inyo pakawalan nyo na kami!! Pakawalan nyo na si Jennie!  Wag nyo na syang saktan please..!, 😭😭😭😭 (umiiyak na pakiusap ni Chaeyoung sa mga lalaki. Ngunit ngumisi lamang ang mga ito sa lahat pagsusumamo nya. Tinawanan lamang sya nito..

Maya maya pa ay inalis din nila ang takip sa bibig ni Jennie ngunit nananatili itong nakatali sa kamay.. Nakaluhod si Jennie sa harap ni Chaeyoung at basang basa ng tubig ang buong katawan dahil sa ginawa ng mga lalaki.

Agad na nagsalita si Jennie..

.. "Ano ba ang gusto nyo ah!!? Sabihin nyo lang basta nakikiusap ako sa inyo wag na wag nyong sasaktan ang Girlfriend ko!! (ani ni Jennie sa mga lalaki)

Lumapit ang isang lalaki at sinabunutan si Jennie sa buhok. Kinausap nya si Jennie ng hawak ng mahigit ang buhok nito.. Kitang kita ni Chaeyoung ang ginawang iyon ng lalaki kaya sumigaw sya habang naiiyak.. Umiiyak sya para kay Jennie..

.. 'Wag mo syang saktan pakiusap!., 😭😭😭bitawan mo si Nini!!. 😭

At tumawa lamang ang lalaki sa mga sinsabi nya.. Ilang sandali pa ay nagwika ang pinaka Leader ng mga ito.

.'Mamili kayong dalawa kung sino ang gusto nyong unahin ko sa inyo? Hahaha! Ikaw o ikaw?! Sagot!! (at agad na kumuha ng Baril ang lalaki at itinutok sa sintindo ni Jennie.. Napasigaw si Chaeyoung ng makita iyon.

..' No!! 😭😭Wag nyong gawin yan!! Pakiusap ..!! Ano bang gusto nyo.. Sabhin nyo lang lahat gagawin ko..!! Pakiusap wag nyong ituloy yan!!, 😭😭(at nagiiyak lalo si Chaeyoung.. At doon nagalit ang lalaki.. Agad nyang itinayo ng pilit si Jennie sa harap ni Chaeyoung at muling sinuntok sa tyan.)

Nagiiyak si Chaeyoung at halos mapaos na sa pakiusap sa mga lalaki..

.. 'Tigilan nyo na sya!. 😭 Hindi nyo ba sya nakikilala?!! Sya si Jennie Kim!! Kaya nakikiusap ako sa inyo wag nyo na syang saktan!! NINI!!!!! 😭😭😭

.' Wala kaming pakialam kung sino sya!! O kahit ikaw!! Pasensya na pero ginagawa lamang namin ang trabaho namin! Hahaha! (ani ng lalaki)

.' Hawakan nyo ng mahigpit yan!! (utos ng lalaki sa mga kasamahan nito. Agad nilang itinayo si Jennie. Hawak ito magkabilang braso ng dalawang lalaki. Wala itong malay at nakayuko lamang. Kumuha pa ulit ng isang timbang tubig ang isa sa apat na lalaki at inilublob doon si Jennie.. Napasinghap si Jennie sa ginawa nila.

THE PROMISE OF FOREVER Where stories live. Discover now